CHAPTER 27

32.3K 1.1K 94
                                    

Sabay na kami naglakad ni Taehyung papunta sa sarili naming classroom. Nasa tapat na kami ng classroom nila bago siya mag paalam saakin. Madadaanan muna kasi ung classroom na to bago ung sa 4th year A.

"I wish you're still here" sabi ni Taehyung sabay pout. Tumango lang ako habang nakangiti. Ngiting maliit na hindi mo mapapansin.

"Well then, see you later Nahyun-ah~" kumaway siya saakin habang nakangiti bago siya pumasok ng classroom. Kumaway din ako hanggang sa makapasok na siya sa loob.

Napabuntong hininga nalang ako at naglakad papunta ng classroom ko habang nakayuko. Medyo tuyo narin pala ako, salamat sa towel. Nilagay ko nalang muna ung towel sa bag ko baka pagnakita nila, asarin pa ako eh.

Pagkapasok ko ng classroom, nahagip ng paningin ko si Sohye na sobrang sama ng tingin saakin. Bakit? Nakita nya ba yung kanina?! (ㅇ0ㅇ) iniwas ko nlang ung tingin ko at dumiretso sa upuan ko.

Sakto namang pag upo ko dumating si Ms. Kwon na may dala dalang mga papel. Test papers ata. Ang aga namin mag sisimula mag exam ah. Buti nalang, kasi baka pag nag tagal pa makalimutan ko pa ung nireview ko :3

mukhang bad mood din si Ms. Kwon ngayon ah. Nag hinaing ung mga kaklase ko na ayaw pa daw nilang mag exam kasi maaga pa daw.

Anong gusto nila? Umabot sila hanggang gabi dito? Pasalamat nga sila half day lang ngayon eh.

"All of you shut up! Bad mood na nga ako kasi di ako pinansin ni Mr.Cha ngayon tapos dadagdag pa kayo?!" Akala ko ba may oppa toh? -_-

"Kim Nahyun! Distribute the test papers! Now!" Sigaw nya sabay naupo sa table nya. Agad akong sumunod kasi ayokong mapagalitan. Siyempre habang pinapamigay ko ung mga test papers, hindi mawawala ang pantitrip nila.

May mag tataas pa nga sana ng palda ko buti nlang naka react ako agad. Tumatawa sila pero hindi malakas kasi baka pagalitan din sila ni Ms. Kwon. Kinagat ko ang ibabang labi ko at sinubukang wag mag init ang pisnge dahil sa kahihiyan.

Pagkatapos kong ipamigay ung mga test paper, agad akong bumalik sa upuan ko. May kinuhang parang timer si Ms. Kwon at pinaandar nya.

"You only have 30 minutes. Answer your test paper now. Finish or not, pass the paper"

Hala?! Bakit may ganyan pa silang nalalaman?! ㅠㅠ sa dati kong school walang ganyaaaan!

Tinignan ko ang mga tanong. Buti nalang nandito ung mga nireview ko! Agad kong sinagutan ang mga tanong na alam ko. Nilagpasan ko muna ung mga di ko alam. Babalikan ko nalang mamaya.

Nang makasigurado akong may sagot na ung mga alam ko tinuon ko naman ang atensyon ko sa mga walang sagot.

Pano toh?! Help ㅠㅠ

Pumikit ako at inisip kung ano ung sagot ng biglang naalis ang lapis sa kamay ko. Lapis lang ang gamit namin para madali daw mabura kung sakaling magkamali kami. Tinignan ko ung katabi kong babae na nagpatalsik ng lapis ko.

"Sorry~" ngumiti siya saakin at nagpatuloy sa pag sagot sa test paper nya. Umirap ako ng di nya nalalaman at yumuko para kunin ung lapis ko ng makita ko siyang nakatingin sa test paper ko.

Aba tangin--

Tinakpan ko ng braso ko ung test paper para di nya makita ang sagot ko. Hindi ba to nag review?! Huminga siya ng malalim at halatang frustrated siya. Wala manlang kasagot sagot ung test paper nya. Pero at least malinis.

"Okay let's make a deal. Babayaran kita kahit magkano, and let me copy your answers" what the flower?!

"No thanks. Di ko kailangan ng pera mo" tinuon ko ang pansin ko sa test paper at sinagutan ang isa sa mga tanong ng maalala ko ung sagot. Nag 'tsk' siya at bumulong saakin.

Transfer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon