CHAPTER 16

37.6K 1K 93
                                    

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan pero hindi naman siya awkward. Cguro iniisip parin netong dalawa ung nakita nila kanina :3

Maya-maya pa eh huminto na ung sasakyan. Siguro nandito na kami sa dance studio ni Euijin.

Tinulungan ako ni Taehyung buksan ung pintuan ng kotse at paglabas ko namangha nanaman ako sa nakita ko.

Pati ba naman toh ang laki? (*ㅇ*) ang akala ko ba naman isang kwarto lang ung pag pa-practice-an namin tapos naging building?!

Hindi ko namalayan na ang tagal kong nakatitig sa building habang naka nga-nga nang takpan ni Taehyung ung bibig ko.

Bumalik ako sa realidad at agad umiwas ng tingin habang si Taehyung naman tinatawanan ako. Pasalamat sya cute siya -_-

"Let's get going you two!" Sigaw saamin ni Hoseok na nasa tapat na ng pintuan na salamin.

Teka pano nya bubuksan yun eh wala namang hawakan? .__. (A/N: opposite of Jimin and Taehyung 😂)

Sumunod kami sakanya at nabigla ako ng bigla itong bumukas mag isa nang wala namang humahawak.

"Wooow~" tawagin nyo na akong tabon, pero first time kong makakita nyan. Dahil sa pagka-awestruck ko, sapilitan akong hinila ni Taehyung sa loob.

Nakapasok kami agad sa loob ng di manlang nila kinausap ung babaeng nasa counter. Siguro kilala na silang dalawa dito kasi classmate nila si Euijin?

Napansin ko din na ang daming pintuan dito. Mga kwarto ata ng pang practice something. Ewan, wala naman akong alam sa ganito eh.

May sinakyan kaming nakakahilo na ang tawag daw eh 'Elevator' ayon kay Hoseok. Bat sila hindi nahihilo? Sanay na kasi ata sila.

May pinindot si Hoseok na number 2 sa may gilid at naramdaman kong umaakyat tong elevator.

Pagbukas nung elevator kinilabutan ako. Pano ba naman kasi ang tahimik tapos wala man lang kahit isang tao sa hallway.

Parang sa mga horror movies ung sa napanood ko sa laptop ni Hoseok dati nung nasa bahay sila nag stay. ㅠㅠ omg.

Dahil sa kaba napakapit ako sa damit ni Taehyung. Ngumiti siya saakin at sinabing hindi naman daw totoo yun, napakalma naman ako ng onti.

"Were heeereee~" huminto kami sa tapat ng pinto na hindi kalayuan doon sa elevator na sinakyan namin kanina.

"I can hear them inside. Well, we'll be going now Nahyun. See yah!" Ngumiti sakin si Hoseok at tinapik ako sa balikat bago siya umalis.

Tumingin naman ako kay Taehyung kasi hindi siya sumunod kay Hoseok. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung niyakap nya ako.

"Do well Nahyun-ah~ We don't want to lose you. (actually I don't want to lose you.)" Bulong nya saakin bago siya humiwalay sa pagkakayakap namin.

Dahil sa pagka-speechless ko wala akong nasabi sakanya. Ngumiti siya saakin at sumunod na kay Hoseok.

Oh my god. Ano yun?

Huminga ako ng malalim para maka-kalma ako kahit papaano tsaka ko binuksan ang pinto. Wala naman tong laman kundi puno ng salamin at isang malaking speaker sa may gilid.

Lahat sila nasa loob maliban kay Yoonsun. May nakita rin akong pamilyar sa paningin ko na umiikot-ikot na akala mo nasa paraiso siya. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko kung sino yun.

"E-Eunae?!" Pagkasigaw ko nun napatingin silang lahat saakin. Tumigil si Eunae sa pagikot at tumakbo papunta saakin.

"Najjaaaaaaang!~" niyakap nya ako ng mahigpit at kung ano anong pinag sasabi saakin na para daw siyang nasa paraiso.

"Anong ginagawa mo dito?!" Kumalas ako sa pag kakayakap nya at tinanong siya. Napansin ko rin na mukhang pagod na pagod sila Sumin, Dohee at Minjae.

Kanina pa ba sila nag p-practice?

"Kinidnap nila ako eh" sabi ni Eunae sabay turo kila Sumin. Lumapit saakin si Euijin at inexplain saakin ang lahat ng di ko alam.

"Yung sasayawin kasi natin kailangan ng 7 members and since 6 lang tayo naisipan kong isali natin si Eunae" pag papaliwanag nya habang nag tatali ng buhok.

Tumango ako at tinanong kung kanina pa ba sila nag p-practice kasi mukha tlgang pagod na pagod ung tatlo eh.

"Nope. Napagod kami kakahabol jan sa kaibigan mo, she thought we're kidnapping her" sagot saakin ni Sumin habang nag papay-pay. Si Dohee naman nakasalampak sa sahig.

"Alam mo ba Najjang? Kung may kikidnap saakin at sa ganitong lugar nila ako dadalhin, sasama ako" sabi ni Eunae. Tinignan ko lang siya ng walang expression pero ningitian nya lang ako.

Kelan pa nagka-sapak toh?

Huminga ako ng malalim para i-sink in sa utak ko ang mga nangyayari. Cguro kung hindi lang ako na-transfer dito sa BHHSA walang ganitong nangyayari saakin ngayon.

Thankful narin akong natransfer dito kasi maganda naman mag turo si Mrs. Jung at nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan.

Nag k-kwentuhan lang kami ngayon kasi ang sabi ni Euijin Hindi daw kami mag sisimula pag kulang kami.

Natigil kami sa paguusap ng bumukas ang pinto at pumasok si Yoonsun. Cguro naman mag sisimula na kami neto, kumpleto na kami eh.

"At last you're here!" Tumayo kami nila Dohee na kasalukuyang naka upo sa sahig. Lahat kami ay ready na at nakinig sa instructions ni Euijin.

"So we'll be dancing to SONAMOO's Cushion"
-----------------------------

Read. Vote. Comment :)
Thank youuu ~ sorry natagalan naputulan kami ng Wifi eh :( patawarin nyo akooo.

Transfer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon