Chapter 7 - Help

3.1K 66 1
                                        

Hindi ko inexpect na itetext niya ako. I though he was just being a gentleman kaya niya ako kinausap that day.

I didn't know he was really interested in me! And it's been a while that I've been interested in someone other than Sebastian.

Napatingin ako ng dalawang beses sa gate ng building namin dahil nakatayo siya doon. Akala ko kung sino ang cause ng commotion around girls. He did ask me earlier kung hanggang ano oras ang klase ko.

"Ikaw na may Mr. Eng'g!" Ruth pushed me slightly.

I'm assuming he's here for me dahil imposible naman na trip lang niyang tumambay doon at pagkaguluhan ng mga babae. Paglabas ko ay nginitian niya ako. "Hi."

"Anong ginagawa mo dito?" I asked.

Pinakilala ko rin siya sa dalawa kong kaibigan at natawa kami ni Christopher dahil medyo kinilig sila.

Hindi lang niya alam pero ganyan rin ang itsura ko nung nakita ko siya. Hindi lang halata sa akin.

"Inaantay kita. Ayaw mo ata akong makita eh."

I bit my inner left cheek. "Since you walked all the way here hindi naman kita pwedeng paalisin diba?"

Naalala ko na palaging nagrereklamo si Sebastian na ang layo ng building namin sa kanila.

"Right. Nagulat ka ba? Sakto lang na wala na akong class at naisip kitang puntahan."

Tumaas ang kilay ko. "Saan naman tayo pupunta?"

"Ikaw, kung gusto mong kumain or tumambay?"

Pumunta kami sa cafe inside the university at nagusap lang kami. Nagtatanong siya tungkol sa akin at nagtatanong rin ako tungkol sa kanya until we're exchanging stories.

"Sobrang close siguro kayo ni Sebastian noh?"

"Super."

"Halos lahat kasi ng kwento mo nandoon siya." He said.

At bigla akong nahiya because I haven't realize I'm doing that. He can't blame me though dahil lahat ng importanteng nangyari sa buhay ko ay present si Sebastian.

Siya ang date ko nung prom, siya ang kasama ko nung unang beses akong pumarty, siya ang nagturo sa akin uminom. I think I have become dependent on him for many things.

"If you don't want to hear it edi ikaw naman ang magkwento. Pag binanggit ko pa ang pangalan niya baka magwalk out ka na dyan."

Natawa siya. "No, I like hearing you talk. Promise okay lang."

Napapansin ko 'yung mga tingin ng mga babae sa table namin pero hindi niya napapansin dahil sa akin lang siya nakatingin and he's really attentive when I'm talking.

If this continues I think I might fall for him.

So many years, so many years na si Sebastian lang ang gusto ko but here, biglang may Christopher who make me laugh and someone who make me not think of Sebastian.

Maybe it's time I turn away from unrequited love from Sebastian and turn my attention to someone else? Maybe.

I tried dating before at mabilis akong mabored pag hindi si Sebastian ang kasama ko pero ginugulat ako ni Christopher dahil natutuwa ako sa kanya and I often find myself wanting his company.

I'm seeing him more than I should. Hindi na rin ganon kadalas ang pagkikita namin ni Sebastian kaya bumabawi ako sa kanya ngayon.

Nandito ako sa apartment ni Sebastian habang naghihintay ng oras.

"I heard napapadalas pagkikita niyo ni Chris ah?"

"Kanino mo nalaman?"

"Anong madalas niyong ginagawa?"

Napatingin ako sa kanya. Nakatalikod siya sa akin at nagaayos ng kung ano sa papers niya.

"Bakit ko sasabihin sayo? Dapat nga matuwa ka kasi hindi na ikaw ang ginugulo ko."

Humarap siya at sumandal sa mesa. Then napatingin siya sa hawak kong phone at tumaas ang kilay niya. "Do you like him?"

"Yes. What's not to like? Gwapo, mabait, matalino and he is interesting." Sagot ko.

Hindi ko 'yun sinabi just to get a reaction from him. I mean it. I like Christopher. I like that he can make me laugh easily at talagang nageeffort pa siyang puntahan ako at wala akong narinig na kahit isang reklamo.

"You make him sound so perfect. Guys like that usually had their bad side hidden. You know inner demon na malalaman mo lang when it's already too late."

Tumaas ang kilay ko, "Don't worry I can handle inner demons. Why do you think we're friends?"

"Am I really that bad? Ganon ako sa paningin mo?"

Sumimangot ako. "Hindi pero hindi ka rin naman mabait. Don't act like you're hurt dahil alam mong totoo ang sinasabi ko."

He opened his mouth to say something but I raised my hand before he does. "In fact magkikita kami so aalis na ako."

"Saan kayo pupunta?"

"Dinner lang. Baka gusto mo rin sumama?" Sarcastic kong tanong because he is so paranoid about this me and Christopher seeing each other.

"Can you cancel it? Naalala ko lang na kailangan ko ng tulong mo sa assignment."

"I remember you laughing at me when I asked to help you that one time." Sabi ko. "Tsaka hindi ba pwedeng bukas nalang?"

"Pag hindi mo ako tinulungan ngayon babagsak ako. You don't want me to fail, do you?" He is sorting his papers again.

"I don't care if you fail. Grades mo naman 'yan pero alam kong hindi mo ako titigilan pag bumagsak ka hanggang sa maguilty ako."

"Great." Humarap siya at ngumiti.

xx

"Sebastian." I nudged him using my feet. Nakaupo ako sa couch habang nasa sahig siya at may binabasa na mga papel at libro.

"Hm?" He asked without looking at me.

"Akala ko ba kailangan mo ng tulong?"

"Yes and you did. Thank you for this." Tinaas niya ang mug niya.

Biglang nag init ang ulo ko dahil doon. "Seriously Sebastian? Niloloko mo ba ako?"

His head turned and said, "I need coffee and motivation. And you are my motivation."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Aalis na ako."

Feeling ko nakaisa nanaman si Sebastian sa akin at nagpaloko naman ako sa kanya. I should've known he was not serious when he said he needed my help.

Mabilis siyang tumayo at hinarangan ako. "I'm just kidding. Sorry na. Ito na magseseryoso na."

Ngumiti siya at sa isang ngiti lang niya ay napapayag nanaman niya ako.

"I hate you."

Hinawakan niya ang braso ko. "Help me?"

"Fine."

Pinabasa niya sa akin ang paper niya to check if there's something off or may kailangan bang palitan.

I know he is just making this up dahil magaling siya sa grammar at hindi naman niya ako kailangan pero hindi na ako nagsalita because I know why he want me here.

"Bakit mo pa kailangan ng tulong if your paper is already this good? Gusto ko nang umuwi."

"Is it? I think may kulang pa o may kailangan tanggalin na part?"

"Hindi na kami magkikita ni Christopher. Sinabi ko nang next time so pwede na ba akong umuwi?" I sighed.

"Viktoria, hindi ako humingi ng tulong dahil ayaw kong magkita kayo. You know I won't do that." He said but he is smiling. As in grinning at me.

"Of course. Hindi ka naman siguro ganon klaseng tao diba?"

Humalakhak siya at sinabing ihahatid niya nalang ako pauwi.

Love Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon