Si Aeisha

1.1K 41 2
                                    

(Missing Scene)



WARNING: Sensitibo ang mga susunod na eksena...

SA ISANG panig ng mundo ay ginising si Aeisha ng isang magandang panaginip—kaniig niya ang isang estranghero sa isang hindi pamilyar na silid. Hindi niya kilala ang lalaki pero tumutugon siya... At ramdam na ramdam niya ang mga estranghero ding sensayong buhay na buhay sa buong kamalayan niya.

Hindi niya kilala ang pagsuyo at pag-iingat sa pagniniig. Iminulat siya ni Drake sa dahas at iyon ang nakasanayan niya, iyon ang hinahanap ng katawan niya, iyon ang naghahatid ng ligaya sa kanya. Gustuhin man niya ay hindi niya kayang tumigil. Alipin siya ng damdamin at ng masidhi at walang kontrol na pagnanasa ni Drake na paulit-ulit siyang pinapatay upang mabuhay lang uli na hinahanap-hanap ang mas marahas nitong pag-angkin sa kanya.

Nagmulat si Drake ng mga mata, naramdaman ang biglaang pagbangon ni Aeisha. Hindi ito nagtanong, ni hindi siya binigyan ng segundo para magsalita. Hinablot nito ang buhok niya. Bumagsak siya sa tabi nito. Umungol ito, ang pamilyar na tunog na kilalang-kilala niya—tunog ng isang marahas na hayop—hayop ito, oo, isang marahas na hayop na iniibig niya.

Iglap lang ay nakaupo na silang pareho. Bumabaon na sa balat niya ang mga kuko ni Drake sa bawat mariing paghagod. Sinipsip nito ang dugo niyang nasa mga kuko nito. Mas sumidhi ang pagnanasa sa mga mata nito. Mahigpit na sinapo ang panga niya at bumulong sa tainga niya.

"Do me a favor, whore," bulong ni Drake.

Nasa tapat na ng mukha ni Aeisha ang larawang hawak ni Drake. Isang lalaki ang nasa larawan. Sa titig pa lang ng lalaki—sa nakikita ni Aeisha na tila apoy sa mga mata ng nasa larawan, ang isang bahagi ng mukha nito ay natatakpan ng mahabang buhok nito—ay alam na niyang isa iyon sa mga kauri nilang kinamumuhian ni Drake.

"Bring me this fucking Ogor. Linlangin mo siya at dalhin sa akin ng buhay!"

"Drake..."

"Hindi mo kaya?"

Napahiyaw si Aeisha nang marahas nitong ibinaon sa leeg niya ang mga pangil kasunod ay pahatak na pinaghiwalay ang mga hita niya at marahas na kinabig ang balakang niya palapit. Malakas na hiyaw ang namutawi sa bibig niya nang salubungin ng kahandaan nito ang pagbagsak niya sa kandungan nito. Isang marahas na galaw at naramdaman niya ang sakit na hinahanap-hanap niya, ang sakit na bumubuhay sa pangangailangan niyang inaalipin siya.

"Hindi mo kayang gamitin ang kapangyarihan mo para sa akin?" Nang-uusig ang malakas na boses ni Drake.

Nalasahan ni Aeisha ang sariling dugo nang siilin siya ng lalaki ng nagpaparusang halik. Naroon na naman siya, sa bangin na lagi niyang binabagsakan tuwing inaangkin siya ni Drake...

Iniwan nito ang mga labi niya. "Answer me, whore!" At muli siyang kinagat nang mariin sa leeg. Sabay nitong sinimulan ang pagsipsip ng dugo at paggalaw sa kandungan niya.

Hindi niya kaya. Hindi niya kayang supilin ang pagnanasang umaalipin sa kanya sa ganoong pagniniig. Ramdam na ramdam ni Aeisha ang pagragasa ng pagnanasa sa buong sistema na binubuhay ng bawat pagsipsip ni Drake ng dugo niya.

"Yes. Yes! Yes..." wala na sa loob na pagpayag ni Aeisha sa nais ni Drake. Bumagal ang paggalaw ng lalaki sa kandungan niya habang patuloy ang pagsisip ng dugo niya. Gumalaw siya, pilit hinahanap ang ritmo nito na hinahanap ng katawan niya. Mas bumagal pa ito, pinarurusahan siya.

"Gagawin mo ang utos ko?"

Sunod-sunod ang pagtango niya, pilit inilalapit ang sarili rito.

"Isigaw mo!"

"Oo! Oo! Oo!"

Humalakhak si Drake, marumi... napakarumi. Halakhak ng isang hayop para sa alipin nitong talunan at sunud-sunuran.

Isang marahas na galaw at nasa loob na uli niya ito. Kasabay ng papalakas nitong halakhak ang papabilis na paggalaw sa kandungan niya, marahas at walang tigil hanggang sa sumisigaw na siya—sa sakit, sa ligaya, hindi na niya alam ang kaibahan ng dalawa.

Tinutugon nito nang mas marahas na tawa ang bawat sigaw niya. Nagpatuloy ang dahas hanggang sa huling lakas niya. Hindi pa rin ito tumigil, itinulak siya padapa sa kama at hinila ang baywang niya. Sa nanlalabong paningin ay naramdaman niya ang pag-angkin ni Drake sa kanya mula sa likuran. Mas marahas—ang ritmong kilalang-kilala niya, ang galaw na ititigil lang nito kapag nawalan na siya ng malay.

CLUB RED 3: VIO (Sunset And You) Published, 2015. COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon