Chapter 45 - Flowers

2.3K 40 0
                                    

Hinanda ko ang sarili ko bago ko sinabi kay Papa pero hindi siya nagalit. I wonder if it's just the calm before the storm. Si Mama naman nagulat and asked me questions. Questions that I didn't answer. Hindi man nagalit si Papa pero alam kong nadisappoint siya.

And I don't wanna disappoint him further by telling him about Sebastian. Besides hindi na ulit nagparamdam si Sebastian pagkatapos ng gabing 'yun. So I have no idea what's up.

Then kanina habang pababa ako ay nilapitan ako ng katulong at may inaabot na malaking bouquet of roses.

Nagulat ako dahil wala naman nagbibigay sa akin ng bulaklak. At first time may nagdala sa bahay. To think that it's early in the morning.

Tinaggap ko 'yun at kinuha ang nakaipit na card.

Good morning! I know you don't really like flowers but  I hope this will make you smile.
- Sebastian

I touch the petals of the flowers then placed it on the table.

"Sino nagdala nito? Kanina pa ba 'to?" Tinanong ko ang katulong.

"Nakauniform pampasok siya. Medyo kanina pang umaga dinala. Hinahanap ka po pero natutulog ka pa." Nakangiti rin siya habang sinasagot ako.

"Ah sige thank you."

Nakatingin lang ako sa bulaklak sa mesa. When I said I want him to do something I didn't mean this. Sebastian and his ways!

Though pinalagay ko sa vase at sinabing idisplay sa kwarto ko bago ako pumasok ng office.

Pagkatapos hindi magparamdam pabulaklak bulaklak nalang? Hindi porket sweet siya ay bati na kami. It made me smile but not that fast.

Good mood ako buong araw sa office at tanghali na ako nakatanggap ng text galing sa kanya.

I was eating alone when I read his text.

Sebastian:
I hope I'm the one making your mood this good.

Binaba ko muna ang kutsara at sumandal bago nagtype ng reply.

Me:
Nope. Like you said I don't like flowers.

"Really? Bakit ang laki ng ngiti mo?"

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. I almost threw my phone at him.

Biglang umupo si Sebastian sa tapat ko at malaki ang ngisi. Nakataas pa ang kilay niya.

"Anong ginagawa mo dito? Tsaka paano mo alam na nandito ako?"

What the hell is he doing here?

"I was told na favorite mo ang risotto dito." He shrugged.

"By whom?" Tanong ko. "Stalker ka na ba ngayon?"

"You didn't answer my question."

"Nagreply ako. Read the text!" I said before picking up my spoon again.

"I know. I asked why are you smiling? Namiss mo ako?"

Umirap ako. "Bakit kita mamimiss?"

"Bakit ang taray mo? Kanina lang nakangiti ka pa."

"Nandito ka na kasi. At istorbo ka sa lunch ko. I only have an hour."

"Alright, I'll leave. Eat your lunch. I'll just text you later." Sabi niya.

Nakatayo na siya nang magbago ang isip ko. "Stay." I said. "Kumain ka na ba? Ayaw kong maglunch mag isa."

Bumalik siya sa pwesto niya pero nawala ang ngiti niya. "Wala pa rin kumakausap sayo?"

Love Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon