Chapter 11 - Important

2.8K 57 0
                                    

"Talo manlilibre ah." Liam said and I almost smiled.

Despite our different schedules and schools, we managed to take out some time for some Thursday night fun.

I pouted at Flynne and Sebastian at the other side of the table. Flynne rolled her eyes when Sebastian said something to her.

"Galingan mo kaya kaysa puro yabang ka?" Sabi niya sa pinsan.

"Wow. Out of 15 ilan ang nashoot mo?"

"Ano ba 'yan. Maglalaro pa ba or maguusap nalang kayo?" Sabi ko at natawa si Liam sa tabi ko.

Kanina pa niya pinagtatawanan at inaasar si Flynne pag hindi pumapasok ang bola sa cup. Nung unang beses akong naglaro ng beer pong ay inis na inis ako dahil hindi pumapasok ang bola kahit anong gawin ko but now I know how and I'm pretty good at it.

"Go babe." Liam cheered but it's obvious that it's a sarcastic one.

"Isa pa. I don't care if we lose but as long as I got to throw this ball in your face masaya na ako." Iritang sabi ni Flynne. "Babe."

Natawa ako at napatingin kay Sebastian who is also laughing. Tumaas ang kilay niya sa akin and I mouthed loser to him.

Nasa kalagitnaan kami ng game at biglang may babaeng pumunta sa table at napatingin kami dahil humarang siya then started calling Sebastian names.

I watched at first because I want to see what this is about at kung anong gagawin ni Sebastian. The girl look like our age and she is furious. I heard the word 'friend' 'flirt' 'gago'

Sinusubukan siyang pigilan ng mga kasama niya but she ignored them.

Lumapit na ako sa kanila when she is being too much.

"Excuse me lang, Miss. You're making a scene." I said standing in their middle.

"Sino ka?"

"Who are you?"

"Pwede wag kang makialam kasi hindi naman ikaw ang kinakausap ko?" Mataray na sabi niya sa akin.

Sorry siya pero mas mataray ako. I could be really mean when I want to. Tumaas ang kilay ko at humakbang palapit sa kanya. Good thing my height is also intimidating. "You see we're in the middle of the game and you're disturbing us. We still have a bet to end so can you leave?"

I look her from head to toe. "And you're an eyesore."

"Ikaw ang umalis dahil hindi ikaw ang kausap ko."

I smiled at myself. Maybe she didn't understand what I just said to her but if I were her and someone told me I'm an eyesore, that's it. No more talking. I'll slapped the bitch's face.

"No. You're done talking. Hindi mo na kakausapin ang kaibigan ko. Plus I don't think he wants to talk to you."

Tinignan ko isa isa ang mga kaibigan niya. "Pwedeng pigilan niyo ang kaibigan niyo? Nakakahiya kasi."

"Viktoria." I felt a hand grabbed me but I stayed there.

"Sino ka ba? Bakit ka nakikialam?" She yelled.

I sighed. Hindi naman ako bingi pero kanina pa siya sumisigaw. Hindi naman porket mas malakas ang boses mo ay mananalo ka na sa argument.

"Wala ka bang ibang alam sasabihin kung hindi magtanong kung sino ako? At sabi ko nga, hindi pa tapos ang game namin. You don't even have the decency to wait for us to finish. So if I were you aalis nalang ako bago pa ako mapahiya."

"You bitch!"

I raised a hand to her face. "Can you leave? Ang ingay mo kasi. Nakakairita ang boses mo."

Her face contorted and I'm ready to whatever insult she's about to throw at me.

"Viktoria, stop."

I gaped at him. "No. We're talking. I don't like how--"

"Enough!" He said sternly.

Napatingin ako sa babae at napalitan ang inis niya ng ngisi. Ako naman lalong nainis nang tignan ko silang dalawa.

I narrowed my eyes at Sebastian. "Fine! Bahala ka." Then I left.

I heard my friends called for me but I ignored them.

Pag may kaibigan ka expected na palagi mo siyang kakampihan kahit anong mangyari. No matter what the situation us. Especially in front of other people. Especially that dahil hindi ka dapat papayag na mapahiya ang kaibigan mo but Sebastian! That stupid guy!

Kasalanan naman niya kung nageeskandalo 'yung babaeng iyon. He may have promised whatever to that girl at ako ang pinagbuntungan ng galit nung babae. Pinagtanggol ko na nga siya doon sa babae ako pa ang pinaalis niya. Wow I feel so betrayed and embarrassed.

Kaya nung nagkasalubong kami sa school grounds, hindi ko siya pinansin. Tinignan niya ako at parang pinagiisipan kung lalapitan ako pero nilagpasan ko siya ng lakad. I'm in no mood for his sorry ass right now.

"Magkaaway kayo?" Tanong ni Donna na nakawitness sa nangyari.

"Galit ako sa kanya."

Tingin ba niya mahilig akong makipagaway? That it is my hobby? Ayaw kong nakikipagaway but I do what is necessary. At pinakaayaw ko sa lahat ay natatalo at napapahiya.

Ayaw kong nakikipagaway pero para sa kanya I will do it. But he asked me to stop? And his voice. Hindi ko makakalimutan kung paano niya 'yun sinabi sa akin at ang ngisi ng babae niya.

I know this is not about his pride because there was one time nung tinarayan ko ang isang babae na ayaw siyang tigilan and he laughed after and said, 'that's my girl.'

Usually hindi ko matiis si Sebastian pero seryoso talaga ako this time at titiisin ko hindi siya pansinin para alam niya ang feeling. I want guilt to eat him whole.

Tinawagan ako ni Flynne at cinoconvince na makipagbati na pero hindi ko siya pinansin. She even told me what Sebastian did pero wala akong pakialam.

"Wag ka nang magsayang ng laway. If he's really sorry at kung gusto niyang makipagbati then talk to me hindi 'yung dinadaan niya sayo."

"Hindi niya dinadaan sa akin. Sinasabi ko lang na hindi naman niya kinampihan 'yung babae if that's what you think."

"Inaantok na ako. Bukas na tayo magusap, Flynne." I sighed.

Mga tatlong araw ko na siya hindi pinapansin at hindi tinetext at nakakagulat dahil kaya ko naman pala pag gugustuhin ko.

Malamang nakarating na rin sa barkada ang nangyari dahil nagyaya sila Cedric tumambay pero alam ko na ang plano nila kaya hindi ako pumunta.

Kung hindi ko sinabing pagod ako ay busy ako. Sinubukan ulit ni Liam na kausapin ako pero hindi pa rin ako bumigay. They should understand where I'm coming from pero hindi and I can't blame them for that so what I do is just ignored them.

Isa pa kung gusto niya talagang makipagbati bakit puro kaibigan niya ang gumagawa ng paraan at hindi siya?

Palagi nalang ganon si Sebastian. Kung una pa lang ay kinausap na niya ako at gumawa ng siya ng paraan I might already forgive him pero ilan araw na wala pa rin. Simpleng sorry lang naman ang gusto kong marinig mula sa kanya. Is it hard?

Kung ako ang may nagawang kasalanan magsosorry ako agad dahil ayaw kong magaway kami. Ayaw kong hindi kami naguusap.

Now I just realized how important I am in his life.

Love Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon