This is it. Ang araw na malalaman natin kung mag ii-stay ako sa Special Class o hindi.
Kasalukuyan kaming nasa backstage ngayon dito sa may auditorium. May sarili kaming kwarto pati na rin kila Sohye.
Unti unti naring pumapasok ang mga estudyante. Ung iba may dala dala pang mga banner ng mga boto nila. Karamihan doon ay kila Euijin.
Napa-buntong hininga nalang ako. Nakaupo lang ako dito sa may upuan na umiikot, katapat ng salamin.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko basta ang sabi nung stylist na sinasabi ni Yoonsun maupo lang daw ako dito eh.
Nilibot ko ang paningin ko. Sila Euijin mini-make up-an na nung mga ibang stylist. Ung akin ewan ko kung saan pumunta :3
"Sorry for the wait Miss" sabi nung stylist na mag aayos saakin na kadarating lang. Umiling lang ako at sinabing okay lang.
May nilapag siya na bag na puno ng mga make up at kung ano ano pa na pang paganda sa isang lamesa na katabi ng upuan ko.
"I'll start now. Please close your eyes" ginawa ko yung sinabi nya at nag simula na siyang mag lagay ng kung ano sa mukha ko.
-----------------------Shoot! Nakatulog ako!
Nag papanic akong tumayo sa kinauupuan ko kaya napatingin silang lahat saakin. Akala ko-- hayys!
Nag bow lang ako bilang paghingi ng sorry at naupo na ulit. Tumingin ako sa salamin at di ako makapaniwala sa nakita ko.
Omg. Ako ba toh?
Dahan dahan kong iniangat ang mga kamay ko at idinampi ito sa mukha ko. Ibang tao ang nakikita ko. Hindi siya ang babaeng walang suklay suklay, yung simple lang.
Napansin ko din na nag iba ang kulay ng buhok ko at naging kulot din. Papagalitan ako neto ni mama! ㅠㅠ
"Najjang~" lumingon ako kay Eunae at namangha ako sa nakita ko. Nag mukhang tao siya. ㅋㅋㅋ
Bagay sakanya yung make up nya at naging kulay violet ang buhok nya. Ang ganda ng bespren kooo!
Tuwang tuwa si Eunae sa itsura nya. Sabi nya nag mukha daw siyang mayaman. Cguro pag uwi neto di nya buburahin tong make up nya :3
Pero tama siya sa sinabi nya. Nag mukha siyang mayaman. Nag mukha kaming dalawang mayaman.
Natigilan ang paguusap namin ng biglang pumasok ang stylist ni Yoonsun na may dala dalang mga damit. Ayan ata ang mga susuotin namin. Isa isa nyang binigay saamin ang mga damit.
"And this is for you Nahyun-ssi" seryoso tlga sila na eto ang susuotin ko?! Pang batang damit toh eh ㅠㅠ tinapat ko sa katawan ko ung pang itaas at tumingin sa salamin. Oh diba ang ikli kita yung tyan.
Buti nalang payat ako.
"don't worry Nahyun, it will look perfect on you. You're beautiful" tinapik ako ni Euijin sa balikat bago sila dumiretso sa banyo para mag palit.
Napabuntong hininga nalang ako at sumunod sakanila.
--------------------------------Tapos na kami mag bihis pero nag paiwan na muna ako dito sa banyo. kanina ko pa tinitignan ang sarili ko sa salamin. Kino-comfort at nire-reassure ang sarili.
You're beautiful.
You're beautiful.
You're beautiful.
Ayokong maniwala sa salitang yan pero wala akong magagawa kundi mag feeling nalang at tanggapin iyon kahit ngayon lang. Pumikit ako sandali at tinignan muli ang sarili sa salamin.
BINABASA MO ANG
Transfer
FanficHighest Rank: #1 in Fanfiction. Storya ng isang mahirap na babae na na-transfer sa mundong puno ng mga snobbish, rich kids. This story is Base on a kdrama "Shopping King Louie" so some of the scenes and dialogue may look familiar to you :)