"Babe, matutulog ka na ba?" yakap ni Ivy sakin mula sa likod.
Hinarap ko siya at niyakap pabalik. "Do you think makakatulog ako?" I didn't mean to be sarcastic, pero... Hay.
Nagplead ako sa kanya na dito siya matulog sa condo ko ngayong gabi. Last night na niya dito sa Pilipinas, tho technically, bukas ng gabi pa naman ang flight niya patungong US.
"It's just one year, babe.." pahid niya sa luha kong di ko napansing tumutulo na pala. "Hihintayin mo naman ako diba?"
"A lot can happen in a year..." nanghihina ako. Di ko alam pero ang sakit sa dibdib.
Aalis siya para magtrabaho. To prove to my parents na kaya niya naman akong buhayin at hindi iaasa ang buhay namin sa parents niya. That she could be on her own. Yun lang naman ang ayaw sa kanya ng parents ko, yung umaasa at dependent pa rin siya sa parents niya.
"Para satin din naman to ang gagawin ko diba?" pagexplain niya. "Para makuha ko naman ang tiwala ng parents mo."
"I know.." hindi ko alam pero parang ang hirap. For 3 years, nasanay akong kasama ko siya palagi, na halos araw-araw siya ang kaharap ako.
Mahal na mahal ko talaga siya. At hindi ko alam kung kaya ko ang long distance relationship. She's going to do it for us, pero ang hirap mapalayo sa taong mahal mo diba? Sa nag-iisang taong minahal mo ng ganito.
"Look, kakayanin natin, Ye." hinawakan niya ko sa pisngi at binigyan ng mariing halik. Matagal, mainit, at punong puno ng assurance. "I love you.."
"I love you too. Sobra. As in sobra sobra sobra sobra.." yakap ko sa kanya ng mahigpit.
Nakangiti siya nung kumawala ako sa kanya. "Enough na yun para sakin. Enough na yun para magbigay sakin ng lakas. Kasi alam kong mahal mo ko at may naghihintay sakin dito.." napansin kong nangilid na rin ang mga luha sa mga mata niya.
Pumikit ako, ayaw kong makitang iiyak siya. Kasi mas lalo akong manghihina... hanggang sa pareho na kaming nakatulog na mahigpit na nakayakap sa isa't isa. Bagay na sobrang mamimiss ko...
.
.
.
.
.
.
.
"Babe, wag ka na lang tumuloy please.." hindi ko na talaga mapigilan ang sobrang pagdradrama.
Nandito na kami sa airport at last and final call na para sa flight ni Ivy.
"Ye naman eh. Nandito na ko." alam kong pinipilit niya lang maging matatag para sakin, samin. "Sige na, baka maiwan pa ko." saglit niya kong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa lips for the last time. "Mahal na mahal kita. Please, wait for me.." hawak niya sa pisngi ko. "Carol, Jes, kayo na ang bahala sa kanya ha? Ingatan niyo tong mahal ko." bumeso at yumakap na rin siya sa mga kaibigan ko.
"Kaming bahala.." thumbs up ng dalawa.
"Mahal na mahal kita, Ivy.." sambit ko at pinakawalan na ang kamay niya.
Bago pa siya tuluyang makapasok sa departure area ay muli siyang lumingon at nagwave samin. "I'll see you soon. Babalikan kita!" sigaw niya.
Wala na. Tuluyan na kong napahagulgol habang yakap yakap nina Carol at Jessey. Ang OA at ang drama ko na pero mahal na mahal at in love na in love lang talaga ko sa kanya. Masisisi niyo ba ko?