"Don't give me that look. Pag grumaduate ako mamimiss mo ako."
"3 months? Can't wait."
Sabi niya habang tinatapon ang styro at plastic spoons na nagkalat kanina sa table. "Wala kang katulong dito, Viktoria."
I looked up from my laptop. "Wala naman akong sinabing linisin mo for me. I was going to clean it myself. You did it yourself kaya wag kang magreklamo."
Sinamaan niya ako ng tingin. "Sinabi mo na 'yan bago pa ako pumasok. Natapos na ang class ko nandyan pa rin."
"Stop nagging, Sebastian." I snorted.
"I might give you the spare keys but this is still my apartment. My place, my rules. Ako ang masusunod."
"You're too noisy." I wrinkled my nose.
Madiin niyang pinisil ang ilong ko at pinalo ko naman siya. "Masakit ah!"
"Do you want me to kiss it for you?" Sarcastic niyang sabi.
Nanliit ang mata ko. "Kung ayaw mo akong tumatambay dito sabihin mo lang. In the first place ikaw ang nagsabi na tumambay ako dito."
Sinara ko na rin ang laptop ko at nakipagtitigan sa kanya.
"Magagalit ka sa akin just because of a styro and a plastic spoon? Kailan pa naging problema 'yun?"
"You know what I'm saying. Ayaw ko lang ng makalat."
"Didn't know there are rules. And you heard me. Pag sinabi kong liligpitin ko, gagawin ko. Kailan ba ako nagiwan ng kalat dito?"
"Viktoria."
His jaw tightened and I immediately know that this is not about this.
Sa tagal namin magkaibigan I know when to push the button or when he is just annoying me but now is not that time. He is on edge because of something.
"What's wrong?" My voice softens.
He sat down across me and sighs, "We were suppose to present something pero hindi pumasok 'yung dapat na magprepresent. It's a mess."
"But you did it right?" I know he did. He is smart. He can think of something in an instant.
He nodded but I know he is still super pissed. I wonder kung anong mangyayari sa member na 'yun bukas.
Tumingin ako sa labas at nakita kong malapit nang mag gabi. "Kailangan ko nang umuwi."
Tumingin rin siya sa labas at sa akin. "Stay. I'm sorry if I shouted at you. Stay. Hatid nalang kita mamaya."
"After 3 months, gragraduate na ako tapos ikaw may 1 year pa sa engineering. Mamimiss kong magkalat dito." I said after we ate dinner.
"Hindi ko mamimiss magligpit."
Gusto kong matawa dahil nagliligpit siya ngayon at wala siyang reklamo. I volunteered pero pinaalis niya ako.
Maliit lang ang apartment niya at kahit mag isa lang siya in fairness malinis ang apartment niya kaya alam kong naglilinis siya once a week at least.
"Liligpitin ko naman talaga 'yung pinagkainan ko, you know."
May katulong kami sa bahay pero hindi naman ako sinanay ng parents ko na umasa lang sa kanila. Especially si Mama na strict pag dating sa ganon.
"I know."
"Are you done? Hatid mo na ako? Hahanapin na ako mamaya sa bahay."
He nodded and get the keys in his room. I waited outside his door.
I notice him laughing to himself while on our way to my house.
"Anong nakakatawa?"
"I just find it funny na muntik na natin pagawayan ang styrofoam."
Tumaas ang kilay ko. "Nagaway tayo dati dahil sa ballpen. I think that was the pettiest."
I can name more, dahil sa channel ng tv, sa movie na panonoorin, sa kakainan. Inaway ko rin siya dahil hibdi niya sinabi sa akin nung umpisa ba magpinsan pala sila ni Flynne. Actually name it at siguradong pinagawayan namin. But that only got us closer. Nalaman ko rin kung ano ang mga gusto at ayaw niya.
"Ballpen!" He laughed. "Normal pa ba tayo?"
I figured I don't need to answer that. Natawa nalang ako.
"Pag nalaman ng mga tao kung gaano ka kabaliw, hindi ka na nila gugustuhin makilala. Looks can be deceiving."
I flipped my hair and turned to him. "Bakit parang may gusto kang iparating? Naloko ka ba ng ganda ko?"
"Maganda ka ba? Hindi ko napansin."
I fight the urge to hit him. Instead I retorted saying, "Pero totoo. Looks can be deceiving. Just look at you. Gwapo ka nga pero may sapi."
Tinawanan lang niya ako na parang hindi ko siya inunsulto. Why am I the only one getting irritated here?
"Gustong gusto mo naman."
That, wala akong masabi. For the first time I don't have anything to say because it's true.
"Bakit tumahimik ka?"
"Gusto mo bang aminin ko na gusto kita? I will not feed your ego, Sebastian."
"And I expect nothing from you, Viktoria."
Pumasok na agad ako sa bahay pagdating namin. Ayaw ko nang makipagtalo pa sa kanya dahil baka kung saan pa makarating ang usapan.
"Ma, Pa." Sumilip ako sa kwarto nila to let them know I'm home. Papa just nodded and I went to my room before Mama could ask where I spent my time.
After washing my face and changed into my pajamas I rolled into my bed remembering our conversation.
I don't know if he knows I like him but I'd like to think that he just like baiting me. Besides, he is a flirt. He is since high school at mas gumaling pa siya ngayon. He is a smooth talker no wonder girls swoon all over him.
Ayaw ko nga sumasama sa kanya mag bar dahil naiinis lang ako. He flirts with all the girls he spot. But to his credit, at least he has the decency not to do it in front of me. Baka masuka ako if ever.
"Tulog na, Vikvik. Wag mo ko masyadong isipin baka hindi ako makatulog. Morning class ako bukas."
He texted. This is one of his ways to say that he's already back at his apartment.
Vikvik! God, that nickname has to go! I told him not to call me that pero ginagawa niya pa rin para inisin lang ako. Siya lang ang tumatawag sa akin niyan and it's annoying.
"Good night." Was all I said.
I can imagine him laughing in his bed.
Bakit ba kasi sa dinami ng lalaki sa kanya pa ako nagkagusto. Cupid really has a way to toy with us.
BINABASA MO ANG
Love Me (Completed)
RomanceAll Viktoria Marie Gochingco ever want was to be loved by the only guy she had eyes on namely Sebastian Valdez.