CHAPTER 7

45.1K 1.4K 95
                                    

> Saturday <

Pag uwi ko kagabi sermon agad ang abot ko kay mama. Lalo nya pa akong pinagalitan nung nakita nyang may dala-dala akong salonpas.

Kaya nung tinulungan nya akong idikit sa katawan ko yung salonpas ayun hinahampas sakin bawat dikit nya. ㅠㅠ

Sabado ngayon buti nalang walang pasok. Ang tahimik ng buhay ko. walang bulungan, walang malande, walang nag tatangkang pumatay sakin, walang makulit. Wala lahat.

Nag lilinis lang ako ng bahay habang si mama naman nag luluto.

"Nak. Aalis nga pala ako mamayang 6:00"

"Bakit ma? San ka po pupunta?"

"Nabigyan ako ng pagkakataon para mag judge sa isang food programme kasama ang boss ko. Mga isang linggo ako mawawala kaya mag iingat ka dito"

Masaya ako na nalungkot. Nalungkot ako dahil mag isa lang ako dito sa bahay ㅠㅠ tinigilan ko muna ang pag lilinis at nilapitan si mama.

"Ma wala akong kasama ditooo" pag hinaing ko kay mama sabay yakap sakanya sa may likuran kasi nga nag luluto pa siya.

"Pwede mo namang isama muna dito si Eunae. Tutal matagal-tagal naman na din kayo di nag sasama."

Oo nga noh! Mamaya pupuntahan ko siya wala nman kasi akong telepono para matawagan siya. Dahil dun hinayaan ko na si mama.

"Cge ma! Pupuntahan ko mamaya si Eunae"

Hinalikan ko si mama sa pisnge at tinuloy ko ang paglilinis ng bahay.

Maya-maya pa ay natapos nang mag luto si mama kaya kumain na kami. Siyempre dahil wala naman akong gagawin tinulungan ko na siyang mag hugas ng mga pinggan.

Hindi na ako nag abalang mag bihis at mag suklay, si Eunae lang naman ang pupuntahan ko. Baka nga siya di pa naliligo eh.

Nag paalam na ako kay mama tsaka ako lumabas ng bahay. Nilanghap ko ang sariwang hangin at sabik na pumunta sa bahay ni Eunae.
--------
Kanina pa ako kumakatok pero walang sumasagot. Wala ata sila eh. Sayang naman.

Paalis na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at lumabas si Eunae. Pagkakita nya saakin agad nya akong niyakap ng mahigpit.

"Najjaaaang! Namiss kitaaaa ~" natawa ko at niyakap din siya.

"Bat ang tagal mong buksan ang pinto?" Kumalas ako sa pagkakayakap namin at hinampas siya sa braso.

"Naliligo kasi ako. Eh wala naman sila mama, ako lang andito" mali pala ang akala ko, naligo nga sya.

"Osya pasok ka muna!" Hinili nya ako papasok pero pinigilan ko siya.

"Hindi na. Sasabihin ko lang naman kung pwede kang mag stay sa bahay? Aalis kasi si mama wala akong kasama"

"Ay ganun ba? Cge! Ako pa ba? Haha wala din naman akong kasama dito eh"

"Cge kita tayo mamaya! Hantayin nalang kita doon" ningitian ko siya at umalis na pero siyempre bago ko umalis hinampas ko muna siya sa braso ㅋㅋㅋ
---

Pag balik ko sa bahay naka ayos na si mama. Dahil wala naman kaming maleta, lumang backpack lang ang dala nya.

"Mag iingat ka dun ma ah? Mamimiss kitaaa" niyakap ko si mama ng mahigpit. Natawa nalang siya at niyakap din ako.

"Isang linggo lang naman yun. Osya aalis na ako" hinalikan nya ako sa noo at sinuot nya na ang kanyang sapatos ng biglang may kumatok sa pintuan.

Aga naman ni Eunae?

"Ako na ma mag bubukas. Baka si Eunae na yon" pagkabukas ko ng pintuan isang masamang panaginip ang nasa harapan ko.

Tang-- anong ginagawa nila dito?!

"Oh akala ko ba si Eunae lang ang inimbitahan mo? Sila ba ang nag gagwapuhan at nag gagandahan mong kaklase na tinutukoy mo?"

Nakita kong ngumisi ang mokong sa sinabi ng mama ko.

"M-ma di ko sila inimbi--" di ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla nila akong ininterrupt.

"Hello po Nahyun's beautiful mother. Were here to stay with Nahyun for a bit" at sabay sabay pa silang nag bow. Ano toh?! Plano ba nila toh?! Pano nila nalaman ang bahay ko?!

Tinignan ko si mama at nag pout. Nag puppy eyes pa ako eto ang first time kong nag makaawa kay mama. Pero di ata tumalab eh.

"Okay" ayan. Patayin nyo na ako.

"Ma naman eeeh!" Pag hinaing ko ulit kay mama habang pumapadyak na parang batang naagawan ng lollipop.

"Cge na anak baka malate pa ako" hinalikan nya ako ulit sa noo sabay ngiti at nag paalam sakanilang lahat bago umalis.

Hindi maari toh. ㅠㅠ masamang panaginip lang toh!

"Yeeey! Commoners Party!!" Sabi ni Taehyung at isa isa na silang pumasok.

"Why did I agree to this again?" Narinig kong sabi ni Yoonsun. Eto na ata ang katapusan ko. Baka magera ang bahay ko.

"Don't worry Nahyun, i'll help if they make a mess here" sabi saakin ni Euijin sabay tapik sa balikat ko. Tinanguan ko lang siya kaya sumunod na siya sa iba.

Yakap yakap ko ang pintuan namin habang nakatulala sa labas. Gusto kong umalis dito. Tumaas ang balahibo ko ng biglang may bumulong saakin.

"Gwapo pala ah?" Ngumisi sakin si Jungkook bago sumunod sa loob. Huminga ako ng malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili ko.

Ayokong lumingon sa likod baka makita ko ulit ang masamang panaginip.

Lord. Tulungan mo po ako ㅠㅠ
--------------------

Read. Vote. Comment :)
Thank youuuu ~

Transfer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon