Chapter 5

13.8K 161 11
                                    

Hindi ko alam kung kanino ako maiinis, kay Mika na naka two piece lang o sa mga taong napapalingon sa kanya? Mapa babae o lalake napapatingin sa kanya eh. Kanina ko pa siya kinukumbinsi na isuot niya na lang ang sarong na nakatali lang sa strap ng bag niya pero ayaw niya.

"Kung gusto mo, hubarin mo na rin yang sando mo.." irap niya sakin saka inabot na mula sa tindera ang binili niyang ice cream.

"Wag mo kong pilitin.." tipid kong sagot saka hinawakan na ang kamay niya.

Naglalakad lang kami ngayon dito sa front beach at pa tingin tingin lang siya sa mga nadadaanan naming kung ano. Ako hindi, sa kanya lang kasi ako nakatingin.

Seryoso ako, ngayon lang ako nagandahan ng ganito sa isang babae. Sa kanya pa lang. Kung sa mga nakakasama kong mga babae, laging may kulang, lagi akong may hinahanap. Si Mika naman, kumpleto na, may bonus pa.. mahinhin, nasa gitna lang ng pagiging conservative at liberated, mabilis niya kong mapaamo, may sense of humor, at higit sa lahat sobrang confident siya sa sarili niya. Alam niya ang ginagawa niya... Hay. Di yata ako mawawalan ng pampuri sa babaeng to.

"Gusto mo?" tinapat niya malapit sa mukha ko ang ice cream. "Sige na, bilis na.. Alam kong gusto mo,"

Binuka ko ng konti ang bibig ko, sinubuan naman niya ko agad, "Uy teka, gusto ko pa," reklamo ko. Agad din naman niya kasing binawi ang ice cream eh.

"Gusto mo pala, di sana bumili ka na din kanina.."

"Di ko naman alam na masarap eh."

"Butch ka ba talaga?" tanong niya, nakataas pa ang isang kilay. "Dami mong arte eh.."

Hala siya. Ngayon nga lang eh. Ano ba isasagot ko? Hahaha.

Natawa na lang ako at ginulo ko na lang ang buhok niya gamit ng isa kong kamay.

"Uhm, teka pakihawak.." bumitaw siya sa pagkakahawak ko sa kamay niya at pinahawakan muna sakin ang ice cream niya. "Nagva-vibrate ata phone mo.." inabot niya naman agad sakin ang phone ko ng mahanap niya na ito mula sa bag niya.

Paktay! Tumatawag si Kim!

"Sagutin mo na.." sabi niya sabay kuha ng ice cream at sumubo.

Hinatak ko muna siya papunta sa isang kiosk at sinagot na ang tawag.

"Pre san ka?" agad kong tanong, baka kasi nandito lang sila sa malapit at mahuli kami ni Mika.

"Nandito pa sa hotel, lalabas na. Nasan ka? Puntahan ka na lang namin.."

"Ako na lang pupunta sa inyo. Text niyo na lang ako kung saan kayo.." napatingin ako kay Mika, nagsmirk lang siya sakin.

"Sige. Dinner na lang tayo.. Text ka namin kung saan."

We Love Until It Hurts (Mika Reyes - Ara Galang fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon