Flynne grinned at me when our eyes met. I avoided that look and resumed eating.
She is still looking at me and I have to glared at her to stop. She chuckled and Liam turned to her. Umiling lang siya at may binulong kay Liam kaya napatingin rin si Liam sa akin tapos sa katabi ko.
Sebastian is oblivious to all of this and hindi niya tinapunan ng tingin ang pinsan niya na kanina pa tumitingin. Busy siyang kausap si Cedric at si Jordan.
I cleared my throat looked away. Tumingin ako kanila Cedric. "Magbibirthday na si Papa. Punta kayo ha? Sa bahay lang naman."
Doon sila natigilan at napatingin sa akin. Natawa naman si Liam sa reaction nila.
"Okay lang daw? Baka nakakahiya." Sabi ni Jordan.
They are still afraid to meet Papa. Tumingin ako kay Liam na natatawa. Kasalanan niya talaga 'to! He gave them an impression na nakakatakot si Papa.
"Magiinvite ba ako kung hindi? Okay lang naman maginvite ng friends. Besides hindi naman niya mapapansin sa dami ng guests niya."
"Pupunta ako kung pupunta kayong lahat." Natatawa si Cedric.
"Kailan birthday ng Papa mo?" Sebastian asked me in a low voice.
"After Valentine's."
"Anong pinaguusapan niyo? Share niyo naman. Nagbubulungan nanaman kayo dyan!"
Sinamaan ko ng tingin si Cedric at ang lakas ng tawa ni Liam at ni Flynne.
They should know na may something na nangyari sa amin ni Sebastian pero wala rin nagtatanong. Dati ay si Cedric ang palagi kong katabi dahil gustong gusto niya akong pinagtritripan at nagtatanong rin siya sa mga babae pero nitong mga nakaraan every time na susubukan akong lapitan ni Cedric ay pipigilan siya ni Sebastian.
Cedric is known for being a casanova so can't blame him. May part sa akin na natutuwa dahil nakikita kong mas seryoso si Sebastian at hindi niya ako pinaglalaruan lang.
"Basta punta kayo. And no need for gifts or cake. Ayaw ni Papa ng ganon, okay?"
Niyaya akong magrestroom ni Flynne pero alam ko naman ang pakay niya.
"Kayo na ng pinsan ko?"
Umiling ako. "Hindi."
"Ah so may something lang?"
"Maybe? Hindi ko alam."
Hindi naman siguro normal sa magkaibigan ang maghalikan diba? Pero hindi ko iyon sinabi dahil ang weird sabihin na nakikipaghalikan ako sa pinsan niya kahit na close kami.
"Something is good. It's great right? I mean at least it's a start." She shrugged.
"Yes." Ngumiti ako.
I love what I'm feeling at kahit na hindi dapat ako makuntento na hanggang ganito lang kami ay masasabi kong kuntento na ako.
I never asked for more. Ang gusto ko lang naman mapansin ako ni Sebastian kagaya ng sa ibang babae at hindi bilang kaibigan. Now my wish came true and I couldn't be happier. Like Flynne said this is a start and I should be happy.
Sebastian eyed us suspiciously when we came back but didn't say anything. He just slipped his hand to mine under the table while the other is placed on top.
He keep talking while holding my hand at nahihiya ako dahil alam kong alam nila kung nasaan ang kamay namin dalawa.
Nagkunyari pa nga si Cedric na may nahulog para silipin ang kamay namin then he smirk when he look at me.
"Sinong date mo sa Valentine's?" Tanong pa niya sa akin. "Date tayo."
I know he is taunting Sebastian because he looked at him briefly before turning his attention to me.
I shook my head but he still said it at mas lalo pang lumawak ang ngiti niya.
Oh Cedric you're so dead.
Napakagat si Jordan sa labi at napayuko nalang sa maaaring mangyari. Iniisip niya siguro kung paano niya pipigilan ang dalawa mamaya.
"Ayaw kitang kadate. Makikipagdate nalang ako sayo pa?"
"What's wrong with me? Gwapo naman ako ah? Sus crush mo nga ako dati." Pangaasar niya.
"No thanks." I rolled my eyes.
Pinipigilan kong hindi tumingin kay Sebastian. Naramdaman kong binitawan niya ang kamay ko at ngayon ay nasa mesa na ang dalawa niyang kamay.
I looked at it and wonder whose face will that hand land later.
"Date na tayo! Tamang tama wala akong date."
"Even if I want to, you couldn't afford me. Expensive ang taste ko, Cedric. Hindi ako basta basta nakikipagdate lang."
"'Yun lang ba? What do you want? I could bring you to the most expensive restaurant. Just say the word and it's done." Sabi niyang naghahamon.
"Gago ka Cedric." Liam said in a low voice.
Binalewala lang siya ni Cedric at nakatingin pa rin ito sa akin naghihintay ng sagot ko.
"She is not dating anyone." Sebastian said in a grave voice.
"Shut your mouth!" I mouthed to Cedric.
Tumingin lang siya sa akin na parang sinasabing akong bahala.
"Bakit? Wala naman masama ah. Are you two dating?" Tumaas ang kilay niya. "If she's your girlfriend then I'll back off."
Sebastian's jaw tightened at wala na ang playfulness na aura niya. "No."
"Ayun! Single ka naman pala. Akala ko pa naman taken ka na. Iiyak na sana ako." Cedric say playfully.
Hindi ko alam kung bakit niya iniinis si Sebastian samantalang alam naman niya na may something dahil nakita niya ang kamay namin sa ilalim kanina.
Pinapanood lang nila Liam ang nangyayari at tahimik lang rin sila. Wala ni isa sa amin ang may idea kung anong trip ni Cedric dahil ganon naman talaga siya. Madalas bigla nalang niya maiisipan mantrip at madalas nakikitawa lang ako dahil hindi ako involved but now that I'm involved hindi ako makatawa.
I couldn't even breathe while looking at Sebastian.
Sebastian inhaled sharply and I was about to grab for his arm in case na bigla niyang suntukin si Cedric pero nagulat kami nang tumayo lang ito at umalis.
Cedric just laughed and Jordan punched him. "Gago ka talaga! Alam mo na ngang.."
Hindi ko na narinig dahil tumayo na ako at sinundan siya. Before that I hissed at Cedric.
"Walking out was my move. Wala kang originality." Sabi ko nung makita ko siya sa labas.
Tumingin lang siya sa akin sandali at hindi nagsalita. Hindi naman siya sa akin galit pero bakit ako kinakabahan? Wala naman akong ginawang masama.
Lumapit ako sa kanya at hinarap ang mukha niya sa akin. "Hindi ako sasama sa kanya. We have plans remember?"
His face softens and said, "I'm not sure if you still want to cook with me. It's lame. I think we should just cancel."
Hindi ugali ni Sebastian ang magdoubt and I felt bad because I think it's because of what I said earlier.
"Ikaw ang gusto kong kasama. I don't think your idea is lame. I'll cook with you, Sebastian."
"I don't like the idea of you dating anyone else."
Sumimangot ako. "I'm not going to date anyone. It's just Cedric. Alam mo naman na--"
"Especially if it's him. Not Cedric, Viktoria." He said sternly that made me shut my mouth.
"Okay."
He draw me close to him and I inhaled the smell of him against his chest.
BINABASA MO ANG
Love Me (Completed)
RomanceAll Viktoria Marie Gochingco ever want was to be loved by the only guy she had eyes on namely Sebastian Valdez.