CHAPTER 25

31.4K 1K 69
                                    

Hanggang sa pag uwi ko galing Cafe, di maalis sa isip ko ung nangyari sa Cafe kanina.

Hays! Wag yon ang isipin mo Nahyun! Ung exam! Ung exam!

Umiling-iling ako bago pumasok sa loob ng bahay. Binati ko si mama pagkapasok ko ng bahay pero di siya sumagot kaya alam kong wala siya dito, nasa trabaho pa siya.

Nilapag ko ung mga gamit ko sa may gilid ng kwarto ko, sa sahig. Napag isip isipan ko munang mag linis ng bahay para pag uwi ni mama diretso pahinga nalang siya. Pinagluto ko nalang din siya ng pagkain para di na siya mag luluto.

Pagtapos kong magluto, nag hain na ako at tinakpan muna ung pagkain para hindi dapuan ng langaw. Dumiretso ako sa kwarto at kumuha ng mga damit. Maliligo na ako para matanggal tong pagkatigas ng buhok ko.
---------------

Lumabas ako ng kwarto habang pinupunasan ng towel ang buhok ko. Medyo matigas parin siya kaso di kinaya ng shampoo namin eh. Atlist nabawasan diba?

may naririnig akong ingay sa kusina. Siguro si mama na yon. Pumunta ako sa kusina at tama nga ang hinala ko. Nakapang uniform parin siya ng pangtrabaho nya. Kinakain nya ung niluto ko kanina.

Nakatalikod siya saakin kaya di nya alam na nandito na ako. Hinintay ko siyang matapos kumain at tinulungan siya sa pagligpit ng pinagkainan nya. Halata namang nagulat siya kaya natawa ako.

"Tulungan na kita jan ma, alam kong pagod kana eh" kinindatan ko si mama kaya napatawa siya kahit na halata namang pagod na pagod siya. Gusto nya siya ang mag huhugas pero pinaalis ko lang siya at sinabing ako na bahala.

"Cge na ma! Doon kana, ako na dito. Shoo!~" pabiro kong sabi habang nag huhugas ng plato. Tumawa siya at ginulo ang buhok ko.

"Cge nak, salamat. Maliligo lang ako" sabi ni mama bago siya umalis at pumunta ng kwarto. Tinignan ko siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko bago ko pinag patuloy ang pag huhugas.

Hindi naman ganun karami ang pinagkainan ni mama kaya natapos ako agad mag hugas. Pinunasan ko ang kamay ko gamit ang towel na ginamit ko kanina. Lumabas muna ako saglit para isampay yung towel.

Pagkabalik ko sa loob hindi parin tapos si mama. Pumasok ako sa loob at kinatok si mama sa banyo.

"Ma? Buhay kapa ba?" Kasi naman ang tagal nya kaya sa loob.

"Gaga oo naman. Gusto mo kong patayin?" Narinig kong sabi ni mama sabay ang pag buhos ng tubig.

"Aah okay po ma. Di naman po, ang tagal nyo kasi eh" natawa ako ng mahina at umalis na para pumunta sa loob ng kwarto. Tumingin ako sa labas ng bintana. Hindi pa naman ganun kagabi diba?

Napag isip isipan ko munang mag review para sa Exam bukas. Hindi ako makapag review sa Science kasi di ko pa nakikita ung libro ko. Kaya habang nag rereview ako nakabusangot ang mukha ko.

Habang nag rereview ako sa Math, napag isipan kong sagutan ang ilang mga tanong na nasa libro. Binuksan ko ung bag ko para kumuha ng papel at ballpen ng may nakita ako sa loob na biglang nag patibok ng puso ko.

Ung blazer.

Tinignan ko kung tapos na ba si mama maligo. Baka makita nya ung blazer, baka kung ano pang isipin nun. Ng makasiguro akong hindi pa siya lalabas eh pinag masdan ko ung blazer.

Di ko napansin na nakangiti ako ng napaka laki na akala mo aabot hanggang tenga. Hinihimas ko ung blazer para pakiramdaman ung texture nung tela. Kahit na ginamit ko to kanina, nandito parin ung amoy nya.

Shit! Tigilan mo nga Nahyun. Mukha kang stalker o something!

Busy ako sa pag tingin sa blazer ng bigla ko naman maalala ung isa sa Cafe. Tungunu! Stop it na, stop it okay? Okay?. (A/N: *insert Seokjin's 'Hey Stob it!')

Iling ako ng ilang habang hinahampas ang ulo ko para lang maalis sa isip ko ung mga distraction na toh. Review ang atupagin mo Kim Nahyun! (-ㅅ-)

Huminga ako ng malalim. Nang makakalma ako tinuloy ko na ang pag review pero hindi parin nawawala sa isip ko tong mga distraction na toh.
---------------------

Read. Vote. Comment :)
Thank youuu ~ sorry maikli lang tong chapter na toh. Mianhe ~

Transfer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon