CHAPTER 20

32.9K 1K 110
                                    

Time Skip to Monday

Pagkabangon na pagkabangon ko wala ako agad sa mood. First day ko bilang 4th Year A.

Great. Just great. *insert sarcasm*

Pagkatapos kong maligo, inayos ko yung buhok ko bago ako lumabas ng kwarto. Nadatnan ko si mama sa kusina na nag luluto ng umagahan. Kahit na wala akong ganang kumain, kakain parin ako kasi ayokong masayang ang niluto ni mama.

"Magandang umaga anak. Saglit nalang toh, makakakain kana" ningitian ako ni mama kaya ngumiti nalang rin ako. Wala talaga kasi ako sa mood mag salita eh.

Naupo nalang ako at hinintay matapos si mama. Maaga pa naman eh, di naman ako malelate.

Sa totoo lang ayokong pumasok.

"Eto na nak! Kain kana" nilapag ni mama ung pagkain sa lamesa. Nag pray kami bago kumain. Nasa kalagitnaan ako ng pag kain ng tinanong ako ni mama.

"Nasaan na ang energetic kong Nahyun?" Malungkot na sabi ni mama. Huminga ako ng malalim bago siya tinignan at ngumiti. Ung apologetic smile.

"Sorry ma, wala lang tlga ako sa mood ngayon. Promise po mamaya pag uwi ko babalik na si energetic Nahyun!" Tumawa lang siya at sinabing ituloy ko nalang ang pag kain ko kasi baka malate pa ako.
----------------------------

"Ma alis na po ako!" Sigaw ko kay mama kasi nasa kusina pa siya. Nag susuot palang ako ng sapatos ng tawagin nya ako.

"Teka lang nak! Ung baon mo" lumapit ako sakanya pagtapos kong mag suot ng sapatos. Kinuha ko sakanya ung baunan ko at nilagay toh sa bag. Hinalikan ko siya sa pisnge bago ako lumabas ng bahay.

"Mag iingat ka anak!"

"Opo ma!"
---------------------------

Sobrang bagal kong maglakad sa corridor. Para akong zombie sa isa kong napanood dati kila Hoseok. Napahinto ang paglalakad ko nang nasa tapat na ako ng classroom namin.

Nakalimutan ko. Di na nga pala ako dito.

Hindi ko namalayan na napa-pout na pala ang labi ko dahil sa lungkot. Okay lang yan, baka makita ko naman sila pag lunch time na eh.

Tinitigan ko muna ang pinto. Naririnig ko sila sa loob. How I wish na sana nandun ako. Ang ingay nila, nag sisigawan pa.

Napatawa nalang ako ng mahina at tsaka tuluyan ng umalis at dumiretso sa classroom ng regular class. Eto nga pala ang classroom na kung saan ko nakilala si Sohye.

Nanginginig ang mga kamay ko na hinawakan ang door knob. Huminga ako ng malalim bago ko buksan ang pinto.

Natigilan sila sa ginagawa nila at tumingin sa direksyon ko. Kung nakakamatay lang ang pagtingin nila siguro patay na ako.

No thanks. Mas gugustuhin ko nalang ung tingin ni Jungkook.

"And who are you?" Tanong ng teacher na nasa tapat ng mga estudyante. Nakaupo sya habang nakapatong ang paa sa may table.

Anong klaseng teacher ang ganyan? Mas gugustuhin ko pa si Mrs. Jung kahit na minsan ang boring ng tinuturo nya atlist may napag aaralan.

Transfer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon