"See you in Manila pala ah.."
Napabalikwas naman ako at nabitawan ko ang phone ko sa pagbulong ni Mika.
"Gulat ka?" tanong niya pa at umayos ng higa.
"Mika.." lambing lang ang kulang dito eh.. Yumakap na ulit ako sa kanya at isinantabi na muna ang phone ko. "Friends na lang kami ni Tin, okay? Kababata ko yun at matagal na kong nakapag-move on.." pag explain ko.
"Okay.." tipid niyang sagot at niyakap na din niya ko pabalik.
"Yun lang?" di ako kuntento sa okay eh.
"Okay... but it doesn't mean na makikipag kaibigan na din ako sa kanya.." ayun pala ang karugtong.
"Mabait si Tin. At malapit siya sa pamilya namin. Why not give it a try? Kung hindi talaga kayo magkakasundo eh di--"
"Wag mo ng ipilit, Ara.."
Hay.. Huminga ako ng malalim at umunan na sa kamay niya.
Ilang minuto na rin na nasa ganitong posisyon lang kami nang marinig ko ang pagtunog ng tiyan niya.
"Gutom ka na.." maikli kong komento.
"Hindi." mataray niya pa ring sagot.
"Alam ko gutom ka na eh.. Ikaw pa?" ginulo ko na lang ang buhok niya at bumangon. "Wait lang. Mag dinner in bed na lang tayo." saka ko siya kinindatan bago lumabas.
Pagbaba ko naman ay tapos ng kumain sina Mama.
"O anak? May natitira pang ulam diyan.." si Mama habang naghuhugas ng mga pinagkainan nila.
"Asan dito yung tray, Ma?" tanong ko. "Sa kwarto na lang kami kakain.."
"Nag-away kayo noh? Hahaha!" asar na naman ni kuya habang nagpupunas ng mesa. Di ko na nga lang pinansin.
Nang makita ko na ang tray ay nilapag ko muna ito sa counter. Iisang plato na lang kami ni Mika para konti lang ang huhugasan ko mamaya.
"Mika, bangon na diyan.." sabi ko pagkapasok ko sa kwarto bitbit ang tray. Nilapag ko muna ang tray at sinara ang pinto.
Bumangon na din si Mika at nagcross sit.
"Op!" pinigilan ko siya, kukuhanin na sana ang kutsara eh.
"Bakit?" nagtatakang baling niya sakin.
"Wash hands muna tayo.. Lika." inabot ko ang kamay niya at tinulungan siyang makatayo.
Pumasok na kami sa banyo at sabay na naghugas ng kamay. Actually, more like hinugasan ko ang kamay niya. Pagbalik namin sa kama ay magkatabi kaming naupo.