Mali ang inaasahan ni Irisha-si Mina ang nadatnan nilang nakatambay sa sala, iginuguhit ng babae sa sketch pad si Yshael.
"Mine, 'tulog na-" napahinto ang pagbaba ni Yshael sa grand staircase nang mapansin sila. Magagawa nilang lampasan si Mina nang hindi napapansin ng babae. Pero ngayong naroon na si Yshael ay malayong makalusot pa sila. "What the f---k happened to both of you?" nagsalubong nang husto ang mga kilay nito.
Napasubsob si Irisha sa isang palad. Si Vio ay napangisi-ngising nauwi sa malakas na pag-ubo nang dumako sa kanilang dalawa ang tingin ni Mina. Si Mina na namilog nang husto ang mga mata bago humigikhik ng pilya.
"Magka-holding hands kayo?" ngisi nito "At...at..." tinutop nito ang bibig, nanlaki ang mga mata kasabay ng pagsinghap.
Nagkaroon ng tunog ang tawa ni Vio. "Na-hold up kami," sabi ni Vio na tinugon ni Mina ng pilyang pagbungisngis.
"Liar ka talaga, matang-pusa!" malakas na sabi ni Mina. "Ikaw ang may gawa niyan kay Rish!" Pakiramdam ni Irisha ay lalagnatin siya sa kahihiyan. Hindi niya alam na posible palang makaramdam siya nang ganoon. O baka dahil isang inosenteng mortal ang kaharap niya. "Ikaw ang nang-hold-up sa kanya!" akusa pa ni Mina kay Vio.
Huling-huli ni Irisha ang hindi napigilang pagngiti ni Yshael. Iglap ay wala na ito puwesto. Naroon na sa tabi ni Mina at pinangko sa mga bisig ang babae. "Kanina ka pa dapat natulog, Mine." Narinig niyang sabi ni Yshael. Hindi na sila pinansin. Naglakad ito paakyat sa marahang mga hakbang.
"Nagpapaantok nga ako, eh. Ini-sketch kita sa new costume mo," sagot ni Mina na narinig pa ni Irisha.
"Ano'ng bagong costume?"
"Thor."
Napaubo si Yshael bago tumawa. Mayamaya ay iba na ang itinanong ni Mina. Papagitna na sa grand staircase ang dalawa.
"Ganoon ba talaga kayo ka-wild?" sa tono ni Mina ay namamangha. "Feeder din si Rish kaya napunit din niya ang damit ni Vo? Dapat ba laging ganoon? Hindi puwedeng walang scene na magpupunitan ng damit? Ang wild talaga...parang nakakatakot, Doc. Paano...tayo?"
Narinig ni Irisha na napatikhim si Yshael.
"Pupunitin mo rin ang damit ko? Ang kapal ng damit mo, patung-patong pa, mahirap punitin 'yan," patuloy ni Mina. "Gagamit ako ng gunting para mabilis. Hindi kasi patas kung pupunitin mo ang damit ko 'tapos ako-"
"Hindi ko gagawin ang iniisip mo," putol ni Yshael. "Masyado kitang mahal para saktan lang, Mine."
"Ano lang ang puwede nating gawin, Doc-" hindi na naituloy ni Mina ang tanong dahil pinatahimik na ng halik ni Yshael. "Lahat. Lahat ng gusto mong gawin," si Yshael pa rin. "Magagawa ko nang hindi ka nasasaktan."
"Illusion?"
"Hindi mo malalaman ang kaibahan, Mine."
"Gusto ko rin ng totoo, Doc."
"Ngayon na ba?"
Tumili nang malakas si Mina. Humalakhak naman si Yshael.
Napapangiting bumaling si Irisha kay Vio. "Umiibig talaga ang apo ang Heneral," sambit niya at binawi ang kamay mula sa hawak ni Vio. "Sa kuwarto na ako." Pinili niyang hindi na salubungin ang tingin ni Vio. Mas pabor iyon para sa kanya.
Nakahiga na si Irisha sa loob ng silid nang maramdaman niyang hindi na siya nag-iisa. Bumaling siya sa direksiyon ng nakabukas na sliding door sa terrace.
Tahimik na humakbang palapit si Vio tangan ang isang tangkay ng Ji'ehria. Lumuhod ang lalaki sa isang tuhod malapit sa puwesto niya sa kama at inilagay ang bulaklak sa mismong tapat ng pumipintig na puso niya.
Eksakto nahawakan ni Irisha ang bulaklak ay kumilos si Vio, sinakop ng halik ang mga labi niya. Pagkatapos ng halik ay tahimik rin na umalis ang lalaki, katulad ng kung paano ito tahimik na dumating.
Natagpuan ni Irisha ang sariling nakangiti habang nakatitig sa Ji'ehria.
BINABASA MO ANG
CLUB RED 3: VIO (Sunset And You) Published, 2015. COMPLETED.
VampireClub Red Book 3. NOTE TO READERS: UNEDITED version po ni Vio ang mababasa n'yo. 'Wag magulat sa mga typos and other error. :) Available in ebook: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/2460/Club-Red-Vio-(Sunset-And-You) Paperback: https...