Pangitain ng Paparating na Dilim

1.4K 55 1
                                    


NAPAIGTAD si Irisha at nagising. Mula sa tumba-tumba ay bigla niyang inayos ang upo. Sumalubong sa paningin niya ang madilim na tanawin sa labas. Bukas pa rin ang bintana...at malalim na ang gabi...

Mariin siyang pumikit at isinubsob ang mukha sa sariling mga palad.

Kakaibang panaginip...

Pinakiramdaman niya ang sarili. Nanginginig ba siya? Umangat ang kamay niya at humagod sa dibdib, sa tapat ng kanyang puso na hindi normal ang pintig nang mga sandaling iyon.

"Rish?" boses ni Jadd na nagpaigtad uli kay Irisha. Pag-angat niya ng tingin ay nagsasalubong ang kilay ng lalaki. Siya man ay nagtaka sa sarili. Bago ang reaksiyon na iyon. Hindi pa nangyaring nagulat siya sa isang boses lang. "Okay ka lang ba rito?" nagtataka ang anyo ni Jadd.

"Yeah," tugon niya pero hinagod ang sariling buhok. Bakit buhay na buhay sa sistema niya ang pakiramdam sa panaginip na iyon? Ang hagod ng kamay sa buong katawan niya, sa dibdib niya at sa...pumikit si Irisha at mabilis na ipinilig ang ulo. Hindi niya gusto ang alinman sa bahagi ng panaginip na iyon. "Bukas na lang tayo mag-usap-usap," sabi niya kay Jadd matapos lumingon sa mga babaeng may kanya-kanyang puwesto sa kubo at natutulog na. Hindi rin siya makakapag-isip nang tama ng sandaling iyon.

May pinukaw na kung ano sa loob niya ang panaginip kanina lang, isang pakiramdam na hindi niya gusto. Pakiramdam na nagnanakaw ng kapayapaan sa loob niya.

"Gamitin mo na ang kama ko, Rish," si Jadd sa banayad na tono. "Ilang oras pa bago sumilip ang araw."

Tumango siya at tahimik na tinungo ang kama nito. Maingat siyang nahiga kahit alam niyang hindi na siya makakatulog. Pagpikit niya ay nabuhay sa diwa niya ang panaginip. Dagli siyang dumilat, ipinilig ang ulo nang paulit-ulit.

Sa gitna ng magulong isip ay isang pangalan ang naisip ni Irisha.

Vio?

Damn you.

Nanlaki ang mga mata niya. Ano'ng problema ni Gallet? Handa na sana siyang patulan ito kung hindi lang agad na nadugtungan ang sinabi.

No, Rish. Uhm. Sorry. I'm Sorry.

Ano'ng problema mo, Gallet?

Ikaw.

Ako?

Nag-alala ako. Sobrang nag-alala ako.

Sa akin?

 Paulit-ulit ang attempt kong makausap ka. Walang tugon. Hindi ko gusto ang sobrang katahimikang nasagap ko.

Nakatulog lang ako. Sinadya kong isara ang isip ko sa lahat. May kailangan ka? May ipapasang impormasyon?

Wala.

Wala? Wala lang na ang init ng ulo mo?

Walang sagot.

Vio?

Can I see you?

Napabuntong hininga si Irisha bago unti-unting napangiti. Hindi niya alam kung bakit siya ngumiti. Hindi rin niya alam na may ganoong epekto pala sa kanya si Vio.

Not now, hazel eyes.

Nasaan ka?

Visayas.

Magkita tayo bukas, Rish.

Bakit?

Walang sagot.

CLUB RED 3: VIO (Sunset And You) Published, 2015. COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon