Eto na.. Eto naa.. Eto naaaa! Hindi ako makapaniwalang nakapasok ako dito. Waaah! Omg. Kinakabahan ako.
Nakatayo ako dito sa may gitna ng school malapit sa malaking fountain. At infairness ang gandaaaa.
Nilibot ko ang paningin ko at karamihan sa mga estudyante eh ang gaganda at ang popogi! Para silang mga anghel. Nakita ko ung iba nakatingin sakin at mukhang nag tataka kaya ningitian ko sila.
Ang akala ko ba naman ngingiti din sila saakin kaso kabaliktaran eh. Parang nandiri sila? At ayun umalis.
Ang sama naman nun. Hindi naman madilaw ngipin ko ah? Maayos naman ang buhok ko, hindi naman gusot gusot ung uniform ko. Okay cge aaminin ko medyo gusot nga ung uniform ko pero medyo lang naman eh :3
Ngayon ko lang din napansin na sobrang puputi nilang lahat samantalang ako katamtaman lang.
Nagkibit balikat nalang ako. Tinignan ko ang schedule ko at nakalagay na nasa iisang class lang ako pero ibat ibang subject ang meron.
Sa isa kong kamay, hawak ko ang mapa dito sa school. Masyado kasing malaki at eto na nga naliligaw ako. Hindi ko makita kung nasaan ang classroom ko kaya sinubukan kong manghingi ng tulong kaso di nila ako pinapansin at kung ano anong pinag sasabi.
"Don't touch me! You filthy bitch"
Ano daw? Beach? Oo pangarap ko rin pumunta ng beach pero ano namang konek nun sa pag hingi ko ng tulong pano hanapin ang classroom ko :3
Tinignan ko ang paligid habang nagkakamot ng ulo. Wala akong kuto, naiistress lang tlga ako dito.
Napansin kong iisa lang ang direction na pinupuntahan ng mga estudyante kaya naisipan ko nalang sundan sila.
Nakarating kami dito sa auditorium? Basta Auditorium nakasulat dito sa mapa ko eh.
Umupo ako sa may tabi ng babae at napansin nya ako kaya nilayo nya ng onti ung upuan nya.
Problema neto?
Sabi Opening Ceremony daw meron kaya nandito ang mga estudyante eh. Makikisabay nalang ako sakanila.
May naglakad sa harapan ng stage. Lalaki siya na halatang may edad na pero gwapo parin. Siya ata ang principal? Cguro gwapo rin papa ko.
"Welcome students! I am your school principal, Mr. Kim" sabi na siya ung principal eh! Nag fist bump ako sa ere dahil tama ang hinala ko.
Maya maya pa eh may tinawag siya. Mga student council daw. Winelcome lang nila kami at kung ano ano pa.
"I almost forgot. I have one more person to call" sabi ni Mr. Kim habang nakatingin saakin. Bakit? Ano meron? Ako ba yun?
"Kim Nahyun please come up here"
hala ako nga! Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at umakyat sa stage. Hinarap ko ang mga estudyanteng nakatingin saakin. Ung iba ang sama ng tingin, ung iba naman nag tataka, ung iba naman walang pake.
Dahil ba mahirap lang ako? Ganun ba ka-big deal sakanila yon. Tao lang din naman ako.
"This girl here is our first scholarship student. Treat her nicely just like how you treat each other"
Asan na si Eunae kung kelan kailang ko siya?! Hindi ko sila matignan lahat kaya nakatingin lang ako sa sahig. Naalala ko ung sinabi saakin ni Eunae.
"Kaya mo yan! Ikaw pa ba? Basta isipin mo lang na kasama mo ako. Fighting!"
Pumalakpak silang lahat. Ang awkward. Nag bow nalang ako at tinignan si Mr. Kim na nakangiti saakin. Sinabihan nya ako ng Welcome at nakipag shake hands saakin.
Maya maya pa ay sawakas natapos na ang Opening Ceremony na ito. Nakakahiya yung nangyari kanina. Kaya ayoko nagiging bago sa mga eskwelahan eh. Pero okay lang kaya ko toh!
Nahirapan akong hanapin ang classroom ko at gusto ko nang sumuko pero hindi pwede.
Wala akong orasan kaya di ko alam kung anong oras na pero siguro malapit na akong malate.
Buti nalang tinamaan ako ulit ng swerte at Maya maya pa eh nakita ko na. Napagod ako kakalakad, napawisan pa tuloy ako ng onti. Medyo nagulo nadin ang buhok ko kakakamot dahil sa stress.
Nasa tapat na ako ng pinto at nakita kong may nakasulat sa itaas nito.
|| 4th year Special Class ||
Oo nga pala, special class nga pala ako. Huminga ako ng malalim at unti unting binuksan ang pinto.
Sana mababait sila.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan, ang bumungad saakin ay ang mga nag gagwapuhang lalaki at nag gagandahang babae. Para silang gods and goddesses! Kumikinang sila sa paningin ko.
"Oh! The Commoner!"
--------------------
Read. Vote. Comment :)
Thank youuu2nd chapter!! makikilala na ang mga kaklase ni Nahyun hahaha.
BINABASA MO ANG
Transfer
FanfictionHighest Rank: #1 in Fanfiction. Storya ng isang mahirap na babae na na-transfer sa mundong puno ng mga snobbish, rich kids. This story is Base on a kdrama "Shopping King Louie" so some of the scenes and dialogue may look familiar to you :)