CHAPTER 5

53.3K 1.5K 220
                                    

> Friday <

Friday ngayon. Ang bilis ng oras. Sa mga 4 na araw kong kasama ang mga kaklase ko mas naging ka-close ko sila. Pero siyempre hindi maiiwasan ang mga bulungan sa school tuwing makikita ako ng mga estudyante, karamihan sakanila babae, pag kasama ko ang mga kaklase ko.

Kilala kasi sila dito sa school may mga 'fangirl/fanboy' pa nga sila eh. Meron pa nga naglalakad ako sa may corridor ng biglang may magtangkang patayin ako.

De joke, papatirin nya sana ako buti nalang nakita ko agad ung gagawin nya kaya nakaiwas ako.

Meron pa, kumakain kami sa canteen ng may lumapit saking babae. Tinanong ko siya kung anong kailangan nya pero ningitian lang ako sabay kinuha ang kutsara ko tapos tinapon sa basurahan.

Onti onti nga lang ung gamit namin sa bahay tapos babawasan nya pa. Nag sasayang siya (ToT) buti nalang binigyan ako ni Dohee ng kutsara. Mamahaling kutsara! May gold pang design. Iingatan ko toh.

Naglalakad ako ngayon papasok ng gate sa school ng biglang may umakbay sakin.

"Yo poory!" Si Jimin lang pala. Agad agad namang nag si-tingan samin ung mga estudyante. Kung nakakapatay lang ang mga tingin nila siguro nung Monday pa ako patay.

"Don't mind them, just keep walking"
---------------------------

Pag dating namin sa classroom tinadtad nila agad si Jimin ng mga wala namang saysay na tanong.

"Hoy bat kayo mag kasama?"

"Yeah why?"

"I'm sensing something fishy"

"Ikaw lang yun Yoongi. Naaamoy mo sarili mo"

"Where have you been? Tagal nyong pumasok ah"

"Yah Park Jimin! May ginawa kaba kay Nahyun?!" Nag e-exaggerate na sabi ni Euijin sabay yakap sakin.

Dahil dun sa sinabi ni Euijin pinag-bibintangan na nilang lahat si Jimin maliban kila Jungkook, Yoongi at Yoonsun na pinapanood lang kami.

"Relax guys, I didn't do anything. Right Nahyun?" Sabi nya sabay wink saakin kaya mas lalo siyang inakusahan.

"Chimchim how dare you" sabi ni Taehyung habang naka pout. Malungkot ba siya kasi kasabay ko si Jimin kanina?

"You guys are so exaggerating" natigilan sila sa sinabi ni Yoonsun. Wow, first time kong marinig yung boses nya. Ang gandaaaa.

Nang makita nya akong nakatingin sakanya ayun inirapan nanaman ako. Buti di sumasakit ung mata nya.

Biglang dumating si Mrs. Jung kaya nag sibalikan na kami sa mga upuan namin.

"Later on were having our P.E class in the gym. Understand?"

"Yes Mrs. Jung"
----------------------

Nandito kami ngayon ng mga girls sa banyo nag bibihis ng P.E uniform. Tuwing Friday lang kami merong P.E class kaya isa lang P.E uniform namin.

"Are you ready Nahyun?" Tanong saakin ni Sumin. Tumango lang ako at hinintay namin sila Dohee matapos bago kami dumiretso sa gym.

Pagpasok namin sa gym nandoon na ung mga boys. Si Jimin hinaharot si Jungkook, si Taehyung naman hinuhuli si Hoseok gamit ang hoola-hoop, si Jin naman kumakain?, habang si Namjoon naman nag j-jumping rope at ang taga bilang nya ay si Yoongi.

"What takes you so long?" Tanong ni Jin na hanggang ngayon ay kumakain parin.

"It's none of your business. Atsaka nasa gym tayo, wala tayo sa canteen" Sagot sakanya ni Sumin habang nag tatali ng buhok.

Wow naman. Ang laki naman ng gym dito. Sa dati kong school hindi ganito kalaki ang gym eh. May swimming pool din kaya dito?

"Close your mouth you look like an idiot. First time mo lang ba makakita ng gym? How poor" panira toh si Jungkook. Hahampasin ko sana siya ng biglang may nanghila sakin gamit ang hoola-hoop.

"Stop being mean Jungkook" sabi ni Taehyung sabay hila sakin paalis kay Jungkook.

"I caught a beautiful fish!" Ano daw? Beautiful? Biglang nag init ang pisngi ko. Pero teka, fish? -_-

"Uhm Taehyung, di kaba marunong gumamit nyan?" Sabi ko habang nakaturo hoola-hoop.

"Nope!"

Kaya pala eh. Kinuha ko sakanya yung hoola-hoop at ginawa ang tamang paggamit nun.

Eto naman si Taehyung tuwang tuwa, tumatalon talon pa habang pumapalakpak. Napatingin tuloy saamin yung iba.

"Wooow! Nahyun-ah ang galing mo naman" sabi ni Hoseok habang naka thumbs up. Nahiya ako sa mga attention na binibigay nila saakin kaya tinigil ko nalang ang pag hoola-hoop.

Ngayon lang ba sila nakakita ng nag h-hoola-hoop? -3-

Nakita ko si Jungkook na nakatingin saakin kaya binelat-an ko siya. Umiwas lang ng tingin ang mokong.

"Sorry class. Kinausap pa kasi ako ni Mr. Kim on the way ko dito. So shall we start?"
---------------------

Read. Vote. Comment :)
Thank you pooo ~ sa next chapter na ang P.E class nila Nahyun ^^

Transfer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon