Chapter 24 - David Friends

2.4K 52 0
                                    

"Aalis ka nanaman?" Tanong ni Mama nang nakitang bihis na bihis ako. Saturday night kasi ngayon.

"Yes. Kasama ko lang si David."

"Do you like him? He looks nice. Magugustuhan siya ng Papa mo."

"Mama, hindi ba masyado pang maaga para sa ganyan tanong. We're just friends."

"Of course. I was just saying." Then our doorbell rang.

Pinapasok ng katulong si David at agad niyang nginitian at binati si Mama. Si Papa ay lumabas rin galing sa kwarto nila at binati rin siya ni David.

Ngumiti si Papa at nagusap sila sandali. Kinamusta lang ni Papa ang dad niya.

"Ihahatid ko rin mamaya si Viktoria pauwi. We won't be too late Uncle, Auntie."

Paglabas namin ng gate ay natawa ako. "Sigurado ka bang hindi tayo malilate? Mababadshot ka niyan kay Papa. Favorite son ka na ata niya eh."

"Akong bahala." He wiggled his eyebrows at pinagbuksan ako ng pinto.

Gusto daw niya ako ipakilala sa mga kaibigan niya at pumayag naman ako dahil sa mga naririnig kong kinekwento niya sa akin.

Napapadalas ang hang out namin ni David simula nung nagkakilala kami. Una ay nagchachat siya sa akin sa facebook at hindi ako nagrereply masyado pero may lahing makulit talaga siya hanggang sa unti unti na kami naging close. We're even textmates now lalo na pag bored siya sa trabaho.

Minsan nalang ako sumasama sa barkada and between my friends and David mas pinipili kong sumama sa kanya. No pressure. Just fun and distraction.

I haven't talk to Sebastian after that night too. Usually naman kasi pag barkada ay kay Flynne, Liam o kay Cedric ako nakadikit.

Hindi rin naman niya ako sinusubukan lapitan so medyo madali lang sa akin ang iwasan siya.

There are three guys and two girls sa group of friends ni David.

"These three? Hindi mo kailangan pansinin and si Tina and Angelie." Turo niya.

Nagreklamo agad ang tatlong lalaki at tinulak siya. Napansin ko na lahat sila ay chinese. In one look you wouldn't know they know how to speak filipino.

Naalala ko na nabanggit niya pala na sa chinese school siya nagaral so that explains his friends.

Pag nakilala niya ang kaibigan ko ay magugulat siyang si Cedric lang ang chinese. Looking at his friends I thought he might even be shock after meeting my friends pero mali pala ako.

"'Yung nakasalamin si Jason, 'yung pangit si Dunn. Ako ang pinakagwapo, Erik." Sabi ni Erik sa akin.

Tumaas ang kilay ko at natawa. "Kadiri ka Erik. Mahiya ka nga!" Sabi ni Angelie.

"Sabi ko sayo wag mo nang pansinin."

Umupo ako sa table at katabi ki si David at si Tina. They are all chinese so I thought they will be more uptight or formal lalo na at mas matanda sila sa akin pero masaya pala silang kasama.

Parang own barkada ko lang rin sila dahil makukulit sila. "Kung ako sayo, hindi ako papaloko kay David. Mukha lang 'yan mabait pero sa totoo lang siya ang worst sa amin."

"Halata naman." Sabi ko kay Angelie.

"Classmates kami 2nd year high school at alam mo ba ilan beses kami napatawag sa disciplinary dahil sa kanya?"

"Tina let's not deny. Gusto mo rin mag cut ng classes kasama ako. Ikaw naman ang may gustong sumama."

They spill all of David's secret. Lalo na mga kalokohan niya nung high school.

Kami nila Liam wala namam kami masyadong kalokohan but we also had fair share of fun. I remembered skipping first subject with them to eat breakfast at tinawagan nung crew ng mcdo ang school namin and we were all caught.

I was grounded after that happened at hindi na ulit namin inulit dahil may contact pala talaga ang mcdo na iyon sa school namin.

"Pakilala rin kita sa friends ko pag may time." Sabi ko sa kanya pauwi na kami.

"Bakit?"

"Anong bakit? Well para madagdagan ang friends mo. Hindi naman halata na ayaw sayo ng mga kaibigan mo noh?" Tumawa ako.

"Pinagbigyan ko lang sila pero tignan mo pag wala ka, tahimik 'yun mga iyon."

"Kunyari naniwala ako, David. Basta papakilala pa rin kita."

Natatanaw ko na ang bahay ko at huminto siya sa tapat ng gate.

"Maaga pa. Lalo ako magugustuhan ng Papa mo. Anong tingin mo?" Nagtaas baba ang kilay niya.

"Ewan ko sayo. Tigilan mo na ngang sumipsip kay Papa! Papasok na ako."

Dahil sa bahay lang naman ako since grumaduate ako marami akong oras at pag walang magawa si David ay ako ang kinukulit niya sa bahay.

Welcome na welcome siya lalo na at kung ano ano ang dinadala niya pag pumupunta siya.

"Stop bringing fruits and cakes! Nahihiya na si Mama. Sa susunod hindi na daw pwede pumunta dito pag nagdala ka pa." Sabi ko habang dinadala ang dala niyang cake sa kusina.

"I'm just following orders. Malalagot ako kay Mama pag hindi ko siya sinunod." Natatawa siya.

I sighed. Why is it that our parents are always the boss of us?

Pinaupo ko siya sa sofa at umupo rin ako. "Hindi ka ba busy? Hindi ka mukhang nagtatrabaho."

"May free time rin naman ako grabe ka naman. Tsaka pinapayagan agad ako ni Papa pag sinabi kong pupuntahan kita." Ngisi niya.

I groaned loudly and rolled my eyes.

"I think you're a good excuse. Next time nga pag tinatamad ako sasabihin ko pangalan mo." Sabi pa niya.

"Yes do that para pag nakarating kay Papa magalit siya sa akin. Bakit ka ba nandito?"

Tinignan ko siyang nakaupo sa sofa namin. Nakatupi ang polo niya hanggang siko at nakaayos ang buhok niya. Clearly galing siyang work pero tanghali pa lang.

For sure hindi siya pumunta para magpalipas lang ng oras.

"Bawal ba akong pumunta dito? Ang taray taray mo talaga sa akin."

"Hindi pwede pag nagsskip ka sa trabaho." I try pulling him up. "Go work you lazy!"

Tumawa siya. "Oo na. Napadaan lang ako at gusto kitang makita. I'll go pero pagpahingahin mo naman muna ako. Hindi mo na nga ako binigyan ng tubig eh."

I sighed at the sight of him. Matigas rin ang ulo nito at makulit. Pumunta akong kusina at pagbalik ko ay dala dala ko na ang tubig niya.

"Okay. After mo magpahinga you may go." Sabi ko at tumalikod na ako.

"Or better yet, samahan mo akong maglunch. Hindi pa ako naglulunch." Sabi niya at napahinto ako.

Humarap ulit ako sa kanya at malaki ang ngiti niya.

My chest ache a little. Paano niya nagagawang ngumiti na parang okay lang siya at masaya siya samantalang 'yung story nila ng girlfriend niya ay nakakalungkot.

Ano kayang pakiramdam niya na nagbreak sila dahil hindi chinese ang girlfriend niya. Anong pakiramdam ng sabihan ng Papa mo na tatanggalan ka ng mana dahil lang sa choice of girlfriend mo.

How can he do that? Habang ako hindi pa rin ako makangiti totally without faking it. Everyday namimiss ko pa rin si Sebastian.

Akala ko hindi ko na siya maiisip pag nagsasama ako kay David pero hindi pa rin siya maalis sa utak ko.

I'm missing our lunch dates too. Or kahit lunch lang sa apartment niya and sitting without doing anything. I miss doing those simple things with him.

"Kung ayaw mo naman okay lang.."

Distraction, Viktoria. Yes distractions.

"Ang lakas mo mangonsensya noh? Oo na. Hintayin mo ko, bihis lang ako."

Ngumisi siya. "Iyon!"

Love Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon