Chapter 14

12.5K 154 22
                                    

"Nasisiraan ka na talaga ng bait, Vic.." komento ni Cienne habang pumipili sa ilang boxes ng hash brown.

Sinamahan ko siyang maggrocery at habang naggogrocery kami ay kinukwento ko sa kanya ang pagkikita nina Tin at Mika. Pati na rin ang pag alok ko na sakin muna mag stay si Tin.

"Syempre ayaw ko namang mapahamak siya, Cienney. Jusko, skwaters area ang napili niyang upahan." nakasandal lang ako sa push cart ngayon.

"Kahit na.. Kaibigan ko si Tin pero..." nagpause muna siya at kinompare ang dalawang box ng hashbrown. Nang mapili niya na ang medyo mas mabigat na box ay nagpatuloy na siya sa pagsalita. "Kaibigan ko na din naman si Mika. Mukhang selosa, kaya winawarn lang naman kita na baka maging sanhi ito ng away niyo.."

Alam ko naman yun, Cienne. Kung tutuusin nga, marami kaming dapat pagawayan ni Mika. Napaka minor issue lang yang kay Tin. Hay. Kung sana nasabi ko na kasi dito sa bestfriend ko ang sitwasyon ko ngayon.

"O, di ka na nakasagot diyan.." irap niya sakin habang umusog na papunta malapit sa mga fries.

"Kasiiiii..." hinatak ko si Cienne at niyakap ko siya sa may leeg niya at ginulo ang buhok niya.

"Vic, ano ba, nasasakal ako.. Hahahah!"

"Kasi po," binitawan ko na siya at pinisil naman ngayon ang magkabilang pisngi niya. "Lagi ka na lang pong tama..."

Pinalo na niya ang kamay ko at akmang susuntukin ako pero agad naman akong umilag. "Last mo na yan, Vic ah!"

Napatawa na lang ako ng malakas. Hahahaha. Ganito kami maglambingan ni Cienne. Kaya lagi din kaming napagkakamalan eh.

"Uy Ciennang.." kalabit ko sa kanya. Nagcoconcentrate na naman kasi sa pagpili ng fries.

"Ano ba Vic. Sandali lang pumipili pa ko eh.." di man lang ako nilingon o. Ma asar nga to.

"Ikaw na lang kaya gawin kong syota?" sabi ko sa kanya habang hinahawakan ko ang balikat niya.

Dahan dahan siyang lumingon sakin at.. Hahahah! Pulang pula na ata ang mukha sa galit. Ito lang talaga ang pang asar ko sa kanya na sobrang napipikon siya eh. Hahaha! Sarap talaga pagtripan ng babaeng to.

"Isa pa, Vic ah.." saka niya tinanggal ang kamay ko sa balikat niya.

"Bakit? Pogi naman ako.." binilang ko pa sa daliri ko. "Conjugal property naman natin ang shop, mabait naman ako, kilala ako ng pamilya mo, kilala-- aray! Hahaha! Cienne!" naputol na ang sasabihin ko pa sana dahil pinalo niya na ang kamay ko at hinampas sa mukha ko ang isang bag ng fries.

"Manahimik ka na Victonara kung ayaw mong mag-away ulit tayo ng dalawang buwan ah.." pagbabanta niya na ikinatawa ko na naman. "Kabagin ka sana kakatawa mo.." dagdag niya pa at nilagay na sa push cart ang fries na hinampas niya sakin.

Laking pasalamat ko lang talaga at hindi naman naiilang tong si Cienne sakin. Wala naman talagang malisya kaso natatawa talaga ako sa mga reaksyon niya pag inaasar ko siyang ganito. Parang nadidirian sakin eh. Hahaha.

"Pero balik sa topic natin, Vic ah. Seryoso.. Ipaalam mo kay Mika na dun mo muna pinatira si Tin. Maiintindihan niya naman yun.." hmmn. Nagseryoso na nga si Cienne.

Nakapila na kami ngayon sa counter.

"Sasabihin ko naman pag nagkita na ulit kami. Ayaw ko lang sa text." sasabihin ko naman talaga kay Mika. Kahapon kasi paghiwalay namin hindi naman siya nagrereply sa mga text ko. Ayun nga lang hindi ko siya na inform na kay Tin ako dumiretso.

"Good." saad niya habang kumukuha na ng pera sa wallet niya. "I got your back. Always.."

"Always.." tugon ko.

We Love Until It Hurts (Mika Reyes - Ara Galang fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon