Chapter 46 - Bad Day

2.2K 38 2
                                    

"Hindi po siya dumaan ngayon." Sabi sa akin kanina pagbaba ko.

I never thought that those words would ruin my day. I know I said not to give any more flowers but I also know that he said wala siyang pakialam sa sasabihin ko and I told him to do whatever he want.

Wala siyang pasok ngayon so maybe ayaw niyang gumising ng maaga at gusto nalang niyang itulog ang oras.

Bakit ba ako naiinis kung hindi siya dumaan? Ano naman ngayon kung hindi siya magbigay? It's just flowers! Hindi ko naman makakain ang mga bulaklak na binibigay niya so dapat matuwa pa ako dahil nakinig siya sa akin at tumigil sa kalokohan niya.

Hindi ako masyado gumawa ng mga importanteng bagay ngayon sa office dahil baka magkamali lang ako at mapagalitan pa ako. I only did some checking and call if there's a need for update.

Bukas nalang ako babawi sa trabaho.

Lunch came and I ate alone again. Never in my life would I imagine that I would eat alone. Nung high school ako ay kami ang may pinakamalaking circle sa canteen at palaging kami ang maingay sa hallway. Sa college naman ay never akong kumain mag-isa. Ngayong nasa real world na ako ay bumaliktad na ang mundo.

When has life become so different for me? The so called queen bee now eats alone and go home alone.

It's funny that I suddenly became so dramatic just because of flowers.

I shook away the thoughts. Stop thinking about him!

Nakatitig lang ako sa time ng laptop at nang oras na ng uwian ay nagligpit na ako ng gamit. Dumaan ako sa office ni Papa para magpaalam.

May mga binabasa pa siyang papers kaya pinauna na niya ako.

Paglabas ko ay hindi ko nakita ang kotse namin at ang driver kaya tumawag ako.

"Akala ko kasi hindi na kayo magpapahatid pauwi." Sabi niya sa akin.

Pumikit ako at kinalma ang sarili. What now? Magcocommute pa ako mag-isa pauwi?

"Sinong may sabi?"

"Babalik nalang ako dyan para sunduin kayo. Papunta na ako." Sabi niya.

"Hindi na. Matratraffic ka pa at sayang lang rin sa oras. Hihintayin ko nalang si Papa."

Nagsorry pa siya pero hindi ko naman magawang magalit. I think maybe I absent mindedly told him not to fetch me anymore. I don't know.

Pabalik na ako when my phone rang. I stopped to answer it. When I saw who the caller is mas lalo akong nainis.

Kasalanan talaga ni Sebastian kung bakit wala ako sa sarili ngayong araw tapos ngayon tatawagan niya ako? He is going to taste hell because of this.

"Saan ka pupunta?" Sabi niya.

"May meeting sabi ako! Wag mo akong tawagan."

"Saan ang meeting mo?"

"I believe it's none of your business."

"Okay." He said then hang up.

Tinignan ko pa ang screen and he really hang up already. The nerve of that guy!

I turned around and walk towards the waiting area. I'm going to hail a cab and I'm going to his apartment! No one messes with me today. Specially if it's him.

Bago pa ako makapaglakad ay nakita ko na siyang nakatayo doon at nakasandal sa kotse niya while waving his phone at me.

I grit my teeth and walk towards him. "Bakit ka nandito?"

"Akala ko may meeting ka? May kameeting ka dito?" Salubong niya sa akin.

"My meeting got cancelled." Mataray kong sabi.

He nodded and made a show to look at our surroundings. "So uuwi ka na? Where's your driver? Nakausap ko lang siya kanina ah."

My mouth gaped open at what I heard. Kinausap niya ang driver ko! It means.. "Pinauwi mo ang driver ko? You were the one who told him hindi na ako magpapahatid pauwi? Wow thanks, Sebastian."

"You told me yesterday to do what I want. So.." He shrugged.

Then he open the door of his car for me. "You're welcome."

"What makes you think sasakay ako?"

"Because wala kang masasakyan. And you looked pissed enough for me to know that you don't want to wait for a cab."

Sinamaan ko muna siya ng tingin bago ako sumakay. He just know me too well.

Sumakay rin siya pero hindi niya muna pinaandar dahil may kinuha siya sa likuran at inabot sa akin. "Oh para hindi ka na magalit."

Pagtingin ko ay malaking bouquet ang tumambad sa akin. Kagaya ng mga binigay niya sa akin nitong dalawang araw.

"Ngingiti na 'yan." Pangaasar pa niya.

Hindi ko napigilan hindi mapangiti kaya umiwas ako ng tingin.

"Wag ka na magtaray. Hindi ko na dinala sa bahay mo kasi plano talaga kitang sunduin. I want to personally give it to you. Palagi ka kasing tulog pag pumupunta ako sa sa inyo. Feeling ko tuloy ang katulong niyo ang binibigyan ko." Sabi niya at gusto kong matawa.

Kinikilig rin kasi ang katulong sa tuwing makakatanggap ng bulaklak. Sebastian can make anyone who hates flowers love it.

Hindi ako mahilig sa bulaklak but his flowers make me smile and brighten my day.

I bit my inner cheek to stop myself from smiling before turning to face him. "Ayaw ko ng flowers mo."

"Akala mo ba binili ko talaga 'yan para sayo? Wala lang akong mapagbigyan kaya binibigay ko sayo. Naaawa kasi ako sa nagbebenta. Binili ko na para makauwi na siya kaya kung ayaw mong tanggapin sayang naman. Gusto mo bang itapon ko nalang? Sayang naman ang effort niyang ibalot kung itatapon ko. She will be very sad when I tell her that." He said very dramatically. "Very sad, Vik."

Kinuha ko 'yun sa kanya at nilagay sa lap ko. I inspect the roses and counted. It's the same everyday. Same color of the wrapper and same number of roses. "Tell her that I love her flowers."

"Eh ako?"

"Just drive." I said.

"Damot!"

I smiled secretly knowing he smiled too.

I think.. I think I'm ready to accept him again. This doesn't really count as real effort but it's the thought that counts.

I like that he's doing everything to try to please me and make me smile by using his words and doing things like this. Specially that stupid story about the flowers.

This isn't his style pero alam niyang gusto ko ng mga ganitong bagay kaya ginagawa niya. I appreciate him more for that.

At least this time when I try pushing him away, he pulls on the other side.

Love Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon