"Hindi ka ba galit sakin?" halos ma tanggal ko na ang kamay ni Ivy sa kakahila. Ako pa ang napipikon ngayon. Wala man lang bahid ng tampo o galit ang pakikitungo niya sakin.
Kauuwi ko lang dito sa condo ko at kung iisipin, dapat galit na galit na siya. Dapat pinipiga niya na ako ng explanations na dinedesrve niya.
"Hindi nga.." panay pa din ang paglalambing niya sakin. "Kumain nga muna tayo, nagluto ako ng favorite mong carbonara." ngiting ngiti pa siya at ako naman ngayon ang hinila papunta sa kitchen. "Masarap to, babe. Kopyang kopya ko ang recipe na binigay sakin ni Tita Bhaby."
"Nakausap mo si Mommy?" napabitaw na ko sa kanya.
"Yup." tumango siya at muli akong hinila. "Tumawag ako sa inyo kagabi eh. Nakausap ko din Daddy mo at sina ate Aereen. Pati sina kuya Perry, Miko, at Mikole."
"Why?" di pa rin ako makapaniwala. Hindi kasi to gawain ni Ivy, yung mauunang mag contact sa pamilya ko.
"Wala lang. Nangamusta. Pinaalam ko lang naman na dumating na ko."
"Bakit hindi mo man lang sinabi sakin?!" napalakas na ang boses ko.
Tinaasan ako ni Ivy ng kilay then smirked at me. "Nasaan ka ba kagabi? Wala ka dito diba? Kasi may kailangan kang alisin diyan sa system mo?"
Umupo na siya sa dining table at nagsimulang maglagay ng carbonara sa plate niya. Naglagay din siya ng para sakin.
"Sorry." yumuko lang ako.
Hinatak niya naman ako at pinakandong sa kanya. "Sabi mo wala tayong problema diba? Bakit ka ba nagkakaganito ngayon? Pa iba iba na lang ang mood mo.."
"Sorry... it's just that..." urgh! Paano ko ba sasabihin? Puno ng pagtataka ang mga mata ni Ivy. Ang amo ng mukha niya at parang sobrang vulnerable niya. Hindi ko kaya. Hindi ko pa kayang sabihin ngayon. Hindi sa ganitong ayos niya. "wala, babe. Masama lang ang loob ko.."
"Bakit?"
"Bakit hindi mo man lang tinanong kung okay lang sakin na aalis ka ulit?"
Okay. Itong hinanakit kong to, this is true. Walang halong pagsisinungaling. Sumama naman talaga ang loob ko sa kanya. In fact, hanggang ngayon. Pero I should at least be thankful diba? Pag na approve ang papers niya, di na siya pwedeng mag back out, mas madali na lang niya akong bitawan.
God, I'm sorry for using this to my advantage, pero sobrang nalilito na talaga ako. Ang hirap na ng sitwasyon. Sa totoo lang, ang hirap i-let go ni Ivy, kasing hirap tanggihan ni Ara. Kay Ivy, may assurance ako sa kanya. Tanggap siya ng pamilya ko. Alam na nga ata ng buong mundo, I mean sa mga nakakakilala samin, na kami. Na siya ang girlfriend ko, at mahal na mahal namin ang isa't isa. Never niya ko niloko. Never ko din siyang niloko, until I met Ara.
"Para satin to, Ye.." yumakap siya sakin at sinandal ang noo niya sa braso ko. "I promise, para satin to. Kaya ko kailangang umalis na naman."
Parang bumigat na naman ang dibdib ko sa sinabi niya. Alam niyo yun? Yung sobrang nakaka touch at the same tutol ka kasi parang ayaw mo na namang mawalay sa kanya.
Bakit ganito ba ka inconsistent ang nararamdaman ko? Okay naman kami ni Ivy kapag kasama kami, alam ko sa kaibuturan ng puso ko na mahal ko siya. And if I'm with Ara, it's totally different, parang sinasabi ng puso ko na dapat ko siyang bigyan ng kapantay na atensyon. Kailangan ko na atang magpakunsulta sa isang Psychiatrist. Nakakabaliw na kasi. Nababaliw na ko.
