"Ivy, ang hyper mo!" natatawang sabi ni Tin. Duh! Feeling close?! Ilublob kita sa kinatatayuan mo diyan eh!
Nagbababad lang kami dito sa pool ngayon. Alas nuebe na rin ng gabi at halos isang oras na kaming nagswiswimming lang dito. Last night na namin ngayon dito kaya itodo na lang daw namin itong pag bonding namin sabi ni Camille.
Kayo na lang ang magbond diyan. Dito lang ako sa gilid. Pinanunuod sila habang naglalaro ng parang dodge ball gamit ang malaking beach ball na hiniram nila sa loob kanina.
"Si Ivy na yung last, tamaan mo Vic!" Ay! Namemersonal lang Cienne?! Tsk. Ako na ang bantayera at komentarista pero bahala kayo. May benefit akong ganito ngayon kasi audience lang ako.
Magkakampi sa laro si Ivy, Camille, at Tigs. Si Cienne, Ara, at Tin naman sa kabila.
"Last 3 shots na!" sigaw ni Mike na scorer nila.
"Pag di niyo ko tinamaan, manlibre kayo ng inom ah?" tawa lang ng tawa si Ivy. Nakalaklak ata ng isang daang happy pill to ngayon.
"Sige!" seryosong sabi ni Ara. "Pag ikaw natamaan namin, ikaw manlibre ah." nagsmirk siya. At bago niya tinapon ang bola ay saglit na tumitig muna siya sakin.
Ewan ko pero parang reflex na siguro na nag iwas agad ako ng tingin. Parang nagblush pa ata ako. Ang gwapo niya lang naman kasi. Wet look at tumutulo pa ang tubig sa lips niya.
"Aray!" napatingin ako kay Ivy. Tinamaan pala siya. At ni Ara pa mismo.
"Whoooo!" nagtatalon talon pa sina Cienne at Tin at nagyakapan. Psshh. Parang laro lang eh.
"Pano yan?" lumapit si Ara kay Ivy at tinapik ito sa balikat. "Tara?"
"Oo na. Tara na!" masigla pa rin sabi ni Ivy. Nagyaya na silang umahon.
"Dito na lang sa pool side tayo. Mas maganda ang ambiance." suggestion naman ni Mike.
"Oo nga." agree naman si Cams.
"Una ka na babe, wait lang.." sabi ko kay Ivy. Nakalapit na kasi siya sakin at inilahad ang kamay niya.
"Uhm. Sige, pasok na din muna ako sa loob, ikukuha na lang kita ng damit." sagot niya at umahon na mula sa pool.
"Thanks babe." tipid kong sagot.
Narinig kong nagpahintay si Camille kay Ivy dahil ikukuha niya din daw ng damit si Tigs. Si Cienne ganun din.
"Tara, Vic" rinig ko ding pagtawag ni Tin kay Ara. Nakatalikod lang ako sa kanila. Punong puno na ang mata ko sa kaartehan nila sa loob ng tatlong araw.
"Mike, tayo na lang mag order sa loob.." pagaaya ni Tigs kay Mike.