Chapter 40 - Solo

2.2K 39 0
                                    

All I ever wanted was to remain friends with Sebastian but now I don't know anymore. I still do but a part of me tells me to avoid him. If I really care about David I should avoid him right?

That should be a easy thing to do until long weekend came at biglang nagkakayayaang mag outing. Sa madalas na puntahan namin na beach. Ibig sabihin magkakasama kami ng three days and two nights.

Hindi ko pinakitang hindi ako kumportable sa thought na 'yun dahil ayaw kong may isipin si David at mga kasama namin. Good thing that we all have separate rooms. Magkasama kami ni Flynne while Cedric and Sebastian are together tapos magkakasama na sila David at sila Liam at Jordan.

Mas magastos but it was the best choice.

Pagdating ay parang biglang nawala ang iniisip ko sa ganda ng lugar. No matter how many times I come back here I still get mesmerized by it's beauty.

I dug my feet in the sand stared at the waves. This is exactly what I need. The calmness of the place and hearing the waves help me calm my thoughts. 

"Pwedeng makiupo?" Tinabihan ako ni David.

Umusog ako at sumandal sa balikat niya. Pareho kaming nakatingin sa malayo at parang may iniisip. Ako may iniisip pero siya hindi ko alam kaya tinanong ko. "Anong iniisip mo?"

Humarap siya sa akin pero hindi siya sumagot instead he just smiled and asked, "Madalas kayo dito?"

Passable na ako pag sinabi kong nagtatrabaho ako dito. I know all the information. Alam ko kung saan ang grilling station nila although the boys always do it for us and I know where you can rent cheaper materials for water activities.

Ito ang unang beach na pinuntahan namin ng barkada. This is also the very beach where I apologized to Flynne so it's quite memorable. I smiled at those memories.

"Yup. Actually we always go for camping. Ang dami lang kasing tao ngayon."

"Ikaw? Camping?" 

"Yes ako camping. What's wrong with me liking camping? Bakit ba gulat na gulat mga tao pag nalaman nilang nagcacamping ako?" 

"Nothing. I just thought it's not your thing." Sabi niya.

"So what do you think is my thing?"

"I don't know but I know sulking isn't one of them. Or is it?" Tumaas ang kilay niya.

"Hoy I wasn't sulking!"

"Ano palang tawag sa ginagawa mo bago ako dumating? Lahat ng friends mo nagsasaya tapos ikaw mag-isa ka dito." He nudged me. "Anong iniisip mo?"

"Wala akong iniisip. I'm just unwinding."

Tumayo siya at nagpagpag and stretched his arm. "Are you done unwinding? Samahan mo ako. Unless takot ka sa tubig?"

"Lunurin kaya kita para malaman mo." Sabi ko pero tinanggap ko ang kamay niya at siya na ang humila sa akin patayo.

"That's my girl. Always feisty."

Naglaro lang kami sa tubig na parang bata tapos ay bumalik kami ng kwarto para maligo at magpalit ng damit. Nagkita kita lang kaming lahat pagdating ng dinner.

"Akala ko magsosolo rin kayo sa dinner, e. Kanina pa kayo may sariling mundo." Pansin ni Cedric pagdating namin.

"Inggit ka nanaman." Asar ko.

"Alam mo na pag gwapo ang hirap magsolo. Palaging nay babaeng gustong dumikit. Tsk, hassle!" Pumito siya at umirap ako.

"Kaya pala hindi ka man lang tinignan ng babaeng tinititigan mo kanina." Sabi ni Sebastian na may hint ng tawa sa boses.

Love Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon