I just packed a few things since sanay na sanay na ako kung ano ang dadalhin pag ganitong out of town.
I asked David to come too. Una ay ayaw pa niya pero sinabi ko sa kanya na sinabi ko kay Papa na kasama siya kahit na hindi totoo.
Pagbalik ko from this outing magsisimula na ako magwork kay Papa. That's my promise to him and I want to try too. Besides gusto ko ng palaging may ginagawa. I want my brains to be busy para paguwi ko ay aantukin na ako.
Pag wala kasi akong ginagawa ay kung ano anong naiisip ko.
"Ready?" David helped me bring my bag to his car at nagpaalam na kay Mama.
"So this outing kasama rin si Sebastian?" He asked.
"Yup."
"And that's okay with you?"
"Bakit hindi? Hindi ko naman siya kailangan kausapin every minute. So yes that's okay." Sagot ko.
Pero sa totoo ay hindi okay. I can't even say his name and look at him without thinking about that day.
Magaling akong magtago ng feelings and that's exactly what I'll do.
"Tsaka nandoon ka naman. Bakit pa kita sinama?" I added.
His eyed widen. "I knew it. Sinasabi ko na nga ba na hindi mo talaga ako gusto kasama. Bakit ba hindi pa ako nasanay?"
"Nagtatampo ka?" Tawa ko. "Joke lang. Pero tutulungan mo naman ako diba?"
"For what it's worth yes."
I smiled. Tumingin na ako sa labas for the rest of the drive.
Pupunta kaming beach at dapat excited ako. Kung dati 'to ay siguradong day before pa lang ay excited na ako. I always love the beach.
But somehow kinakabahan ako. Hindi ko alam kung tama bang sinama ko si David but he is willing to go also lalo na nung nalaman niya na baka sumama rin si Sebastian.
I don't know but I feel like may something sa kanilang dalawa. They didn't talk much the last time we met.
Pagkatapos ng first meeting ay sinama ko rin si David sa isang tambay namin pero hindi pa rin sila nagusap. Nagtanguan lang sila. Nakakagulat kasi si David na madaldal ay hindi siya kinakausap.
"Mahilig ka ba magbeach?" Tanong ko.
He shrugged. "Okay lang. We don't go much dahil ayaw umitim nila Angelie."
"I think they can use a little tan."
Humalakhak siya. "Sabihin mo 'yan sa kanila at makikita mo ang itsura nila."
Nauna kaming dumating at ang kotse ni Liam sakay si Flynne. Hindi pa nakakarating ang kotse ni Sebastian na kasama sila Cedric at Jordan.
"Pwede na magcheck in. The usual. Hiwalay ang boys sa girls." Sabi ni Flynne at napatingin ako agad kay David.
Shit nakalimutan ko iyon sabihin sa kanya. So he will be with the guys na hindi niya kilala!
Kinagat ko ang labi ko at humarap sa kanya. "Nakalimutan ko sabihin sayo.."
"It's okay. Gusto mo bang malagot ako kay Uncle pag nalaman niyang isang kwarto tayo."
"Kahit na! Sorry."
I can have him book another if he's not comfortable with the guys pero naginsist siya na okay lang.
"We don't eat people, Vik. I'm sure isang buo pa rin si David pag gising niya." Liam chuckled.
I shoved Liam and he just chuckled before we went to our own rooms. Hindi ko rin alam na dumating na pala sila Cedric at pumasok nalang siya sa kwarto namin.
"Babes swimming na tayo!" Cedric's own way of greeting us.
"Una na kayo. Hintayin ko lang si Liam." Sabi ni Flynne sa amin.
Sumama naman ako kay Cedric dahil may gusto rin akong sabihin.
"Anong ginagawa ni David sa room niyo? Si Sebastian? Did they talk?"
"Relax ka lang. Nagaayos siya ng gamit nung lumabas ako. I think hindi sila nagusap but I don't know. Ano samahan mo na ako magswimming! Ikaw lang hindi kj dito." Hinihila na niya ako.
Nagtext lang ako kay David na nasa infinity pool kami at sumunod siya kung gusto niya.
"Favor, Cedric. I don't trust you and Liam pero kayo nang bahala kay David ha?" Matamis ang ngiti ko at kumapit sa braso niya.
"Kiss mo muna ako."
With that I pushed him into the pool.
"Damot! Oo na. Kami nang bahala." Tumango siya at tinignan ako. "Tatayo ka nalang? Ano na?"
So I jumped into the cold water. Tumawa ako pag ahon ko.
David was there already and was seating in one of the chairs.
"Marunong kang lumangoy bro? Tara dito." Niyaya siya ni Cedric.
Hindi siya gumalaw kaya niyaya ko rin siya. "Don't tell me hindi ka marunong magswimming?" May hint ng pangaasar ang boses ko.
Ngumisi lang siya at umiling tapos hinubad ang top niya. In fairness may ilalaban siya sa muscles ng mga kasama ko. Mukhang tambay rin 'to sa gym.
Pagtalon niya ay naramdaman kong may humila ng paa ko sa baba at napasisid ako ng di oras.
I punched him in the arm when we emerged. They were laughing and Cedric splashed water on my face. Ginawa ko rin 'yun sa kanya.
Pinagtutulungan nila akong dalawa at kahit anong sabi ko kay David na si Cedric ang pagtripan ay ako pa rin ang trip niya.
Binubuhat nila ako at tatalon sa pool. Sumakay rin ako once sa balikat ni Cedric pero nagreklamo naman agad siya sa bigat ko.
"Anong kwenta ng gym mo? Ano ba 'yan weak." Panloloko ko. Hindi naman niya ako pinansin at binasa lang.
Tumatawa naman ako habang pilit ko siyang tinutulak pababa sa tubig. Ganon rin ang ginagawa ko kay David.
Nag race rin kaming tatlo at nagpatagalan sa ilalim ng tubig.
Ang tagal ng iba dumating at hindi ko alam kung gaano katagal pa kami nagstay dun sa pool pero paglingon ko ay nakita ko nalang si Sebastian na nakaupo sa pwesto kanina ni David habang pinapanood kami.
Binitawan ko agad si Cedric at nagiwas ng tingin.
David pulled my arm and I was in his arms instantly. "Don't look. Let him stare." He said.
I nodded and he released me. But before that I saw Sebastian's jaw tightened and he left before I could glance the second time.
BINABASA MO ANG
Love Me (Completed)
RomanceAll Viktoria Marie Gochingco ever want was to be loved by the only guy she had eyes on namely Sebastian Valdez.