CHAPTER 4

64.1K 1.7K 272
                                    

Lunch Time. Hindi dumating ang teacher namin kanina. Di ko alam kung bakit.

Pinili kong manatili dito sa room kasi nahihiya ako. Wala kasi akong pera pang bili ng mamahaling pagkain sa canteen kaya yung natirang pagkain lang namin ni mama kagabi ang baon ko.

"Nahyun-ah. Eat with us" kaming dalawa nalang natira ni Euijin dito sa room. Ang bait nya tlga saakin.

"Ay hindi na, may baon na ako dito eh." Tsaka gusto ko din namnamin ung aircon dito. Ang astig kaya, lalong lumamig. Pero iba ung pagkalamig nya.

"Please?"

"Hindi"

"Pleaaasee?"

"Ayaw ko"

"Pleaaaaaaaaaase??~"
---------------------

"Why is the witch with you?" Tanong ni Jungkook habang nakatingin ng masama saakin kaya hinampas ko siya sa ulo.

"Stop it Jungkook. She's eating with us, she's part of our class now" sabi naman ni Euijin at naupo na.

Nasa tabi ko si Taehyung sa kaliwa habang si Dohee naman ang nasa kanan. Nilibot ko ang paningin ko. Karamihan sa mga estudyante nakatingin at nag bubulungan na halatang ako ang topic.

Di ko na muna sila iisipin at kakain na muna ako. Buti nalang wala silang pake sa baon ko ngayon.

Pagtapos nilang bumili ng sari-sarili nilang pagkain ay sabay sabay kaming kumain. Nasa kalagitnaan ako ng pag subo ng pagkain ko ng biglang may bumulong sa kaliwang tenga ko.

"Wooo~"

Tinignan ko si Taehyung pero ningitian nya lang ako. Okay?

"Jimin I did it!"

"Idiot! That's not harassment"

Ano daw?! (0.0)

"Hoy kayong dalawa tigilan nyo yan. You should leave a good first impressions to Nahyun" pinagalitan sila ni Minjae sabay hinagisan si Jimin ng kutsara.

"You know you should leave it to Namjoon hyung when it comes to harassment hehe"

Ano ba naman tong mga toh. Binilisan ko nalang ang pag kain ko para matapos na ako. Sa mga oras na yon mas nakilala ko pa sila. Pero kanina ko pa napapansin si Yoonsun na tinitignan ako sabay iirap.

Natapos ang lunch at pagbalik namin ng classroom sakto naman ang pagpasok ng teacher namin.

"Hello class! I'm sorry di ako nakapag turo kanina kasi may meeting kaming mga teacher" aaah kaya pala wala siya kanina. sumagot lang sila ng oo na may halong katamaran at yung iba naman tumango lang.

Tumingin naman saakin ang teacher at ngumiti. Ang friendly nya ah. Buti naman hindi siya masunget.

"Welcome Nahyun, I am Mrs. Jung your adviser for the whole school year. And all of you, treat her nicely she's our first scholarship student"

Tumango lang silang lahat at nag start na ang lesson. Cguro nga ganun tlga ka-big deal sakanila ang magkaroon ng scholarship student.
-----------------

Sa wakas, natapos din ang klase. Nag paalam na ako sa mga kaklase ko.

Nasa tapat na ako ng gate ng school ng biglang may humarang sakin na napakagandang sasakyan. Bumaba ang bintana nito at ang nasa loob ay ang pinaka ayokong makita.

"Oy Loser, get in"

"No thank you" kahit na gusto kong makasakay ng ganyang sasakyan wag nalang kung siya ang mag mamaneho. Baka kung saan pa ako dalhin nyan eh.

"You should be thankful I'm offering you a ride" sabi nya sabay ngisi sakin. Ang yabang talaga neto -_-

May sasabihin sana ako sakanya pabalik ng biglang may humila saakin.

"Sorry Kookie! She'll go with me today"

"Taehyung!" Sigaw saamin ni Jungkook habang nakalabas ang ulo sa may bintana ng sasakyan nya.

"Hurry ~" di na ako nakapalag pa kasi sapilitan nya akong tinulak papasok ng sasakyan. Pumasok narin siya sa loob at ini-start ang kotse at umalis. Ano bang meron at kailangan pang mag madali?

"Tell me where you live" sabi nya habang nag mamaneho. Cguro mas okay nang kay Taehyung ako sumama diba? Kesa naman doon kay Jungkook.

Tinuro ko lang sakanya ang daan papuntang bahay pero bago pa man kami makarating doon ay pinahinto ko na sakanya yung sasakyan.

"Why? Do you want to go there?" Tinuro nya yung convenient store na malapit lang sa bahay ko.

"No. Pakihinto nalang toh please" sabi ko sakanya. Buti nalang mabait toh si Taehyung at sumunod sa sinabi ko. Ayokong makita nya ang bahay ko baka pagtawanan nya lang ako.

Gusto ko nang lumabas ng sasakyan na toh kaso lang di ko alam kung pano buksan ung pinto. Lord help me (ToT)

Narinig kong tumawa si Taehyung kaya tinignan ko siya na 'buksan-mo-ung-pinto-look.

Lumapit siya saakin. Yung sobrang lapit. Ano toh?! Ohmygod. Anong nangyayari? Nakatingin lang siya sa mga mata ko. Ilabas nyo ko ditooo!

"Have I seen you before?" Ano daw?! Ngayon ko nga lang siya nakita eh. Ano ba toh ang lapit nya! Di ko alam kung kikiligin ba ako o matatakot.

"No you haven't" napa-english tuloy ako. Naman kase to eh! Feeling ko mag no-nose bleed na ako.

"I'm certain I have seen you somewhere" somewhere? Saan naman yon? Hala. Mag no-nosebleed na ata ako. Paatras ako ng paatras tapos siya palapit ng palapit.

Eunaeee! Tulungan mo ko ditooo!

Di ko na kinaya. Mag n-nose bleed na nga ako. Naka sandal ako sa may pintuan ng bigla itong bumukas kaya ayun napa tumbling ako.

"Oh my god! I'm sorry! Yah Nahyun!" Agad akong tumayo at tumakbo na ako ng napakabilis papuntang bahay habang hawak hawak ang ilong ko.

Pagkauwi ko dumeretso ako agad sa banyo para linisin ang itsura ko. Pagkalabas ko ng banyo nakita ko si mama nasa kwarto nag tutupi ng mga damit.

"Oh anak? Anong nangyari sayo? Bakit may tagos ka? Meron kana ba ngayon?" Sunod sunod nyang tanong saakin.

Tagos?

Tinignan ko ang palda ko at may dugo nga ito. Iisa na nga lang tong uniform ko nadumihan pa! Mag lalaba tuloy ako.

"Hindi po ma. Nanose bleed lang po ako"

"Oh bakit? Anong nangyari?" At ayun, kinwento ko sakanya lahat ng nangyari sa school except lang doon sa part ng kay Taehyung.

"Buti naman di ka nila binubully doon. Maganda yan anak, basta galingan mo lang sa pag aaral ah" sa ngayon pa lang di ako binubully. Malay natin sa susunod bullyhin nila ako.

"Cge po ma. Lalabhan ko lang tong uniform ko at mag papahinga na ako" hindi na muna ako kakain ngayon. Di naman ako gutom eh.

Nagbihis na ako at lumabas para makapag laba. Siyempre nag igib muna ako ng tubig pagkatapos nun sinimulan ko na ung paglaba.

Madali lang naman akong natapos kasi isa lang naman ung lalabhan ko. Pagtapos kong isampay ung uniform ko eh pumasok na ako sa loob.

Naglinis muna ako ng katawan bago matulog. Nakahiga na ako sa higaan ko pero di ako makatulog.

Nakita nya na daw ako? Saan naman kaya..
------------------

Read. Vote. Comment :)
Thank you pooo~
Sa mga silent reader jan, let me know naman po what you think haha.

Transfer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon