Nagulat ako nung pagbukas ko ng pinto ay si Flynne ang nasa labas ng kwarto. Ngayon lang niya ako pinuntahan sa bahay. I didn't even know she knew where my house is.
Inabot niya sa akin ang paperbag na dala niya. "Nakalimutan ko ibigay sayo. Belated." Ngumiti siya at umupo sa kama.
"Thank you but that is not really why you're here." Sabi ko.
Tumingin siya sa paligid at nagsalita lang siya after. "Are you okay?"
Tumaas ang kilay ko. "Yes. Bakit naman magiging hindi."
"Sebastian told me."
I gave her a look. And she immediately went defensive.
"Hindi naman niya talaga sinabi. It's not like makikipagheart to heart talk siya sa akin. I asked kasi nakita ko 'yung itsura niya. I'm not trying to go between you but he's my cousin and during those times na hindi ko alam ang gagawin kayo ang tumulong sa akin so maybe I could return the favor."
Tumawa ako. "I'm okay. Kagaya ng sinabi ko sa kanya mabilis akong magmove on. Look at me, I'm fine."
"Maglolokohan pa ba tayo? Vik, no one can move on that fast unless you didn't love the person. And you love him. And, he said sinabi mo na kayo na ni David. Hindi siya naniniwala at hindi rin ako naniniwala so what's the deal?"
"Sinabi ni David na gusto niya ako and I'm thinking of giving him an answer tonight."
"I don't think it's a good idea. Gagawin mo siyang rebound?"
"It's not rebound because I decided to let Sebastian go already. And I like him too."
I want to try to be with him. Alam ni David kung ano ang totoong nararamdaman ko so it's not rebound. I'll tell him and if he still want to be with me then good.
"Magkaiba ang like sa love, Vik."
"Paano ko malalaman kung hindi ko susubukan?"
"Vik--"
"So you're against me doing this?"
"Hindi ako against kasi kinakampihan ko si Seb. I just don't think it's good for you."
"I don't think Sebastian is good for me too. Our situation is different from you and Liam. We're so much more complicated than yours so I don't think pinning against him is a better option."
"Alam ko." She sighed. "I'll be here for you. If you need to talk, okay?"
I smiled. "Thank you. And don't tell Liam about this. Ayaw kong malaman ni Sebastian."
Tumawa siya, "Hindi lahat ng bagay sinasabi ko kay Liam. I know what to say and what not to say. Besides nung nagkita tayo sa party nung college hindi mo naman sinabi sa kanya diba?"
Nagstay pa si Flynne at kinain namin ang cake na binigay ng pinsan niya.
Nagreklamo pa siya dahil hindi niya type ang binibigay sa kanya ng pinsan at masarap ang cake ko.
Tinawanan ko nalang siya because I remember one time kami ni Sebastian ang pumili ng cake niya. Naubos na ang gusto niyang chocolate kaya caramel nalang ang pinili ko. Who knows hindi niya masyado gusto ang caramel.
We spent the afternoon watching an episode of Game of Thrones before she went home. I need to prepare for later too.
Wala pang six o'clock ay dumating na si David sa bahay. Pagbaba ko ay hindi ko siya nakita kaya hinanap ko pa siya. At sa kusina ko siya naabutan. Nakatalikod siya sa akin habang naghuhugas ng kamay.
"Ang aga mo. Akala ko ba mamaya pa tayo? Hindi pa ako nakabihis." Salubong ko.
"Who said anything about going out?" Sabi niya at sinundan ko siya ng tingin nang buksan niya ang ref namin.
"Magluluto ka?
"Maiinlove ka ba sa akin pag marunong ako?" Tanong niya.
"Depends. Ano ba alam mong lutuin?" Sumandal ako sa counter.
"You'll see." Then he proceed in cooking.
For the first time napapansin ko lahat ng mga ginagawa niya para sa akin.
We might not be that close then but he lend me a shoulder to cry on. And he used that voice on Sebastian to back off. He is sweet in his own way at 'yun ang gusto ko sa kanya.
Hindi niya ako pinipilit sa kahit anong bagay. Hindi niya ako pinipilit magmove on, hindi niya ako pinipilit na magustuhan siya but surprisingly I did. I like the little things he does for me.
Like during those first week in office was hard but he's there for me. He made sure na may kasama akong maglunch at binibigyan rin niya ako ng mga advices.
And now even cooking!
Aaminin ko I like guys who knows their way in the kitchen. Turn on 'yun because who doesn't want their guy in an apron while doing whatever in the kitchen?
Pagbigay niya ng food ay napaangat siya ng tingin at nakitang nakatingin ako. "What?"
Umiling lang ako at nagsimulang kumain.
I can do this. I can fall for him. Hindi siya mahirap magustuhan at kaya ko kung gugustuhin ko. And right now I want nothing more than that.
Pagkatapos kumain ay tumayo ako at nilagay ang plato sa sink tapos sumandal ako doon habang pinapanood siya.
Sensing my stare he turned his head toward me and winked at me. Natawa naman ako and acted disgusted.
Tapos na rin siya at nililigpit na niya ang mesa nang maisipan niyang lingunin ako ulit at nahuling nakatingin pa rin ako.
Tumigil siya sa ginagawa at humarap sa akin. "I'm sure you're not staring because I look handsome tonight. Why are you staring, Viktoria?"
Tumagilid ang ulo ko. "Naiilang ka?"
"No. It makes me wanna stare back actually. And I'm good at staring. Wanna bet?" Ngumisi siya.
Umayos ako ng tayo at tumitig sa mata niya. "It's on."
I don't know how long we stared at each other and he keeps on making funny faces to make me laugh and blink but I didn't. When I had enough I decided to make a move of mine.
"Gusto kong subukan, David." Sabi ko.
"Try what?"
Nginitian ko siya at kinagat ang labi ko before answering, "Us."
He blinked. "Fine. Talo na ako. But what did you say? Seryoso ka ba?" He blinked again.
I nodded.
"With me?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"May iba pa bang tao dito? Yes with you!"
Tumaas ang kilay niya at maya maya ay gumuguhit na ang ngiti sa labi niya.
"Come here." Malaki pa rin ang ngiti niya.
Nakakahawa ang ngiti niya dahil napangiti rin akong lumapit.
He tuck my hair behind my ear and cupped my face. "I'll make you happy, Viktoria. I promise."
"Now let's not make promises, hmm?" Then I clasped his other hand. "Let's be happy together."
BINABASA MO ANG
Love Me (Completed)
RomanceAll Viktoria Marie Gochingco ever want was to be loved by the only guy she had eyes on namely Sebastian Valdez.