Chapter 38

5.7K 153 34
                                    

"Cienne, sabihin mo sakin na nagbibiro ka. Please, Cienne. Nagbibiro ka diba?" nanginginig ang buong katawan ko. Ramdam na ramdam ko yun. Ang sakit sakit! Kasi sa ibang tao ko nalaman! Bakit hindi na lang si Ara mismo ang nagsabi sakin? Bakit hindi niya man lang sinabi sakin? I mean, may relasyon kami diba? Hindi naman kami nagkaclosure para maghanap na agad siya ng iba.

Unfair na kung unfair, pero nagpromise siya sakin! Ako, tinupad ko ang pinangako ko sa kanya na babalik ako, na aayusin ko! 4 months lang akong na late! 4 goddamn months!

"I'm sorry, Mika. Alam kong hindi ako dapat ang nagsasabi sayo nito,"

Napasapo na ko sa noo ko. Patuloy lang sa pagtulo ang luha ko at napapahikbi na ko. Nandito kami sa loob ng office nila sa shop, hindi ko nga alam na may office pala sila dito ni Ara. Ngayon lang din kasi ako nakapasok dito.

Katabi ko si Cienne na nakaupo sa couch. Kitang kita ko sa itsura niya na naaawa siya sakin.

"Cienne, hindi ko maintindihan kung bakit.. okay naman kami kahapon, kasama ko siya buong gabi, tapos bigla na lang wala na siya. At ngayon malalaman ko na nagkabalikan na sila ni Tin? Ano yun, Cienne? Kasi ilang beses niyang inulit sakin kagabi na mahal niya ko, at naramdaman ko yun!"

"Mika," hinawakan ako ni Cienne sa balikat, at ang isa kamay niya naman ay hinahagod ang likod ko.

"Cienne, kung mahal niya si Tin at si Tin na ang pinili niya, hindi niya na ko dapat pinaniwala na mahal niya ko, na mahal niya pa rin ako." patuloy pa rin ako sa pag-iyak, halos hindi na ko makahinga at ang sakit sakit na ng dibdib ko.

"I don't want to give you false hopes Mika, pero I'm sure, kung hindi lang dahil kay Tin, siguro hanggang ngayon kasama mo pa rin si Vic, na hindi siya bigla na lang mawawala,"

Napaangat ako ng tingin sa kanya. "What do you mean?" hindi ko kasi maintindihan ang ibig niyang sabihin.

"Tin, found out na umuwi ka na. Nalaman niya sa mga friends ni Vic na nakasama niyo kagabi,"

What the fuck?! So ano ang ibig sabihin nun? Nagmukha akong tanga sa harap ng mga kaibigan niya? Nagmukha akong laruan sa harap nila?

Lalo pa akong naiyak. Na realize ko na, ito din siguro ang naramdaman ni Ara dati! Pero hindi ko siya pinagmukhang tanga! Never ko siya pinagmukhang tanga sa harap ng mga kaibigan ko, kasi in the first place, alam niyang taken ako dati.

"Alam mo, Mika. Kung ibang babae ka lang, sigurado akong hahayaan lang yun ni Tin si Vic. Pero ikaw si Mika. Ang Mika ni Vic. Ang nag-iisang babae na maliban kay Tin, ay minahal niya. Mahal ka ni Vic. I'm sure. Kasi hindi yun magpapakatanga sayo kung hindi. At ikaw lang din ang nag-iisang babae na threat kay Tin",

Pinipilit kong intindihin lahat ng sinasabi ni Cienne. Pinipilit kong pinapa sink in sa isip ko, sa puso ko, na totoo lahat ng sinasabi niya. Sa lahat ng posibleng mangyari, ito ang least kong inexpect. Ni hindi ko nga alam na tototohanin ni Tin ang sinabi niya sakin nung nasa Puerto kami!

Pero si Vic yun, diba? Si Ara yun! Nasa kanya pa rin ang desisyon. At siguro nakapag desisyon na rin siya na ayaw niya ng maghintay sakin. Siguro dahil okay si Tin, siguro dahil mas nakakasama niya si Tin. Siguro dahil... sa una pa lang, si Tin naman talaga ang totoo niyang mahal.

"Mika," napatingin ako kay Cienne, "Nung mga panahong kayo pa ni Vic, at nakakasama niya si Tin, hindi mo ba naramdaman na threat din si Tin sayo?"

Napaisip ako sa sinabi ni Cienne.

Naalala ko nung nasa Pampanga kami. Nakita ko kung gaano kasaya si Ara nang makita niya si Tin, kung gaano siya sumigla. Nakita ko kung gaano niya ka miss yun. Siguro nga dahil sa sobrang bilib ko lang sa sarili ko, hindi ko na naisip na magiging threat siya sakin.

Aaminin ko, naging confident ako masyado sa sarili ko, kasi hindi naman kagandahan si Tin, hindi naman siya ganun ka-palaban, at nung una pa lang, nakita ko naman na ni-respect niya ang relasyon namin ni Ara. Siguro yun ang pagkakamali ko, masyado ko siyang inunderestimate. Idagdag pa na nawalay ako kay Ara.

Pero nandito na ko ngayon oh---

"Cienne, may-- Mika?!"

Maging ako din nagulat sa pagpasok ni Ara sa pinto.

"I think, may dapat kayong pag-usapan." saka nag-excuse si Cienne palabas, at pagdaan niya kay Ara, may binulong siya dito, hindi ko na narinig.

"Ara.." sambit ko.

Naupo siya sa katapat kong couch, hindi siya makatingin sakin.

"Ara, bakit?" hindi ko alam kung saan pa ko nakakuha ng lakas na magsalita. Sa presence pa lang ni Ara ngayon sa harap ko, sobrang nanghihina na ko. Ang sakit kasi eh. Sobrang sakit talaga!

"Nasabi na pala sayo ni Cienne.." mahina niyang sabi.

Is she even for real?! Ni hindi man lang ba siya mag eexplain sakin?! Pero ang tanong, dapat pa nga ba siyang mag explain? Oo, ako ang unang naka sakit sa kanya, pero sana ni respeto niya man lang ang naging relasyon namin diba?

God! I sound awful! I know! Ako pa talaga ang nanghihingi ng respeto!

"I'm sorry,"

"Ara, you promised me. Pinanghawakan ko ang pangakong yun," kung kanina tumahan na ko ng konti, ngayon naman napahagulgul na ko. At wala ding Ara na lumapit sakin para yakapin ako, para patahanin ako.

"Mika, umalis ka, iniwan mo ko. Si Tin, hinding hindi niya ko iiwan.."

Gusto kong sumigaw, at magwala, at sabunutan ang sarili ko! Yung ayaw ko sa lahat, ay yung icocompare ako sa ibang tao! Oo, alam kong I deserve this, dahil naging selfish at self-centered ako.

"Pero sabi mo kagabi mahal mo ko," halos pabulong ko ng sabi. Pagtingin ko sa kanya ay nakita kong napangiti siya. Ano to gaguhan lang? Now what? Pagkatapos ng nangyari kagabi, babawiin niya na na mahal niya ko?

"Totoo yun," nakangiti pa rin siya pero nakita kong pinahid niya na ang luha niya. "Pero si Tin, siya ang nandito para sakin, siya ang nagpuno ng pagkukulang mo sakin,"

"Pero Ara, nandito na ko oh, nandito na ko ulit. And this time, buong buo na. Sayong sayo na,"

"Mahal ko si Tin,"

Napahikbi pa ako lalo. Ang sakit sakit! Ang sakit sakit kasi sa kanya na mismo nanggaling. Sa bibig niya na mismo lumabas.

Hindi na ko nagisip. Bahala na, pero kung ito na lang ang pwede kong gawin para mabalik si Ara sakin, ang magmakaawa, gagawin ko.

"Ara," lumuhod na ko sa harap niya, "Ara please, give me a chance, give me a chance to prove myself that I'm worth it. Please give me a chance to at least change your mind. Kasi nandito na ko, Ara. Wala ng iba, ikaw na lang," nakatingin lang ako ng diretso sa kanya. Nakaluhod pa rin ako sa harap niya kaya halos magkasing tangkad lang din kami, at patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

Mahina siyang tumawa at umiling, "Bakit Mika? Nung nagdecide ka ba na sumama kay Ivy, humadlang ba ko sa desisyon mo? Binigyan mo ba ako ng chance na pabaguhin ang isip mo?"

Napayakap na ko sa tuhod niya. Lahat ng ginawa ko dati, lahat ng desisyon ko, bumalik sakin lahat. Ang sakit sakit!

Desperate na kung desperate, pero kumandong na ko sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Hinalikan ko siya sa labi, wala na akong pakialam kung magmukha akong tanga at desperada. Wala na rin akong pakialam kung basang basa na ng luha ang buong mukha ko.

Nilayo ko ang mukha ko sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Tiningnan ko siya ng diretso sa mata, maging siya ay naiyak na din ng tuluyan. Napayuko na siya at nakakapit lang ng mahigpit ang mga kamay niya sa damit ko. Muli kong inangat ang ulo niya

"Ara, please.. One last chance,"

---------------------------------------

Please read:

Hi! :) Uhm, magstart na po ang regular class ko bukas, but I promise, before matapos ang week na to, tatapusin ko na ang story na to. Last 3 chapters na lang naman. Yung 39, 40, at ang epilogue.

Btw, wag po kayong mag expect ng mahabang ending dito ah? Hindi po kasi siya mahaba, mas mahaba pa nga yata ang epilogue. :)

Anyway, goodnight guys! :) Let's start the week right! :)

We Love Until It Hurts (Mika Reyes - Ara Galang fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon