HABANG abala ang apat na kasamahan sa paglalaro ng baraha, si Irisha ay nakaupo sa may bintana—sa tumba-tumba, ang paboritong upuan ni Jadd sa kubo. Nagmamasid siya sa madilim na kapaligiran. May buwan ng gabing iyon ngunit tinatakpan ng mga abuhing ulap. Hindi makasilip ang sinag.
Walang kakaiba sa tanawin ng gabi pero para kay Irisha na tinuruan at hinasa para maging kaisa ng kalikasan ang lakas at kapangyarihan, nararamdaman niya ang mga babalang hatid ng kalikasan.
May parating na abuhing mga ulap...
Pumikit siya. Pinayapa ang sarili. Pinalaya ang isip sa mga alalahanin. Kailangan niyang magpahinga.
Naramdaman niya ang paglapit ni Jadd.
"Ikaw na muna ang magbantay, Jadd," sabi niya sa mahinang boses, hindi na siya nagmulat ng mga mata. "Hayaan mo ang mga babaeng maglaro. Mag-usap tayong lahat paggising ko."
Hindi sumagot si Jadd. Ang naramdaman lang niya ay ang pagdampi ng tela sa balat niya. Kinumutan siya nito, gaya ng ginagawa ng lalaki sa alinman sa tatlong babaeng kasama nila ngayon kapag nakakatulog ang mga ito sa kubo.
Itinuloy ni Irisha ang saglit na pagtakas sa realidad.
BINABASA MO ANG
CLUB RED 3: VIO (Sunset And You) Published, 2015. COMPLETED.
VampirosClub Red Book 3. NOTE TO READERS: UNEDITED version po ni Vio ang mababasa n'yo. 'Wag magulat sa mga typos and other error. :) Available in ebook: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/2460/Club-Red-Vio-(Sunset-And-You) Paperback: https...