Maaga akong nagising. Saturday kasi ngayon at ang sabi ni Mika, anytime pupuntahan niya ko sa shop. Pagkabangon ko ay mabilis lang akong naligo at nagpalit ng damit.
Okay.
I'm good to go.
I'm getting used to living with the pain brought by my relationship with Mika. Pero hanggat hindi niya sinasabi saking ayaw niya na, hindi ako bibitaw. At sa kanya lang ako, paninindigan ko yan. Martyr na kung martyr, pero ngayon lang ako naging ganito sa isang babae. Bahala na...
Oo, bahala na...
Pagkarating ko sa shop agad akong sinalubong ni Cienne ng yakap. "Hi!"
"O? Aga mo ah.." komento ko.
Sa gilid ng mata ko, nakita ko si Mika. Nakaupo siya sa usual spot namin ni Cienne. At may kasama siyang babae.
"Ikaw din, ang aga mo. Si Mika mo nandun oh.." ngumuso siya sa direksyon ni Mika. Wag kang mag-alala, nakita ko na. At alam kong pupunta siya. Hindi ko lang inexpect na may kasama pala siya.
"Okay.." yun lang ang nasabi ko.
"Sige na. Puntahan mo na. Alis na muna ko, puntahan ko lang yung bagong distributor ng pastries." sinabayan ko muna siya papuntang counter para kunin ang bag niya. "Kung may lakad ka, text mo ko ah? Para makabalik ako agad.. Bye!" humalik na si Cienne sa pisngi ko at lumabas.
Naupo lang muna ako dito sa counter. Abot naman ng tingin ko si Mika. Seryoso siyang nakikipagusap sa kasama niya at from time to time tumatawa naman. Hindi pa ata niya napapansing nandito ako. Gusto ko mang lapitan siya ngayon din ay hindi ko naman magawa, baka ayaw niya. Syempre may kasama kasi siya.
Nakita ko ang sticky notes at ballpen ni Cienne, mahilig ito dito eh, para sa mga reminders niya. At halos lahat ng kanto ng shop ay may note niya ata. Minsan quotes, minsan reminders para sa crew, basta kung ano na lang ang maisipan niya.
Kinuha ko na ito at nagsimulang magsulat.
Hi beautiful. :) Good morning...
- Ara <3
"Maya," tawag ko. "Pakibigay nga to dun sa babaeng naka red."
"Kay Maam Mika po?" abot niya ng note. Okay, I forgot. Kilala niya na pala si Mika.
"Oo.."
Sinundan ko lang ng tingin si Maya hanggang sa naabot na niya ang note kay Mika. Pagkabasa ni Mika ng note ay nakakunot noong napatingin siya sa gawi ko. Nagsmile lang ako at kumaway sa kanya.
Ang ganda niya. Kahit sa malayuan ang ganda niya talaga.