"Vic.." she snapped her fingers near my face na siya namang ikinainit ng ulo ko.
"Pwede ba?" irap ko kay Cienne. "Alam mo namang naiinis ako pag ginaganyan ako eh!"
"Sorry naman bestfriend. Nakatulala ka na naman kasi eh." she flashed me her worried face again. Masasabi kong sa almost 6 years na ring pagkakaibigan namin ni Cienne ay masyado niya na kong kilala. Pati amoy nga ata ng utot ko kabisado na nito eh. "Ano bang iniisip mo?"
"Wala, wala.." wala naman kasi talaga kong iniisip eh.
"Don't tell me si Anya na naman?" tinaasan pa ko ng isang kilay. "Oh please, move on already!"
"Yun?! Iniisip ko? Hahaha!" napailing na lang ako. Over my dead body! "Siya pa nga tong text ng text sakin eh. Pagkatapos niya kong lokohin? No way!"
"Hayaan mong mapudpud ang daliri niya kakatext sayo!" saka siya uminom ng kape at binuklat na ulit ang magazine na binabasa niya. "Wag na wag kang magrereply. Sinasabi ko sayo! Pagod na kong makipag-plastican sa hitad na yun!" she's focused on the magazine but I saw her rolled her eyes. "Actually, pagod na kong makipag-plastican sa lahat ng mga babae mo.." pabulong niyang sabi pero narinig ko.
Hindi naman niya tinatago sakin ang lahat ng inis niya sa mga naging girlfriend ko eh, pero wala naman siyang ginagawa to get in my way, puro reklamo lang kaya hinahayaan ko na lang siya.
Nagsindi ako ng yosi at lumagok na din ng kape sa tasa ko. Nandito kami ngayon nakatambay lang sa Coffee Shop na kaming dalawa din ang nagmamay-ari. Halos 2 years na din itong shop, maliit na business lang na itinayo namin a year after naggraduate kami sa La Salle. Experiment lang naman sana pero pareho kaming naaliw sa pag manage nito kaya cinareer na namin.
Pareho kaming walang date sa mga oras na to kaya stuck kami ngayon sa isa't isa. Actually dapat kaninang umaga hanggang ngayong hapon, si Cienne ang magbabantay dito, at sa gabi hanggang umaga ako gawa ng 24 hours itong shop tuwing weekend. Pero naisipan kong pumunta na lang din dito ng maaga kasi mamayang gabi may lakad din ako.
"Excuse me po, Maam.."
"Ano yun?" sabay latag ni Cienne ng magazine sa mesa at hinarap si Maya, isa sa mga crew namin. "May problema ba?"
"May nakaiwan po kasi ng wallet niya Maam. Kayo na lang po siguro ni Maam Vic ang magtago.."
"Sayo na yan Vic.. Uuwi ako ng maaga ngayon eh," saka niya kinuha na naman ang magazine at nagpatuloy na sa pagbasa.
Kinuha ko na ang wallet at pinatong lang muna sa mesa. Pinatay ko na ang yosi ko sa ashtray at nagexcuse na muna kay Cienne na magcCR muna ako.
****************
"Vic!"
Napalingon ako sa babaeng tumawag ng pangalan ko. Si...
"Na miss kita. Dito lang pala kita matatagpuan."