Inangat ko ang ulo niya at hinalikan siya sa noo. "I'm sorry." tiningnan ko siya sa mga mata, hindi ko maipagkakaila, kapag nakatingin ako sa mga mata niya, reflection ko lang ang nakikita ko, which means she only has her eyes on me. Minsan napapaisip ako, ganun din kaya ang nararamdaman niya kapag nakatingin siya sa mga mata ko? Dati siguro, oo. Pero ngayon, pagtiningnan niya ko, mata na ng babaeng manloloko at siningaling ang makikita niya.
Hinawakan niya ko sa batok at binaba ang mukha ko malapit sa kanya para mabigyan ako ng isang magaang halik. "I love you, babe.. Thank you for understanding me."
Napapikit ako, magkalapat lang ang mga noo namin. "I love you too..", nung sinabi ko ang mga katagang yon, alam na alam ko sa sarili ko na totoo yon.
Lumipat na ko sa kabilang chair at nagsimula na kaming kumain.
In fairness, kuhang kuha nga ni Ivy ang pagkakaluto ni Mommy ng carbonara. sobrang sarap. Galit galit tuloy muna kami habang kumakain. Naka tatlong plato ako sa sobrang sarap.
After namin kumain ay nanuod na lang muna kami ni Ivy ng TV. Busy kami sa panunuod at nakasandal lang ako sa dibdib niya nang bigla namang tumunog ang phone niya na nakapatong sa center table. Inabot ko yun at ako na mismo ang nagbukas ng message. Hinayaan niya lang din naman ako.
Ibyaaaang! Si Camille to! Double date? Nandito kami ni Tigs along Taft lang. Luneta tayo? Ka miss! :))))
"Sino yan?" sumilip si Ivy mula sa likod para makita ang phone niya. "Si Camille?"
"Yeah.." inabot ko na lang ang phone niya sa kanya para mabasa niya na mismo.
"Gusto mong pumunta?"
Umayos ako ng upo at hinarap siya. Napatingin na din ako sa terrace sa likod niya. "Pagabi na rin.."
Sa totoo lang. Ayaw ko sana. Ewan ko kung bakit. Ibang vibes ang dinadala nila sakin. Lalo na baka kasama na naman nila si Cienne. Ayokong makaharap ulit siya, baka this time di na makapagtimpi.
"Yayain na lang din natin sila magdinner." halata naman sa boses ni Ivy na gusto niya kaya pumayag na lang din ako.
"Sige.."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nakaupo lang kami dito sa isa sa mga bench sa harap ng fountain habang kumakain ng toknene.
"Grabe, nakakamiss talaga dito. One time nagshoot kami dito para sa project namin sa KASPIL. Nakakaloko yun. Ginawa kaming mga babae na naghahabol kay Rizal.." kwento lang ng kwento si Camille...
Teka...
"Lasallista ka?" bigla kong pagcut sa kinukwento niya.
"Yup. Kami ni Cienne and Vic. Magkakabarkada kami since college."
"Oh? Itong si Yeye, sa La Salle din nag aral nung college eh." sabi naman ni Ivy.
"Talaga? Sana dati pa tayo nagkakilala.." sagot naman ni Camille saka nagpatuloy na naman sa pagkwento tungkol sa college life niya.
What if kaya noh? What if nagkakilala na kami dati pa? At mas nauna kong nakilala si Ara kesa kay Ivy? Ano kaya ang buhay ko ngayon? Si Ivy pa rin kaya ang girlfriend ko? Hay... Andami kong tanong na hindi masagot. Pati sarili ko kinukwestyon ko na rin.
"What do you think, babe?" tapik ni Ivy sa binti ko.
"Ha?"
"Magbakasyon tayo, Yeye. This weekend. Parang despidida na rin for us.." ngiting ngiti pa si Camille.
"Ah.. ano, ahmm.. si.. sige."
Sana hindi ko pagsisihan na pumayag ako.
.
.
.
.
----------------------------
5:30pm, April 29, 2014
----------------------------
Filler lang to kaya maiksi lang. Sorry din sa typos and grammatical errors. Di ko na kasi inedit.
nagpapaplug pala. Miefer. In Time by: CrazyEgg