Ang Bangungot

1.2K 41 0
                                    


Nagmulat ng mga mata si Irisha at mabilis na ipinilig ang ulo. Naulit na naman ang parehong eksena. Totoong totoo ang mga sensasyong nararamdaman, bagay na naghahatid ng kilabot sa buong katawan niya.

Mas gusto niyang isipin na dahil iyon sa kakaibang hatak ni Vio sa kanya. At mas ikatutuwa niya kung si Vio ang makikita niya sa maikling eksenang iyon na hindi niya alam kung panaginip o hindi. Sigurado siyang hindi pangitain iyon. Sa pintig ng puso pa lang, ramdam na niya ang kaibahan ng pangitain at panaginip.

Nakatitiyak siyang hindi pangitain ang paulit-ulit niyang nakikita na maiikling eksena ng halikan, o hindi kaya ay pagniniig na walang malinaw sa kanya kundi ang pakiramdam.

Habang nauulit ang mga eksena ay tumataas ang negatibong emosyon sa puso ni Irisha. Tumututol ang isip at puso niya sa mga eksenang iyon pero iba ang sinasabi ng kanyang katawan—isang bagay na hindi niya maintindihan.

Paanong mangyayaring nagpapaubaya at tumutugon siya sa isang kaniig na walang mukha?

Gaya ng nauulit na panaginip ni Irisha, paulit-ulit din ang mga tanong niyang walang sagot. Magpapatuloy ang pagkalito at mas maguguluhan siya. At sa gitna ng nagsasalimbayang isipin at emosyon, isang pangalan ang laging una niyang naiisip para maging payapa uli ang kanyang pakiramdam.

Vio.

At ang kausapin ito ang naiisip niyang solusyon para takasan ang hindi niya gustong mga panaginip.


CLUB RED 3: VIO (Sunset And You) Published, 2015. COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon