CHAPTER 30

32.7K 1.1K 208
                                    

Nandito lang ako sa bahay, tinutulungan si mama sa mga gawain. Wala kasi siyang trabaho ngayon, pati ako. Monday-Friday lang meron ako.

Nakabili din kami ng ibang gamit sa bahay gamit ang mga sinisweldo ko araw araw. Salamat kila Dohee.

Nasa kalagitnaan ako ng pag wawalis ng may kumatok ng napaka lakas. Hindi ko naman inimbita si Eunae ah?

"Ako na magbubukas ma" tinigil ko muna ung pag wawalis pero sinama ko ung walis tambo saakin. Nagulat ako pagkabukas ko ng pinto. Muntikan ko pa mahampas ng walis tambo ung tao.

"Taehyung?!" Nabigla ako kasi hindi ko naman akalain na pupunta siya dito sa bahay.

Ano namang gagawin neto dito? Makikitulog nanaman ba siya? Pero wala naman siyang dalang gamit eh .__.

"Hi Nahyun-ah!~" wala na akong magawa kaya pinapasok ko nalang siya sa loob. Binati nya si mama. Ngumiti naman sakanya si mama at binati rin siya.

Naupo siya sa sahig kasi wala parin naman kaming sofa eh. Kaya ayoko din nagkakaroon ng bisita dito kasi nakakahiya.

"Kanina kapa ba sa labas?" Tanong ko sakanya habang hinahandaan siya ng juice. Ung juice lang na nabibili sa tindahan, ung sa pack lang. (A/N: di ko alam spelling nun eh. Pasensya na. Basta 'Sashey' basa dun HAHAHA)

"Actually Yes. It took me some time to realize you don't have a doorbell" sagot nya habang pinapaypayan ung sarili nya gamit ung lumang pamaypay ni mama.

Ibig sabihin ba nun nag hanap pa siya ng doorbell? ._.

"Ano bang ginagawa mo dito? May kailangan kaba?" Diretsuhan ko siyang tinanong pero natagalan siyang sumagot kasi iniinom nya pa ung juice.

"I want to take you out. I miss hanging out with you" biglang bumilis ung tibok ng puso ko sa sinabi nya.

Omg. Pano ba toh? Anong gagawin ko?

"Sige na nak, sumama kana sakanya. Ako nang bahala dito" tinignan ko si mama na nag sasabing 'sigurado kaba jan ma sa sinasabi mo' look.

Natawa siya at sinabing okay lang daw at sumama na ako sa kaibigan ko. Tinuon ko naman ang paningin ko kay Taehyung na naka pout at nag iinarteng nag mamakaawa.

Mga ilang saglit pa eh pumayag nalang ako. Baka pag di naman ako pumayag, dito naman siya mangulit diba?

"Mag bibihis lang ako ah. Wait lang" sabi ko kay Taehyung. Tumango naman siya at ngumiti saakin kaya dumiretso na ako sa kwarto.

Nagbihis lang ako ng simple. Ung dress na binili saakin ni mama dati. Inayos ko rin ang buhok ko at nag tali ng pony tail. Sinuot ko lang din ung doll shoes na pinakaiingatan ko.

Tumingin ako sa maliit na salamin at ngumiti, satisfied sa itsura ko. Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto.

Napansin ko naman na nag init ang mga pisnge ni Taehyung habang nakatingin saakin. O baka imagination ko lang yun?

Tumayo siya at ngumiti saakin. Tumingin ako kay mama na nakatingin din saamin habang tinataasan ako ng kilay. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya tumawa siya.

"Cge ma, alis na po kami. Ingat ka po jan ah" pag papaalam ko kay mama habang tinutulak palabas si Taehyung ng bahay.

"Mag ingat din kayong dalawa ah!" Nag thumbs up lang ako kay mama habang si Taehyung naman nakangiti kay mama sabay sabi ng 'don't worry Mrs. Kim, I'll take care of your daughter'

Pagkalabas namin napansin kong walang dalang sasakyan si Taehyung. Nilakad nya lang toh?!

Tinanong ko siya kung nasaan ang sasakyan nya pero ang sabi nya lang eh nakisabay lang daw siya sa papa nya sa sasakyan.

Transfer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon