"Ara.." nakaramdam ako ng pagyugyog sa braso ko. "Mahal.." bulong naman ngayon sa tenga ko. "Baby, gising na."
Nagdilat ako ng mata at kinusot yun bago ako humarap sa side ni Mika.
"Good morning, mahal ko!" bati niya sakin.
Napangiti naman ako at yumakap sa kanya. "Morning.." eww. Ano ba yan. Ang baho pa ng hininga ko. Nagbackfire pa sakin. Napatakip tuloy ako ng bunganga ko. Buti na lang nakasubsub ang mukha ko sa leeg niya. Nakakahiya.
Hinalikan ko lang siya sa balikat at bumangon na. Patakbo akong dumiretso sa banyo para maghilamos at magtoothbrush.
Paglabas ko ng banyo ay nakabangon na rin naman si Mika. Nandito na rin siya sa kitchen.
"Mahal, mamalengke tayo." sabi niya habang naghahalungkat sa ref.
"Ngayon na?" tanong ko naman.
"Maya konti. Breakfast muna tayo.." naglabas siya ng freshmilk mula sa ref at lumapit naman sa counter para ipasok ang french bread sa toaster.
Naupo lang ako sa mesa at nanunuod lang sa bawat galaw niya. Ang hinhin nya kumilos pero hindi maarte. Nakakatuwa siyang panuorin. Nilabas na niya ang bread at nilagay sa plato sabay latag din ng butter.
"Mahal, milk na lang muna. Wala na palang coffee."sabi niya habang naglagay na din freshmilk sa baso.
"Okay lang.. upo ka na dito." hinatak ko na siya at pinaupo sa lap ko. "Ops." niyapos ko siya sa bewang, nagtangkang lumipat sa isa pang silya eh. "Dito ka lang."
"Clingy mo!" puna niya sakin at tumagilid ng upo para mahalikan niya ko sa lips. Ang sarap lang ng agahan ko, este, ng umaga ko. Hahaha.
Aba at ang pisngi ko pa talaga ang pinanggigilan. Tinadtad niya pa ng halik ang buong mukha ko hanggang tumigil ulit ang bibig niya sa mga bibig ko. Napapikit na ko ng dahan dahn niyang ginalaw ang lips niya. Nakakalunod ang mga halik niya, nakakapagpalimot. Maya maya pa ay naramdaman ko ng inangat niya ang mukha niya at nagpahabol pa ng smack bago humarap ulit sa mesa.
Sinimulan niya ng lagyan ng butter ang mga french bread at inabutan ako ng isa.
"Subo.." pout ko sa kanya.
"Say ahhh!" ngiting ngiti naman siya.
Ayun, sinubuan niya nga ako hanggang sa naubos na namin ang isang buong bread. After namin magbreakfast ay gumayak na kami para mamalengke.
.
.
"Mahal, marunong ka mag ihaw ng bangus na stuffed with mga kamatis and onion?" tanong ni Mika sakin.
Pumipili kami ngayon ng mga isda. Nakakapit lang si Mika sa braso ko, parang takot mawala. Di ko mapigilang mapangiti. Ang cute naming tingnan eh. At dito, dito sa Tagaytay, kung saan malayo kami sa mga nakakakilala samin, malaya kaming gawin ang mga ganito. Minsan naiisip ko, pano kaya kung yayain ko na lang si Mika na lumayo?
"Mahal, nakangiti ka lang diyan.." tapik ni Mika sa braso ko.
"Sorry.." sabi ko. "Oo, marunong ako. Teka,"
Pumili na ako ng boneless na bangus at bumili. Pinagkasunduan namin ni Mika na mag-ihaw na lang kami for lunch ngayon. Pagkatapos namin dito sa mga isda ay lumipat naman kami sa meat section at bumili ng pork na iihawin din.
Nang makumplento na ang aming mga bibilhin para hanggang dinner mamaya ay umuwi na din kami agad.
Pagdating sa bahay ay hinayaan ko ng si Mika ang maglinis ng mga pinamili namin, ako naman sinet-up ko na ang portable grill. Habang naglalagay ako ng uling ay narinig ko si Mika na tinatawag ako.