Next days passed like a blur. Inalam ko lahat ng kailangan malaman sa office. I worked really hard because I want my parents to feel proud and they did.
Nung umpisa pa lang ako ay binabantayan ako ni Papa pero ngayon hinahayaan na niya ako. Paminsan ay dumadalaw si David at paminsan ay ako naman ang pumupunta sa kanya para makabawi ako.
Naiinis siya pag pumupunta ako sa kanila dahil nanggugulo lang ako.
Si Liam ay nagtatrabaho rin sa business nila at busy na rin ang iba sa work. Minsan lang kami magkita ng barkada dahil weekends nalang kami pwede and we always choose to rest on that day.
So si David tuloy ang palagi ko nakakasama. Umaga pa lang ay pinuntahan na niya ako sa bahay.
"Weekend nalang ako nakakatulog hindi mo pa ako pagbigyan." Salubong ko sa kanya.
Kinatok ako kanina ni Mama sa kwarto at halos gusto ko nang pauwiin si David dahil maaga pa para sa akin ang 9 o'clock.
"Minsan nalang nga tayo magkita hindi mo pa ako pagbigyan." Sagot niya.
Tumaas ang kilay ko. "Nagkita lang tayo kahapon."
He smiled coyly. "I know."
"Pagbibigyan lang kita if you stop showing up without any warning. A heads up would be appreciated." Tinali ko ang buhok ko.
"Where's the fun in that? Edi hindi kita makikita sa cute mong pantulog?"
I look at my pink full of kittens terno pajama and smiled.
Umupo naman ako sa tabi niya. "Anong plano mo? I'm sure hindi ka naman siguro nakabihis kung tatambay ka lang dito."
Nakajeans siya at nakapolo shirt. He only wear those when he planned to go somewhere or he'd be wearing a shirt and shorts.
"May lakad kami mamaya nila Jason. Gusto mong sumama?"
"Kung ipapaalam mo ako may Papa." Tumawa ako.
"'Yun lang ba? Alam mo naman approve ako kay Uncle."
There's no one else Papa would like to be his future son-in-law than David. Ang lakas kasi niyang mambola at pareho silang business minded. Kung idedescribe ko sila I would say that he is the son Papa never had.
Pumayag naman ako sumama dahil wala naman akong gagawin. My friends are busy and I want to take my mind off something.
We spend the afternoon in the house. Pinakita ko sa kanya ang bookcase ko at hinayaan ko siyang tignan 'yun isa isa habang naliligo ako.
Pagbalik ko ay nakaupo na siya habang may hawak na libro. He's not reading it because he was just flipping it page per page.
"Unless may photographic memory ka I don't think nabasa mo 'yan ng ganon kabilis." Sumandal ako sa doorway.
Nginitian lang niya ako at nagpatuloy sa paglipat ng pages. Lumapit ako at tinignan ang librong tinitignan niya. It's only then that I realized why he chose that book.
It was the same book that Sebastian gave to me as Christmas gift. The one with the note attached to it.
Ngumiti ako sa sarili ko at kinuha sa kanya ang libro then kinuha ko ang maliit na papel.
I read it again and again. I still remember that night. Our first accidental kiss. How awkward it was.
"I didn't know you like to read." David said.
"No one but my friends know."
"This is one of those limited edition right?"
"Yes. Sebastian gave it to me as Christmas gift." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Love Me (Completed)
RomansAll Viktoria Marie Gochingco ever want was to be loved by the only guy she had eyes on namely Sebastian Valdez.