CHAPTER 3

69.4K 1.8K 496
                                    

Naupo ako sa may bakanteng upuan katapat ng bintana. Wala pa yung teacher buti nalang hindi ako nalate. Dahil wala akong magawa binilang ko silang lahat.

7 nag gagwapuhang lalake.
5 nag gagandahang babae.

Hindi ako belong ditoooo (ToT) Hindi ako mapakale. Edi sana kung kasama ko si Eunae ngayon chill chill lang ako dito.

Bumalik ako sa realidad ng biglang may nanghampas ng lamesa ko. Iniangat ko ang ulo ko at nakita ko ang isang mala anghel na mukha. Teka, siya ung nag salita kanina ah.

"Hi miss. Can I get your number? My name is Park Jimin ;)" may pa-kagat labi pa siyang nalalaman sabay kindat.

Hindi ko ata kakayanin toh. Baka manose bleed ako ditooo!

"Ew Hyung. Go away!" Biglang may tumulak kay 'Jimin' at tumayo sa harapan ko. Bago siya mag pakilala eh naririnig ko si Jimin sa likuran habang nag e-emote.

"Yoongi hyuuung! Taehyung called me hyuuung!~ oh my god"

Umupo siya sa harapan ko at ngumiti. Ung ngiti nya. Nakakaloka.

"By the way, I'm Kim Taehyung" pagpapakilala nya sabay poke sa pisngi ko.

"You Poooor~" tang--. Kundi lang siya pogi sasapakin ko toh. Eunae asan kaaa?!

Hindi ko nalang siya pinansin kaya bumalik siya sa upuan nya pero bago siya umalis binigyan nya ulit ako ng isang matamis na ngiti.

Hays. Ano bang klaseng tao ang mga toh. Hindi ata sila tao eh. Sumandal ako sa kinauupuan ko ng may marinig akong nag bubulungan.

"Hyung is she the scholarship student? I thought it's only a rumor"

"Yeah I know. I thought so too but they weren't kidding"

Ano ngayon kung scholarship student ako? Lumingon ako sakanila at Tinignan sila ng masama kaya nagulat silang dalawa. Ang akala siguro nila hindi ko sila naririnig. Pano ba naman magbubulungan nalang ang lakas pa.

"H-hi I'm Kim Namjoon and this is Jung Hoseok"

Pinipilit ni Namjoon tanggalin ang pag kakakapit ni Hoseok sa braso nya pero nag tago lang ito sa likod nya.

Kinilabutan ako ng biglang may humawak sa balikat ko. Pagharap ko nakakita ako ng napakagandang lalaki na mas maganda pa saakin. Awts.

"My name is Kim Seokjin." Sabay ngiti rin ng nakakaloka tulad nung kay Taehyung.

"And that is Min Yoongi!" Tumingin ako sa tinuturo nya at nakita ko ang lalaking natutulog na ginugulo ni Jimin.

"Welcome!" Ginulo nya ung buhok ko bago siya umalis. Wala pa naman akong dalang suklay kaines naman eh.

Wala akong choice kundi kamay ang gamitin pang ayos ng buhok ko. Biglang may sumipa ng upuan ko ng napaka lakas galing sa likod dahilan ng pagkahulog ko sa upuan.

Pagtayo na pagtayo ko, nilingon ko kung sino man iyon at sinigawan siya.

"Ano ba?!" Ngumisi lang siya saakin at pinatong ang paa nya sa upuan ko.

"Witch. The name's Jungkook. Jeon Jungkook" sinamaan ko lang siya ng tingin pero aba! Di nag papatalo. Ayun nauwi kami sa 'staring battle'

"Ano? Tapos na kayo?"

Iniwas ko ang tingin ko dun sa mokong na Jungkook na yon at tumingin sa babaeng sobrang puti kala mo binuhusan ng pulbo.

Ngumiti siya saakin ng napakatamis, nawala pa ung mata nya. Omg ung mata nya naging pa-ngiti ung hugis!

"I'm Hong Euijin, nice to meet you Nahyun" iniabot nya sakin ang kamay nya para makipag shake hands.

Hala pano nya nalaman ang pangalan ko? (0.0) Tumawa siya at kusang kinuha ang kamay ko para sa shake hands.

"Sa Opening Ceremony, remember?" Aaah oo nga pala. Pinakilala nga pala ako nun pero di ko sila nakita dun ah.

"Bakit hawak mo parin yang kamay nya? Poor people have diseases you know" sabat ni Jungkook.

Aba makapang insulto toh ah! Kahit na mahirap lang ako malinis parin ako. Hindi nga lang kasing linis nyo pero malinis parin ako!

"Hindi kasi ako kasing arte nyo. Come on i'll introduce you to the other girls" hinawakan ako ni Euijin sa magkabilang balikat at dinala ako sa lamesa ng babaeng maliit. Narinig kong nag 'tsk' si Jungkook kaya tinignan ko siya at binelat-an.

"This is Seong Minjae" tinignan ko ung babae at ang cute nya. Ako kaya kelan kaya ako magiging cute? :3

"Hi!~" bati nya saakin kaya nag hello nalang din ako.

"That's Kim Dohee" tinuro nya naman ung katabi ni Minjae na natutulog din.

"Over there is Ji Sumin and Choi Yoonsun!" Tinuro naman nya ang dalawang babae malapit sa may bintana. Yung isang may bangs ningitian ako samantalang yung isa namang maikli ang buhok ang sunget, inirapan ako.

Okay so may 2 akong antukin na kaklase, 1 malandi, 2 masunget, 4 na mabait at 3 weirdo.

Hay. Lord maka survive ba ako neto? (ToT)
---------------
[Hyung- Big brother]

Read. Vote. Comment :)
Thank you po! Sa mga nag babasa ng tahimik jan, wag na kayong mahiya gusto ko malaman kung anong tingin nyo dito sa story ko hahaha.

Shoutout nga pala ulit kay gooobieee_ follow nyo po siya sa IG eto UN nya @shtaenpihhh <3 magaling po mag edit yan haha idoool!

Transfer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon