Chapter 14 - Later

2.5K 68 0
                                        

I immediately felt giddy when I saw Sebastian outside our building waiting for me. Nakatayo lang siya doon habang nakatingin sa loob. I'm positive that he's looking for me.

We know each other's sched at ito lang ang araw na halos magkasabay kami ng uwian. Kaya palagi niya akong pinupuntahan dito tuwing Thursday.

"I expected that. Ikaw?" I heard Ruth asked Donna.

"Hindi masyado. Last week and last last week lang naman siya nandito."

Napailing nalang ako at nginitian sila.

"Kayo na ba? Hindi ka nagkukwento."

Umiling ako ulit. We're not exclusive. We don't talk about us. So I don't really how to answer that. Ang alam ko lang masaya ako sa kung ano kami ngayon at okay na ako. Darating rin naman 'yung time na paguusapan namin ang tungkol sa amin pero for now..

"Kanina ka pa?"

"Ang layo ng nilakad ko. Napagod ako tapos ang tagal mo pa. Sa susunod ako naman ang puntahan mo." Aniya.

Alam kong nagbibiro lang siya dahil sinabi ko naman sa kanya na hindi niya na ako kailangan puntahan at ako nalang ang pupunta sa apartment niya pero nagpumilit siya.

At palaging ganon ang sinasabi niya sa akin sa tuwing pupuntahan niya ako.

Tumaas ang kilay ko at inunahan siya maglakad. He caught up with me and I felt a hand on my shoulder. I shrugged him off.

"Ang bigat ng kamay mo. Napapagod ako. Ang layo pa ng lalakarin natin." Sabi ko.

He laughed but returned his hand.

Bumili lang kami ng pagkain at pumunta sa apartment niya para tumambay.

"Anong gagawin mo next week?"

"Next week? Bakit ano meron?"

"Valentine's." Sagot niya.

'Yung kamay ko na inaabot ang fries ay napahinto. Halos makalimutan ko nang malapit na pala ang Valentine's. And every year we spent that day together. Dahil wala naman kami parehong date at nanonood nalang kami ng movies or that one time that we tried making brownies and we failed.

Nakakagulat nga na wala siyang dinedate dahil marami naman ang nakapila na gusto siyang makadate but he never once asked any of them.

"Anong trip mo ba? Wag lang tayo magbake ulit."

"Gusto mong magluto? We can buy steak and some wine or do you have anything in mind that you wanna do?" He looked at me.

"Let's cook. Sounds fun. May alarm naman siguro 'tong apartment mo noh?"

"Let's just hope we don't need that."

We're still causal so I don't really know what we are. But we kiss. We kiss a lot. Sebastian loves kissing and cuddling! Minsan pag wala siyang magawa ay tatabi lang siya sa akin pag may ginagawa ako.

Minsan mahuhuli ko nalang na pinapanood niya ang ginagawa ko at madalas siya ang dumidikit sa akin pag nanonood kami at yayakapin ako.

I love how he acted like that with me but totally different with other people. Pag nasa labas kami ay parang snob siya pero sa totoo lang ay mahilig magpalambing.

"Hmm.. anong binabasa mo?"

I look up when he entered the apartment. "Meron pinapabili ko?"

Tinaas niya ang plastic na hawak niya at inabot sa akin. Passion fruit tea!

Pumasok siya sa kwarto at nagpatuloy ako sa pagbabasa. Minutes later he leaned behind me. "What are you reading?"

I showed the cover to him and patted the space beside me. Umusog ako para bigyan siya ng pwesto sa maliit na couch at pinatong ko ang legs ko sa kanya.

"Ayos ka ah." Sabi niya pero hindi naman niya inalis. Umayos pa nga siya ng upo para hindi mangawit ang legs ko.

He was scrolling through his phone and I'm reading a book. I like the fact that he let me stay even if he's not around and let me do whatever I want.

Hindi ako sigurado kung may iba pa ba siyang babaeng tinetext o chinachat. Kahit isang beses ay hindi ako nagtanong dahil ayaw kong malaman ang sasabihin niya and I couldn't demand too dahil wala naman kaming commitment.

He never said a thing to me too. Alam kong hindi dapat ganito at pag nagpatuloy ang ganitong set up namin ay baka ako lang rin ang masaktan sa bandang huli but I can't help it. Minsan gusto ko rin maging selfish para sa sarili ko. This is what I want at kung masaktan man ako ay alam kong kasalanan ko but I don't mind. As long as masaya ako ngayon okay na ako.

Concentrate ako sa librong binabasa ko kaya hindi ko napansin na hindi na pala niya hawak ang phone niya. I glanced at him knowing he is staring at me. Tinaasan ko lang siya ng kilay at bumalik sa pagbabasa.

But he snatched the book away and I glared at him. "Nasa good part na ako!"

He tilt his head and smirked. "What's the book about?"

"Ugh. I'll tell you when I'm done." I stretched to get the book pero nilayo lang niya 'yun sa akin at tinaas.

I groaned and rolled my eyes. Wala ako sa mood makipaglaro dahil seryoso ako na nasa magandang part na ako ng libro. I waited for this book for a year. A year!

Then slowly nilapag niya sa table ang libro. But before that he made sure to put the bookmark in the page.

Before I have the chance to get it, he pulled me closer and hugged me tight.

"I'm so tired. Hindi ako nakatulog kagabi and my class started so early today."

I brushed his hair with my fingers and he leaned closer. "Sino may sabing hindi ka matulog ng maaga?"

"Tinatapos ko 'yung assignment ko." He murmered.

"Fine. Sleep. Tatapusin ko lang 'yung chapter then uuwi na ako." I said.

Umiling siya. "Later."

"Now."

Inangat niya ang ulo niya at kinunutan niya ako ng noo. "Later."

He brushed a hand through my hair, his hand stayed there after then he grinned.

"Sebastian! One more chapter. One--"

And then his mouth is hot on mine. What was I saying again?

Later. Oh the book can wait.

He cupped my face and I leaned in closer. After minutes of kissing he pulled away.

"You're saying?" Tumaas ang kilay niya.

"I hate you, Sebastian. I really really hate you."

I reached and kissed him again.

Love Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon