Ang Lihim ng Isa sa mga Rayos ng Araw

1.4K 55 3
                                    

NAMATAAN ni Irisha si Jadd sa likod ng kubo. Nakaupo ang lalaki sa ugat ng isang malilim na puno, nakatanaw sa malayo na tila malalim ang iniisip.

Tahimik na lumapit siya. Ang pagbaling ni Jadd sa direksiyong pinanggalingan niya ay patunay na naramdaman na siya nito. Pinili ni Irisha manahimik lang. Sa kanilang dalawa, si Jadd ang may dapat sabihin.

"Ano'ng dapat kong gawin, Rish?" si Jadd sa mababang boses. "Ang babaeng 'yon...si Catarina," patuloy nito. "Alam niya..."

Tahimik siyang tumango. "Ginawa ko rin ang isang bagay na sa ibang pagkakataon ay 'di ko gagawin, Jadd, para protektahan kayo at ang grupo. Dumarating talaga ang pagkakataon na nawawalan tayo ng pagpipilian. Ang nagawa mo kay Marilag, kapag nalaman ni Xien-"

"Hindi niya dapat malaman, Rish," putol agad ni Jadd. "Hindi muna sa ngayon..."

"Walang lihim na naitatago hanggang sa huli. Hindi man ngayon, darating ang isang araw na malalaman ni Xien ang lahat."

"Nasaan ang...ang babae?" si Marilag ang tinutukoy ni Jadd.

"Ligtas. Isa nang kauri. Pinoprotektahan ng isang Feeder."

"Hindi magpapatawad si Xien, Rish, pero kung maibabalik ko ang kapatid niya-"

"Hindi natin siya magagalaw. Mailap ang Feeder na may hawak sa kanya. At..." ni hindi niya gustong isipin na totoo ang ipinagtapat ni Catarina. "At nasa panig ng kaaway."

"Miyembro ng parehong grupong kumagat sa akin?"

Tumango si Irisha. Hindi na umimik pa si Jadd, kumuyom lang ang mga palad at tumingala na parang kinakalma ang sarili.

Hinayaan ni Irisha na dumaan sa kanila ang katahimikan.

"Kayo ni Xien, Jadd," si Irisha mayamaya. "Pareho kayong mahalaga sa Liwanag. Isa man sa inyo ay hindi maaring mawala. Kailangan ko ang buong tiwala mo. Ipaubaya mo sa akin ang lahat. Ako na'ng bahala."

"Pero Rish-"

"Hindi ka gagawa ng kahit ano'ng hakbang. 'Yan ang utos ko."

Naggalawan ang mga ugat ni Jadd sa mukha pero marahang tumango pagkalipas ng ilang sandali.

"Bubuuin ko ang pamilya ni Xien bago pa man mangyari ang kinatatakutan nating pareho."

"Handa akong tumulong sa kahit ano'ng paraan, Rish. Ipag-utos mo lang."

"Alam ko," mababang sabi niya. "Maging handa ka lang lagi. Ikaw ang unang tatawagan ko." naghanda na siya para umalis. "Gamitin n'yo ang mga sandaling wala ako sa mga susunod na araw para mag-ensayo. Mas sanayin n'yo at paghusayan ang mga taglay ninyong kakayahan. Kakailanganin natin 'yan sa mga susunod na araw."

"Ang mga hunters?"

Ang grupo ni Jadd na kasalukuyang nilisan muna ang Owl village para ipagpatuloy ang trabaho. Isang pinaghihinalaang grupo ng mga bampira ang sinusubaybayan ng Owl. Nang sumapi si Jadd sa Liwanag, mas pinili nito na kusang bumaba sa tungkulin sa grupo na maluwag naming tinanggap ng mga kasama nito. Ang malapit na kaibigan ng lalaki ang humalili bilang lider ng grupo. Pabor sa Liwanag ang ginawa ni Jadd. Walang nakakaalam ng existence ng Liwanag. Mas malaya silang makakakilos habang ang Owl ay mananatiling kilala bilang grupo ng mga hunters.

"Let them do their job," sabi niya. "Ang mahalaga, alam nilang nasa panig ka pa rin nila at handa kang tumulong anumang sandali. At tayo naman, kailangan natin ang impormasyon ipapasa nila tungkol sa mga pinaghihinalaan nilang bampira."

"Matatagalan ba bago ka bumalik ng village?"

"Kapag hindi ako bumalik, kailangang kayo ang sumunod. Ipaabot mo sa iba pang rayos na maghanda sila. Ipapatawag ko kayo bago matapos ang buwan."

Kailan ang alis mo sa village?"

"Ilang oras mula ngayon."

CLUB RED 3: VIO (Sunset And You) Published, 2015. COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon