Kalayaan

1.1K 47 0
                                    

PINILING manahimik ni Vio pero kanina pa niya hindi mapigilan ang ngiti. Magkatabi na sila ni Irisha nang sandaling iyon, nakatayo sa tabi ng lawa. Pinagmamasdan niya ang payapang tubig habang pinakikiramdaman ang pamilyar na tunog ng gabi sa virgin forest ng Red Paradise.

Ang babaeng kasama niya ay hindi tumitigil sa ginagawa—paulit-ulit na pinipisil ang kamay niyang hawak nito, at wala ring tigil ang pagdampi ng malayang kamay  sa iba't-ibang bahagi ng katawan niyang naka-expose ang balat—sa braso, sa leeg, sa pisngi, sa noo.

Sa mga unang segundo ay naging poste lang siya sa tabi nito. Hindi tumitinag. Hindi umiimik. Hindi nagrereklamo. Nakatingin lang siya sa payapang tubig ng lawa. Subalit mayamaya pa ay hindi na nakatiis si Vio. Hindi na niya nagawang magpaubaya na lang at hayaan si Irisha sa kung anuman ang naiisip nito at ginagawa iyon.

"Kanina ka pa, Rish," sabi ni Vio sa mababang boses, nakatutok pa rin sa tubig ng lawa ang mga mata. "Paulit-ulit lang ang ginagawa mo."

Ngunit sa halip na pansinin siya ng babae ay nagpatuloy ito sa pagdama ng balat niya. Hinuli na ni Vio ang bisig ni Irisha nang muli nitong damhin ang pisngi niya. Pagbaba ng tingin niya ay nahuli pa ng mga mata niya ang nakaawang na mga labi nito. Hinila niya ang bisig ng babae kasabay ang paghapit sa baywang nito ng isa niyang braso.

Magkalapat na ang mga labi nila mayamaya. Siniil niya ng halik si Irisha na tinatanggap lang ang halik niya. Nagpapaubaya lang ang babae.

Nagpaubaya lang sa mga unang segundo. Mayamaya pa ay tinutugon na nito ang halik niya. Ibinabalik ang init sa parehong intensidad.

Tuluyan nang nalimot ni Vio na naroon siya para magmasid sa payapang lawa...


CLUB RED 3: VIO (Sunset And You) Published, 2015. COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon