CHAPTER 26

33.2K 1K 185
                                    

Madaling araw akong nagising para may oras pa akong makapag review. Di kasi ako natapos kagabi kasi nakatulog ako ng maaga. Half day lang kami ngayon kasi Exam lang naman ngayon.

Buti nalang exam din bukas kundi di ko alam kung anong gagawin ko dun sa PE uniform ko ㅠㅠ.

Wala kaming orasan dito kasi sira na rin kaya tumitingin lang ako sa labas ng bahay. Dati nga inutusan pa ako ni mama na pumunta sa kapitbahay at sumilip sa loob ng bahay nila para malaman lang kung anong oras na eh. :3

Tulog pa si mama kaya nag handa nalang muna ako. Naligo at nag bihis ng uniform. Hindi ko muna sinuot yung sapatos ko kasi hindi pa naman ako aalis. Nag luto nalang muna ako ng almusal at ng baon ko. Nasa kalagitnaan ako ng pag luluto ng makita kong gising na si mama.

"Magandang umaga po ma!" Pag bati ko sakanya na may malaking ngiti sa aking mga labi. Ngumiti rin siya pabalik saakin at binati rin ako ng magandang umaga.

Pinag patuloy ko lang ang pagluluto habang naghahanda si mama para sa trabaho nya. Pagkatapos kong magluto sabay naman lumabas si mama sa kwarto. Ready na para sa kanyang trabaho.

Sabay kaming kumain ni mama pero mas nauna akong matapos kay mama. Gusto ko siyang tulungan sa pag huhugas pero sabi nya pumasok na daw ako.

"Cgurado po ba kayo ma?"

"Oo naman anak. Cge na mauna kana" wala na akong magawa kundi sundin siya. Bago ako umalis kiniss ko muna si mama sa pisnge at nag paalam.

Naglalakad lang ako papuntang school ng biglang may pumatak na tubig sa noo ko. Tumingala ako at mas madaming patak ng tubig ang pumatak sa mukha ko.

Bakit ngayon pa?! Kainis naman oh!

Agad akong sumilong sa may waiting shed ng mga bus. Bat ang malas ko ngayon?! Kung kelan kailangan ko nang mamasahe tsaka walang dumadaang bus?!

Tumingin tingin ako sa paligid at wala parin akong makitang bus o kahit anong sasakyan. Dahil sa sobrang inis, ginulo gulo ko ang buhok ko habang nag papapadyak na parang batang naagawan ng candy.

"Bakit ngayon pa?! Bakit?! Kailangan ko nang pumasok!! Mga nag lalakihang sasakyan asan na kayo?! Mag pakita na kayo please! Please lan--"

"Oy Stupid!" Natigilan ako sa pag wawala ko ng marinig kong may sumigaw. Ang nag tataka kong mukha ay napalitan ng walang emosyon.

"Anong kailangan mo ilong?" Tanong ko sakanya habang naka cross arms.

"Nothing. I just want to say you look stupid" inirapan ko siya at walang sinabi. Nakatingin lang sakanya habang naka cross arms.

"Get in loser" should I or should I not? Pag Hindi ako nakisabay baka malate ako? Pero I don't trust this jerk.

"Ayaw mo edi wag" iaandar na nya sana ung sasakyan pero sinigawan ko siya.

"T-teka lang!" Ngumisi siya sakin dahilan kaya mas lalo akong nag alinlangang sumabay sakanya.

Pero no choice ako...

Huminga ako ng malalim at sumugod sa ulan. Hinawakan ko kung nasaan ung hawakan para mabuksan ung pinto. Ginaya ko lang ung ginagawa ni Taehyung pero ayaw parin mabuksan.

"Wag mo ngang ilock!" Sigaw ko kay Jungkook pero tumingin lang siya saakin na nag tataka.

Fake!

"Bukas yan" sabi nya kaya sinubukan ko ulit buksan ung pinto. Tinakpan ko din ung uluhan ko gamit ang isa kong kamay para di ako masyadong mabasa pero walang epekto.

Tangina neto pag ako nag kasakit!

For the last time hinila ko ung hawakan ng pintuan ng bigla itong bumukas. Dahil sa force, napabitaw ako tsaka natumba sa basang kalsada.

Transfer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon