"Ang ganda dito! Good choice, Ibyang!" tinapik tapik siya ni Tigs at nauna ng pumasok sa room nila ni Camille.
"Saan mo ba na discover to, babe?" kumapit na ko kay Ivy at naglakad na kami papasok sa room namin.
"Nasabi lang din sakin ni Kuya, babe. Dito sila nagbakasyon ng asawa niya last year eh."
Pumasok na kami sa room namin. Si Ivy na ang nagayos ng mga gamit namin at ako naman, diretso lang sa balcony para tingnan ang napakagandang view. Kitang kita kasi ang buong Hondura Island Cove. Ang ganda talaga.
Nandito kami ngayon sa Puerto Nirvana sa Puerto Galera. Para siyang exclusive na resort. Hindi masyadong crowded kaya nakakarelax. Na push din kasi talaga tong pagbabakasyon na sinabi ni Camille. In no time kasi, babalik na ulit sila sa US.
Napalingon ako nang may kumatok sa pinto. Si Camille ang napagbuksan ni Ivy.
"Lunch tayo sa baba in 10 minutes." at agad naman niyang sinara ulit ang pinto.
"Magbibihis ka pa ba, babe?" tanong ni Ivy sakin.
"Uhm. Di na. Sayang damit.." maikli kong sagot. "Tara na, gutom na ko."
Ginulo lang ni Ivy ang buhok ko. Iniwan na namin ang gadgets namin at lumabas na ng room. Pagkababa namin sa lobby ay nandun na sina Cienne, Mike, Camille, at Tigs. Nakahinga ako ng maluwag kasi hindi sumama si Ara. Mahihirapan lang ako lalo kung sumama siya.
"Nga pala, susunod si Vicky dito mamaya." paginform ni Cienne samin, uhm, specifically sakin. Sakin kasi siya nakatingin. At ganun pa rin, inis at galit pa rin siya sakin. Buong biyahe hindi niya ko pinansin.
Okay. Mali pala ko. Kasi susunod pala. Bigla akong kinabahan. Pero keri lang. Kasama ko si Ivy. Hindi ako dapat kabahan.
Pumunta na kami sa restaurant ng resort. Binigay na namin ang meal tickets namin at naghanap ng table malapit sa pool.
Nagsimula na kaming kumain at si Ivy na lang ang kumuha para sakin, like always. Buffet kasi at medyo nakakatamad talaga gumalaw. Idagdag pang baka makasabay ko si Cienne at kung anu-ano na naman ang isusumbat sakin.
"Vic!!" napatingin kaming lahat kay Cienne sa pagsigaw niya. At sabay lipat ng tingin sa kung saan siya nakatingin.
Kay Ara. May kasamang babae at inaakbayan niya pa.
Si Tin.
Ngiting ngiti ang dalawa, pero nang mapadpad ang mga mata ni Tin sakin ay agad niyang tinanggal ang pagkakaakbay ni Ara. Tapos biglang kumunot ang noo niya at kumapit sa braso nito, natuon na kasi ang mga mata niya sa pagkakaakbay din ni Ivy sakin.
Mukhang tanga. Pero... urgh. Imbes na masaktan ako ngayon, pagkainis ang nararamdaman ko. Selosan pala ata gusto ni Ara. Sige, ibibigay ko sa kanya. In the first place, alam niyang nandito ako. Tas ngayon ano? Magdadala siya ng back up plan? K!
Naupo na sila kasama namin at inabutan sila ni Cienne ng meal tickets nila. "Kuha na kayo dun, Vic.."
"Thanks," tugon niya kay Cienne. "Sorry pala guys, hindi na kami nakasabay sa inyo. Hinintay ko pa kasi tong si Tin."
"Girlfriend mo?" eeehheemm. Jusko na nasamid ako sa tanong ni Ivy. "Babe, water. Takaw mo talaga.." tumawa lang siya, pati na rin sina Camille at Tigs.
"Okay na, hehe" kaloka. Mapapahiya pa ata ako.
"Pakilala mo naman samin ni Yeye ang girlfriend mo, Vic."
"Ex." pag correct ni Tin kay Ivy. "I'm Tin."
"Hello.." at nakipagkamay si Ivy sa kanya. LIKE ALWAYS.