Chapter 35

6.1K 143 16
                                    

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Kanina pa ko nagprapractice kung paano huminga ng tama. Nandito lang ako sa harap ng salamin ng dresser ko. Maiging tinitingnan ang itsura ko. Parang ilang buwan akong walang tulog. Buong 30+ hours na biyahe, hindi ako nakatulog man lang.

Dalawang araw na kong nandito sa Pilipinas. Dalawang araw na ring puro cupped noodles at pancit canton lang ang kinakain ko. Wala akong gana kasi. Ayoko ring lumabas. Ayoko pa munang may makakita sakin na umuwi na ko. Wala naman akong pinagtataguan, ayaw ko lang talagang makipag interact muna sa kahit na sino.

Para kasing may hang over pa ko sa huling beses na magkasama kami ni Ivy. Literal ah. After kasi naming mag usap, niyaya niya kong maginom. Last na daw yun kaya pinagbigyan ko na lang din.

Hay. Di ko naman maikakaila, na mimiss ko na din si Ivy.

flashback

 

 

"Uuwi ka talaga agad?" saka niya ininom ang laman ng shot glass niya.

After naming nag iyakan at nag usap, lumabas siya at bumili ng maiinom sa convenience store sa baba. Last naman na daw siguro to kaya pinagbigyan ko na.

"As soon as possible," nilalaro ko lang ang mouth ng shot glass ko, di niya pa kasi nilalagyan ulit.

"Ako na ang bahala sa papers mo."

Napaangat ako ng tingin sa kanya. Naglalagay na ulit siya ng inumin sa baso niya. "Pwede ko namang gawin yun," sabi ko.

"Wag ka ng mag insist." sagot niya. "Don't worry, Ye. Wala akong sama ng loob sayo." ngumiti siya at nag shot ulit.

Gusto kong maawa sa kanya. Pero alam kong ayaw niyang kaawa ko siya, ganito si Ivy eh. Gusto niya laging ipakita na malakas siya.

Di na kami muli pang nagusap. Inom lang kami ng inom habang nanunuod din ng TV dito sa sala.

Naparami na nga kami ng inom pareho kaya napahiga na si Ivy sa tabi ko. Pinahiga ko siya sa lap ko at ako naman sumandal na lang dito sa couch. Pinatay ko na din ang TV.

"Ye.." yumakap siya sa bewang ko. "Baka hindi naman mag work out talaga yung sa inyo ni Vic.. tandaan mo lang na kahit anong oras pwede kang bumalik sakin dito."

 

 

 

end of flashback

Alam ko kung gaano kasakit para kay Ivy ang pag-iwan ko sa kanya. Ang pagpili ko kay Ara over her. Pero siguro naman enough na ang ilang buwan na kinimkim ko sa sarili ko ang nararamdaman ko. Ang importante ngayon, malinaw na sa kanya, at kaya ko ng panindigan ang sa amin ni Ara. May mga tao na lang akong kailangang kausapin.

Tumayo na ko mula sa harap ng dresser at kinuha ang bag ko.

We Love Until It Hurts (Mika Reyes - Ara Galang fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon