"Nasabi ba ni Liam sayo 'yung plano niya na outing?"
"Outing? Akala ko Christmas party?"
"Outing lang sinabi sa akin ni Flynne. Ang dami naman kasing plano."
"Alam mo naman sila mahilig plano. They're good at planning anyway so let them."
"I'm not complaining at all."
Naalala ko nung pinasa nila sa amin ni Sebastian ang pag gawa ng plano para sa weekend getaway ng barkada, it turned out to be a disaster.
Akala ko nakapagreserve na si Sebastian ng room kaya hindi na ako tumawag but he thought I already did it. The rest is history.
"Nagtext pala sa akin si Cedric. Hindi ka daw nagrereply pero tinatanong niya kung--"
Normally maiirita ako when someone interrupted me mid sentence. But when I looked, the view caught my breath. I blinked and looked away instantly.
One of the requirements para makapasok sa engineering ay dapat ba you have the looks? Because this guy is handsome. Most handsome I've seen!
Sinubukan ko ulit tumingin at nang nagtama ang paningin namin nginitian niya ako at bigla akong nahiya. Hindi pa rin pala ako immune pag nakakita ako ng gwapo.
I maintained the poker face though deep inside I'm feeling all sorts of kakiligan. Alam kong gwapo siya pero nung nginitian niya ako parang biglang nabuo ang araw ko.
"You might know him. He won as Mr. Engineering."
Oh. I don't have to ask why dahil halata naman kung bakit.
Umiling lang ako pero gusto kong sumigaw deep inside. Palagi kong sinasabi na walang makakatalo kay Sebastian in terms of looks pero this time talo siya.
They talked for a while habang busy ako sa pagtingin sa kanya at sa perfect niyang features. Hindi makapal ang kilay niya at hindi ganon katangos ang ilong niya pero bumawi siya sa mata. I could stare at those eyes all day.
"Sige bro. Bukas nalang." The guy said at inalis ko agad ang tingin ko sa kanya.
I haven't realized that I'm looking at the direction to where he went.
"Anong meron bukas?" I asked.
"Basketball. Eng'g and nursing." He said then stopped. "Namumula ka ba? Woah, wait. Don't tell me crush mo si Chris?"
"Chris." I tried saying the name.
"What the fuck? You have a crush on him!" Pinagtawanan niya ako.
"Is is that funny? Anong nakakatawa? I'm just admiring his looks."
Patuloy lang siya sa pagtawa at umiling.
He's muttering something I couldn't hear while walking and when I asked he just shook his head.
xx
Inalam ko kung anong oras ang game nila at sinabi kong manonood ako. Tumaas lang ang kilay niya but didn't say any comments.
Hindi ko na kailangan pilitin si Ruth at Donna dahil sinabi ko pa lang na eng'g ay nag ning ning agad ang mata nila.
Maliit lang ang court kung saan gaganapin ang game malayo sa nakasanayan ko nung high school but that also means mas malapit ang benches sa mismong court and we sat at the second row.
My eyes found Sebastian first then at Chris. I feel like I'm betraying Sebastian pero kung 'yun ang basehan mas maraming beses siyang nagbetray sa dami ng babaeng nilalandi niya.
I'm smiling throughout the game. Hindi ko pinapansin ang scoreboard. I don't care who wins. I came here to watch the players. Both Sebastian and Chris.
"Kaya naman pala gusto mong manood." Tukso ni Ruth.
"Actually 'yung number 4 talaga pinunta ko dito."
"Si Mr. Eng'g?" Kinikilig na sabi niya. "Ang gwapo niya noh?"
Seems like he is popular after all if they know him. Nakikita ko rin na maraming sumisigaw na babae pag siya ang nakascore. Marami rin sumisigaw pag si Sebastian and I send them death glares at parang gusto kong mangaway lalo na nung sumigaw ng I love you sa kanya.
Napatingin talaga ako at nakita kong kinilig pa siya dahil nginitian siya ni Sebastian. That flirt!
Umalis na agad sila Ruth after ng game at naiwan ko dahil hinihintay ko si Sebastian. Isang grupo silang lumabas at nagtatawanan pa dahil nanalo sila.
"So nagenjoy ka ba sa sigaw ng mga babae?" Sabi ko sa kanya.
Tumaas ang gilid ng labi niya parang sinasabing oo.
"Mukhang nagenjoy ka rin na bantayan kung sino ang nagchicheer sa akin."
Sasagutin ko pa sana siya kung hindi nita ako hinila at hinarap kay Chris. Napatingin ako kay Sebastian pero ngumiti lang siya.
"Hindi ko kayo napakilala kahapon so," He didn't have to finish his sentence because Chris already introduced himself, "Christopher."
Christopher. I thought so. I knew Chris is just a nickname. Hindi ko maintindihan kung bakit pinapaikli ng mga tao ang pangalan nila when their whole name sounds so good.
That's why I always say Sebastian's name and not Seb. Ayaw ko rin ng Vik lang ang tawag sa akin pero hindi ko naman mapilit ang mga tao.
"Viktoria." I said.
"So you are the Mr. Eng'g na palagi kong naririnig." Naglalakad na kami palayo sa court at katabi ko siya while nauuna si Sebastian kasama ang iba pa.
"Yeah." He chuckled at parang nahihiya. "Ano palang course mo?"
"Marketing."
"Matagal na kayo magkakilala ni Sebastian? Ngayon lang kita nakita."
"Since high school actually. Sa dami ng mga friends niyang babae naaalala mo lahat?" I teased.
If I know baka almost half ng babae sa building nila ay kilala si Sebastian.
"Funny because you're the only girl na nakita kong kasama niya. Akala ko nga girlfriend niya."
"Girlfriend?" Tumawa ako. "Sa dami ng fans niya ayaw kong magkaroon ng haters."
"Ikaw magkakaroon ng haters?"
Tumingin ako sa dalawang babaeng naglalakad sa tapat namin at napansin ko na nakatingin lang sila sa akin at parang nagbulungan.
When we walked passed them I can't help but laugh and I took a small step away from him. "Did you see that? I think I just did because of you."
"Me?" He said feigning innocence. "Anong ginawa ko?"
Tumawa ako at tumawa rin siya after. "I see you as a type na walang pakialam kung magkaroon ng haters o wala."
Huminto kami pag dating namin sa may gate malapit sa library.
"Honestly? I don't." I grinned.
Right before he could say anything sumingit na si Sebastian. "Hindi ka pa uuwi? Late na. Hahanapin ka na sa bahay niyo."
Sinimangutan ko siya. "Fine."
He was always the one asking me not to go home tapos ngayon kung kailan nageenjoy ako tsaka niya ako pinapauwi.
I smiled at Christopher and the rest of the players.
At Sebastian, I rolled my eyes.
BINABASA MO ANG
Love Me (Completed)
RomansaAll Viktoria Marie Gochingco ever want was to be loved by the only guy she had eyes on namely Sebastian Valdez.