Chapter 31 - Crash

2.3K 46 2
                                    

Hindi nalang ako nagreact nang sunod na nagkita kami ni David ay wala siyang sinabi. Maybe he didn't wanna talk about it too.

Nasa office ako when I saw him. Tatawagin ko sana siya pero nakita kong papunta siya sa office ni Papa so I waited outside. Paglabas niya ay dirediretso lang siya at hindi sa direksyon ng pwesto ko siya papunta kagaya ng madalas niyang ginagawa pag nandito siya.

"David!" Tawag ko sa kanya at nilingon niya ako.

Parang nagulat pa siya pagkakita sa akin.

"May pinapabigay lang si Papa kay Uncle." Sabi niya habang naglalakad pa rin.

"Hindi ka naman sobrang nagmamadali?" Tawa ko. "May time ka naman siguro maglunch?"

"Look I really need to go."

Kumunot ang noo ko at huminto sa paglalakad. "Hindi ka magaling nagpalusot, David."

Since mukhang ayaw niya akong kausap, ako nalang sana ang aalis. Pero hinabol niya ako.

"Vik. Look sorry. Ayaw ko lang maging uncomfortable ka. I don't want you to be awkward around me."

"Mas magiging uncomfortable para sa akin kung iiwasan mo ako. So lunch?" I beamed at him.

"Since nasa office mo tayo.. libre mo?"

"Yes." I nodded.

He grinned and walked beside me. "Tapos irereimburse ko kay Papa mamaya." Dagdag ko at tumigil siya sa paglalakad.

I laughed at his reaction.

"I knew it. Kailan ba ako makakaisa sayo?"

"Never, David."

We went to a restaurant that serves ramen and while we're eating pasimple ko siyang tinitignan.

Hindi ko namalayan na sobrang naging close na pala kami. And I don't wanna lose him. I love his company I love how he tell me about his day and simply everything about him.

Sinasabihan rin niya ako ng thoughts niya. I basically know everything about him. He's a good person at ayaw ko siyang saktan.

Sabi niya gusto niya ako and I realized that maybe this is hard for him. To keep his feelings to himself. Selfish ba ako if I want to keep hanging out with him like this? Even if I knew it will hurt him at some point?

My thoughts were cut off by his waving of his chopsticks in front of me.

"Lutang ka nanaman. Anong iniisip mo?" Sabi niya nang makuha ang atensyon ko.

Ngumiti lang ako at umiling.

Pinatong niya ang chopsticks sa bowl at sumandal sa upuan. "Lapit na birthday mo ah."

"Yup. Don't worry invited ka." Biro ko.

"Alam ko. Hindi mo naman kayang hindi ako imbitahin." He wiggled his brows.

Wala pa akong balak kung anong gagawin sa birthday ko. Dati ay palagi lang kami pumaparty pero ngayon hindi ko alam kung anong gusto ko.

At hindi ko rin alam kung sinong iimbitahin ko. If I will even invite Sebastian. Or if he would even come after what happened.

"Kumain ka nalang. Matatapos na break ko." Sabi ko sa kanya.

After work ay bigla ko naisipan yayain makipagkita si Flynne. And since magkikita na rin lang kami sinabi kong isama na niya si Liam if ever magkasama sila.

Nagmeet kami sa isang resto bar to have dinner and I want to ask them about my birthday as well.

Nauna kaming nagkita ni Flynne dahil out of the way ang office ni Liam pero dumating pa rin siya. Pagdating niya ay nilapag niya ang wallet at cellphone sa mesa at agad nagtanong. "Anong meron?"

Love Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon