Chapter 31

7.5K 153 12
                                    

Bakit ganun ang pag-ibig? May dapat masaktan. May dapat i-let go? May dapat iwanan? Kailangang gumawa ng tamang desisyon? Kailangang pumili?

Pero bakit ganun? Hindi ako masaya? Hindi ko masasabing fulfilled ako dahil pinili ko kung ano ang dapat, kung ano ang tama, kung ano ang makakabuti.

Tama itong desisyon ko na sumama kay Ivy, pero hindi ako masaya. Hindi ko maramdamang tama.

"Babe, wag kang kabahan.." hinawakan at pinisil ni Ivy ang kamay ko.

Ngumiti siya, parang sinasabi sakin na magiging okay din ang lahat. Ito ang mga ngiting nagbibigay lakas sakin, ang nagpapabaliw sakin, ang nagsasabi saking lahat magagawa ko, makita ko lang ang ngiting yan... dati.

Iba na ngayon. Ibang mga ngiti ang gusto kong makita. Ibang ngiti ang gusto kong masilayan. Ibang ngiti ang nagbibigay sakin ng lakas.

"Ivy, Yeye!"

Napalingon kami pareho sa kung saan nanggaling ang boses. Sina Camille at Tigs pala, at nakasunod sa likod nila si Cienne na mukhang kakaiyak lang. Namumula kasi ang ilong at may bahid pa ng luha ang gilid ng mga mata niya. Iba sa Cienne na nagtataray at nagsusungit sakin.

"Sorry na late kami, teka mag check in muna kami." tinapik lang kami ni Camille sa mga balikat namin at dumiretso na sila ni Tigs sa check in counter.

"Yeye.." nagulat ako sa pagupo ni Cienne sa tabi ko. "Can we talk?" bulong niya sakin, at sigurado akong hindi yun narinig ni Ivy. Iba naman ang approach ni Cienne sakin ngayon, hindi mataray, walang galit na nakaguhit sa mukha niya.

"Uhm, babe, titingin lang kami ni Cienne ng mga pagkain dun sa mga pasalubong. Balik na lang kami agad. Okay lang ba?"

"Oh sige." inabot niya sakin ang wallet niya, "Baka may gusto kang bilhin.."

"Hindi wag na, may pera ako dito." pagtanggi ko.  Di na rin naman siya nagpumilit pa at hinayaan na kami ni Cienne na makaalis.

Nandito na kami ngayon sa airport. Ilang oras na lang at flight na namin papuntang US.

Gustong gusto ko ng tanungin si Cienne kung nasaan si Ara. Kung bakit hindi siya sumama sa paghatid kay Camille at Tigs, kaso ayoko namang mapagsabihan ng bobo. Ang obvious naman na kasi ng sagot kung bakit wala siya dito. Andami ko pang tanong, pero isa lang ang alam ko, na the last time we talked, nangako siya sakin na hihintayin niya ko. Hindi ko masabi kung gaano katagal, kung hanggang kailang siya maghihintay. Walang assurance, walang writen. Verbal agreement lang, pure feelings lang, na maghihintay siya dahil babalik ako.

"Thank you, Mika." hinawakan ni Cienne ang kamay ko. Nasa tapat lang kami ng isang coffee shop.

"For what?" pagtataka ko.

"For letting Vic go..."

Parang nabingi ako sa sinabi ni Cienne. Sumikip ang dibdib ko at literal na napanganga ako. Ano na namang palabas to? Hindi ba sinabi ni Ara sa kanya babalik ako? Na maghihintay siya sakin? Pero the last time na nagusap kami ni Ara, yun pa yung umuwi kami sa Tagaytay, after nun hindi na kami nagkita, or nagkatext, kasi naging busy na ko pati umuwi rin kami ni Ivy sa Bulacan at Batangas.

"Mika, sana wag mo ng uulitin to kay Ivy.." nabalik akong atensyon ko kay Cienne. Di ko na din naiwasang pagtaasan siya ng kilay. Sino naman kasi siya para sabihin sakin to?

"Why are you saying all of these, Cienne? Wala kang right na diktahan ako sa mga bagay na gusto kong gawin." matigas ang pagkakasabi ko na naging dahilan ng pagbalik ng galit niyang mukha.

"So trip mo talagang magloko, Mika? If that's what you want, sige, go lang. Pero hayaan mo na si Vic!"

"Cienne.." pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. "Hihintayin ako ni Vic."

We Love Until It Hurts (Mika Reyes - Ara Galang fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon