"Ano ba yan! Kitang natutulog pa eh!" iritado kong sambit at tinakpan ang mukha ko ng unan.
Patuloy pa ring nagriring ang phone ko! Tsk. Kanina pa to ah! Siguraduhin lang ng kung sino man ang tumatawag na importante ang sasabihin niya. Kung hindi, teka chineck ko ang oras sa relo ko na hindi ko pa natatanggal mula kagabi, ay alas onse pa lang ng umaga mamumura ko na siya.
Kinuha ko na ang phone ko at nakitang si Cienne lang pala ang tumatawag.
"Alam mo bang nakakaistorbo ka ng tulog ng taong halos limang oras pa lang ang tulog?" iritado kong sabi sa kanya. "Siguraduhin mong importante yan!"
"Okay. I'll go directly to the point. Nandito ang may ari ng wallet, and she's in a hurry! So I suggest you come here already! Bye!" saka niya inend na ang tawag.
Tsk. Siya pa ang may gana ah. Eh ano naman ngayon kung nandun na ang may ari? Maghintay siya....
Huh?
Teka.
Si Mika Aereen?!
Hala siya! Ayun, tumakbo na ko papunta sa banyo at mabilis na naligo. At habang naliligo ay hindi maalis sa isip ko ang magandang mukha niya.
May boyfriend na kaya siya? O baka girlfriend? Ano kaya ang trabaho niya? Sana hindi suplada. Ililibre ko nga ng kahit na anong gusto niya sa shop mamaya. Or pwede ko din siya yayaing lumabas! Maganda kaya ang boses niya, at...
Ano ba tong mga pinagiisip ko! Natagalan pa ata ako dito sa banyo!
Nagmadali na kong nagpunas at nagbihis. I made sure I looked presentable. Sinuot ko ang kakabili ko lang na polo shirt, yung faded ko na Levi's, at ang pinakabago kong Vans. Naglagay ako ng konting pabango at nagsuklay. Kinuha ko na ang wallet ko, wallet niya, phone, at susi ng sasakyan ko na nakapatong sa dresser saka sumuot ng shades.
Dumiretso na ko sa parking area sa baba nitong building ng condo ko. Nagsimula na kong magdrive.
.
Pagkadating ko sa shop ay hinanap ko agad si Cienne. Nakaupo siya sa usual place namin tuwing nagkakape kami. Hindi naman ata si Mika Aereen ang kasama niya eh. Nakatalikod kaya hindi ako sure. At parehas pa kami ng porma. Polo shirt, faded jeans, Vans, at... naka cap? Eh mas lalake pa ata to kesa sakin eh.
Hinubad ko na ang shades ko at nilapitan na sila.
"Thank God, nandito ka na!" napalakas pa ata ang boses ni Cienne na halatang naiinis na sakin. Sabay silang napatayo. "Vic, this is Mika.."
"Hi." bati niya sakin at inoffer ang kamay niya.
"Hello," ganting bati ko saka nakipagkamay sa kanya.
Grabe, ang lambot ng mga kamay niya. Parang pampered na pampered. At mas maputi pala siya sa personal! Kahit ang butch ng dating niya ang ganda ganda niya pa rin!