Chapter 13 - Storm

2.6K 64 0
                                    

Our next classes got cancelled because of the storm. Normally magtatalon kami at magplaplano ng something para magpalipas ng oras pero malakas pa rin ang ulan kaya uuwi nalang kami.

Nagpasundo ako sa driver namin pero mamaya pa daw siya makakarating dahil kasama niya si Papa at may inaasikaso sila so I texted Sebastian.

Pagdating ko sa place niya ay nandoon na siya at pinapatuyo ang sapatos niya.

"Wala ka bang payong?" He asked the moment he saw me.

I was drenched even though ginawa ko na ang lahat para hindi mabasa.

"Ang lakas kaya ng hangin. Can I borrow a shirt?"

He went to his room and I just stood near the shoe rack.

We are close pero never ako pumasok sa kwarto niya. Parang masyado kasing private para sa akin ang makita ang room niya and he never invite me inside so naisip ko rin na baka ayaw niyang pumasok ako dahil palagi rin nakasara iyon.

And I respect that because I don't like anyone going inside my room too.

Paglabas niya ay may t-shirt na siya at sa tingin ko ay boxer pero t-shirt lang ang kinuha ko. "Just the shirt."

Pumasok ako sa bathroom at nagpalit. Ginamit ko rin ang towel niya pamunas. He doesn't mind me using it anyway.

"Ayaw ko talaga ng ulan." Sabi ko habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang daliri. The rain made my skin so clamy and my hair sticky.

Tinawanan lang niya ako. "I remember you calling upon the rain often."

"Pag hindi lang ako nakagawa ng assignments okay. I never like rainy days."

Binagsak niya ang sarili sa sofa at umupo naman ako sa tabi niya.

"Mamaya pa ako masusundo. May bagong movies ka ba dyan?"

"Yup. Hindi ko lang sure kung maganda. Pinasa lang sa akin."

Pumili ako ng mukhang maganda naman ang plot na mystery genre.

Nakaindian seat ako habang nakacross legs naman siya sa panonood. Napapatingin ako sa kanya dahil kalagitnaan ng movie ay nabored na ako pero sobrang attentive siya kaya wala akong sinabi.

Malakas pa rin ang ulan sa labas at may occasionally pa na kulog. I wonder kung baha na ba sa labas. Kinuha ko ang phone at wala pa rin update galing sa driver.

Sumandal ako ulit but shifted closer to him and he gave me the space at siniksik ko ang sarili ko doon. We were like spooning but in sitting position.

I like it like this dahil naaamoy ko ang natural na amoy niya. He smell of mint and something sweet.

I think I'll smell like him later even when I get home.

"Nanonood ka pa ba?" He nudged me.

"Oo. Bakit? Ikaw nanonood pa?" I look up at hindi pumasok sa isip ko that by doing so sobrang lapit na ng mukha ko sa kanya.

Hinarap ko nalang ulit ang tingin ko sa flat screen. Hanggang sa natapos na ang movie ay ganon pa rin ang posisyon namin. The movie was boring dahil mostly puro talk lang between characters pero hindi ko na pinansin.

"Isa 'to sa mamimiss ko pag graduate." I said.

"Class cancelled because of a storm?" He laughed.

"Yes. But what I mean is this. Being here with you. Feeling ko hindi na tayo magkikita masyado kasi magiging busy ka na and I'll start working."

"Weekends. Tsaka imposibleng hindi magyayaya sila Ramos."

"Sabagay. Hindi lang tayo magkita lahat parang may sepanx na agad si Liam."

Liam was the one always asking to hang out lalo na nung first year pa lang namin sa college. At malakas ang feeling ko na ganon rin ang gagawin niya kahit na working na lahat.

"Pero mamimiss ko kasama ka sa campus." Sabi niya. "Wala nang aaligid sa akin. Wala nang magtataray sa mga makakasalubong na babae."

"Excuse me ikaw ang palaging sumusunod sa akin sa school."

"Kasi gusto kong nakikita mga kaibigan mo. Anong akala mo ikaw talaga pinupuntahan ko? Naniwala ka naman."

Nagangat ako ng tingin, "Talaga lang ha."

"Really." He said laughing.

"Pwede ka na makipagdate sa mga girls mo. You can even bring them here. You know.."

"Why would I do that? Ikaw nga lang ang pinapapunta ko dito. And you have the spare key."

I think he didn't notice but I felt him held me tighter against him.

Ngumuso ako. "Wag kang magalala ibabalik ko ang susi mo."

"Keep it."

Tumaas ang kilay ko but didn't say anything. Tumingin lang ako sa kanya at nginitian ko siya.

Naisip ko paano pag graduate ko at magkagirlfriend siya. Would he take back the key or would I even be allowed to go here? Or would I be allowed to get close to him like this? I never thought about that because for 4 years ako lang ang palagi niyang kasama at hindi ko naman narinig na nagreklamo siya.

At baka may makilala rin akong bagong guy. Gusto ko si Sebastian pero posible rin na magkagusto ako sa makilala ko. Who knows?

I haven't really thought about that until now.

"Paano pag nagkagirlfriend ka na?" I asked.

"Gusto mo bang mag girlfriend na ako?"

"Ewan ko. Magiging ganito pa rin kaya tayo kaclose kung nagkaboyfriend na ako at may someone ka na rin?" Sinubukan kong humiwalay sa kanya para makita ko ang mukha niya pero hindi siya bumitaw.

"Yes." He breathe.

I nodded.

His fingers held my chin up and I looked at him.

"Yes, Viktoria. My answer will always be yes."

Wha--

He pressed his lips to mine. Tentatively at first. Testing. Then he pulled away to look at me. Whatever he saw there made him leaned in and kiss me again.

Nanlaki ang mata ko of course dahil hindi ko inexpect na hahalikan niya ako. It was great but it's still a shock to me. I closed my eyes when his hand found my neck and draw me closer.

Hindi ako nakagalaw dahil kahit na sanay na akong halikan siya, iba pa rin ang mahalikan sa labi. I've never been kissed by anyone! May mga manliligaw ako dati pero never nila ako nahalikan.

At hindi kasama 'yung accident nung Christmas party but still kahit kasali iyon siya pa rin ang first kiss ko!

And this is Sebastian! Hindi ko alam kung paano siya magisip. I don't know why he kissed me.

But I kiss him back because I love this man.

I'm love Sebastian Valdez. Always.

Love Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon