Maganda ang mood ko kahit na morning class ako ngayon dahil magkikita kami ni Sebastian mamaya.
Pagpasok ko ng room ay may nakita akong single rose sa ibabaw ng armchair ko. Every girl in my class have one. Courtesy of our male classmates.
Si Edric naman ay inabot sa akin personally ang rose. "Happy Valentine's Day, Vik."
"Ang sweet naman. Thanks!"
He just winked at me at bumalik sa pwesto niya kanina sa may pintuan.
Nakatanggap ako ng total of 5 roses at ang iba ay chocolates.
"May date ka?"
"Not date, date. Pero magkikita kami ni Sebastian."
"Ohh. Alam na." Ngiti ni Donna.
"Kwentuhan mo kami bukas ah!" Ruth smiled knowingly. "We want details!"
Kinukulit nila ako ng kinukulit hanggang sa pumayag ako.
We went to our respective seats when the prof came. Mukhang good mood lahat ng tao ngayon dahil pati ang prof namin ay nakangiti. Lalo na nung kinantahan siya ng mga kaklase kong lalaki at inabutan ng bulaklak.
Sa campus ay may isang org rin na namimigay ng bulak at tumatanggap ng requests. There are guys at the pavillion holding a guitar too.
Nagtext ako kay Sebastian nung uwian ko at sinabing hihintayin ko siya sa apartment niya. Mamaya pa matatapos ang class niya. Gusto na nga niya mag cut kung wala lang oral recitation.
Unfortunately hindi ganon kaganda ang mood ng prof niya.
Sebastian:
How many flowers did you receive?Tinignan ko ang bulaklak na pinatong ko sa mesa then typed a reply.
Me:
How many girls did you give flowers to?I waited for the reply. Medyo matagal dahil nasa klase siya.
Sebastian:
Why do you want to know? Gusto mo rin bang malaman kung sino?Me:
Kung gusto mong sabihin why not?Sebastian:
So you can hunt them down? Tsk.Me:
Makinig ka nga ng lecture! Stop texting me!He just replied with an smiling emoji.
Hindi ako nagseselos. Sa tagal namin magkaibigan kilala ko na siya. Besides I'm glad that he's doing what guys in my class are doing. Ugali rin niyang mamigay ng bulaklak sa mga classmates niyang babae at sympre sa akin.
Every year siguradong may matatanggap ako dahil sinisigurado niya iyon. Excited na nga ako kung anong mangyayari mamaya. Excited na rin akong makita siya.
Binuksan ko ang ref at nakita ko na doon ang steak na binili niya. He said he asked Flynne to go with him to buy it at mga iba pang kailangan.
Ano nanaman kaya iniisip ng pinsan niya! I'm sure lolokohin nanaman niya ako sa susunod na pagkikita namin.
Nakaupo lang ako sa sofa habang inaantay ko siyang umuwi. Kanina inayos ko na ang mga gagamitin namin sa kitchen at wala na akong magawa. I just want to see him that's all.
The door opened and he grinned at me as he walked in.
Tumagilid ang ulo ko habang nakatingin sa kanya. He seem extra giddy today too. Inabutan niya ako ng isang pirasong rose. Katulad ng mga natanggap ko ganon rin ang binigay niya. Tinanggap ko iyon at walang sinabi.
Medyo nagexpect lang naman ako na baka this year it would be different. Well okay na rin 'to.
"Anong ginawa mo kanina?" Tanong niya habang tinatanggal ang butones ng uniform niya.
BINABASA MO ANG
Love Me (Completed)
RomanceAll Viktoria Marie Gochingco ever want was to be loved by the only guy she had eyes on namely Sebastian Valdez.