Buong mag damag kong iniisip ang mga nangyari kahapon. Naka uwi narin si mama pero di ko sinabi sakanya na ililipat ako sa regular class.
Pati ung pam-bubully ni Sohye saakin Hindi ko sinabi. Ayokong mag alala saakin si mama. Ayoko siyang mastress kasi marami na siyang ginagawa ngayon, dagdag pa ang trabaho nya.
---------------------
Flashback
----------------------Andito ako sa office ni Mr. Kim kasama si Sohye at si Mrs. Kim. Nakatingin lang silang dalawa saakin, si Mrs. Kim walang emosyon habang si Sohye naman ngiting tagumpay.
Pasalamat sila wala akong laban sa mayayaman...
"See? This what happen when you rejected an offer. Especially if it was from me" ngumisi saakin si Sohye pero hindi ko siya pinansin.
Nakatingin lang ako ng diretso sakanya. Oo malakas ang loob ko ngayon, dahil wala na akong pakialam.
"Eommaaa. Look at her, having the guts to stare at me like that" paghinaing nya kay Mrs. Kim.
Tinignan ako ni Mrs. Kim ng masama at tumayo sa upuan nya na kasalukuyang desk ni Mr. Kim.
"I don't understand why my husband let a trash like you to enter this school. You should know well how commoners were treated here" ang sakit naman nya mag salita. Bakit ba ang unfair nila? Tao din naman ako ah.
Lumapit siya saakin at dahil sa takot ko napayuko ako. Narinig ko namang tumawa si Sohye sa likod.
"You know what? You're fit in a public school not in Private. Where you and your beggar friends can be together" diniin nya pa ang pag sabi ng private.
"Don't you want that? To be with someone who's in your level? I demand you to leave this school. We'll take back the money the documentary show give to your poor mother. And also pay for the uniform."
Ano?! Masyado na yata silang sumusobra! Hindi pwede toh.
"T-teka lang po--" tumayo ako at ipaglalaban ko ang sarili ko pero hindi ko siya kinaya.
"Don't you dare interrupt me!" Pag sigaw nya saakin. Nahagip ng paningin ko si Sohye na umaarteng nagulat.
"I also heard you flirt with Sohye's boyfriend. How dare you?"
Flirt? Hindi ko maintindihan pero ang alam ko lang eh hindi maganda ang sinabi nya.
Pinili ko nalang na hindi siya sagutin. Nakita ko nanaman si Sohye na tumatango habang naka pout pa.
Isang tao lang ang kilala kong cute kapag naka pout.
"You're not just a trash but also a slut huh?"
Nakayuko lang ako, kagat-kagat ang labi at pinipigilang wag umiyak. Ayokong mag mukhang mahina sakanila.
Napatingin ako sa direksyon ng pinto ng bigla itong bumukas. Mr. Kim!
"Yeobeo! What is this?! What are you doing?!" Ang galit na galit na mukha ni Mrs. Kim ay napalitan ng mala-anghel.
"Yeobeo--" Hindi siya pinatapos ni Mr. Kim at lumapit sa tabi ko.
"You can't do this! She's staying here. She's staying at Special Class where I assigned her." Doon sila nag simulang mag away ni Mrs. Kim.
Hindi ko kaya toh. Na ako ang dahilan ng pag aaway ng tao. Kahit na sino pa man yan. Gusto kong matapos na toh pero ayoko din na umalis dito. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
BINABASA MO ANG
Transfer
FanfictionHighest Rank: #1 in Fanfiction. Storya ng isang mahirap na babae na na-transfer sa mundong puno ng mga snobbish, rich kids. This story is Base on a kdrama "Shopping King Louie" so some of the scenes and dialogue may look familiar to you :)